SHAO’s POV Pumasok ako sa loob ng club. Naupo muna ako at saka ako um-order ng alak. “Boss, nandiyan ba ang manager ninyo o kaya ay si Madam Ursula?” tanong ko sa waiter. “Sir, wala pa po si Manager. Lumabas lang po, pero pabalik na po siguro iyon. May inihatid lang po siya.” Nagsasabi naman pala ng totoo ang guard sa may entrance. Akala ko ay pinagtataguan lang ako kanina dahil wala pa sa tamang oras. “Okay salamat.” “May iba pa po ba kayong kailangan? Ka-table po?” “Pwede ba iyong star dito sa club? Si Madam Ursula?” Kaibigan ni Bebeng ito. At ayon sa nabanggit niya ay si Madam Ursula ang nagsama sa kaniya rito. “Wala pa rin po, Sir. Pero kapag dumating po, sabihan ko po siya agad.” “Okay boss. Salamat. Okay na ako sa isang boteng alak.” Iba ang sadya ko rito at wala akong i

