BEBENG’s POV Gabing-gabi na ay wala pa si Shao. Kanina pa ako nandito sa apartment niya. Nagluto na ako para pagdating niya ay may makakain kami. Pero wala pa rin siya. Hatinggabi na. Saan na kaya siya nagpunta? Mahirap walang phone. Hindi ako makatawag kahit kay Ezra. May landline rito pero hindi ko rin alam ang number ni Shao o ni Ezra. Kung hindi man ako umuwi ngayon, magagawan na ni Ezra iyon ng paliwanag kay Mama. Iyon naman ang isa niyang work kay Shao. Ang pagtakpan ako, lalo na kung gagabihin. Hihintayin ko lang si Shao at uuwi rin ako agad. Baka pag-alis ko ay dumating naman siya rito. Nagpasiya na akong umakyat sa aming kwarto. Naligo ako at nagbihis. Matutulog na muna ako. Gigisingin naman ako ni Shao kapag dumating na siya rito. Sana ay hindi siya magalit sa ginawa kong pag

