KABANATA 7

3223 Words
"ATE LHAM?" Pareho kaming napalingon ng Punong Pazap kay Cahya. Kalalabas lang nito mula sa maliit na kwarto. Kunot ang noo nitong nakatingin sa amin. "Anong ginagawa mo dito Azhim(ate)?" Lumayo sakin si Pinuno at bumuntong hininga. "Napuwing siya nang sabuyan ng buhangin ni Sierra sa mukha. Dahil doon ay muntikan na siyang mabugbog ng walang kalaban laban. Dinala ko siya rito upang tulungang alisin ang mga buhangin sa kanyang mga mata." "Ikaw Cahya, ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko saka tumayo at nilapitan siya. "Nawalan ka ng malay kanina." Natatawa naman siyang napakamot sa ulo. "Akala ko kasi matatalo ko siya sa pag-iwas ko sa mga tira niya. Konti nalang sana at mapapagod na siya at ako na ang panalo." "At paano ka naman mananalo sa iyong kalaban kung panay lang ang takbo mo?" nagsesermon ang tono ng Punong Pazap. Napanguso naman si Cahya. Nasisiguro kong magkakilala talaga sila. "Kumilos na kayo at tayo'y babalik na doon." utos pa nito saka lumabas ng kubo. Umikot lang ang mata ni Cahya saka ako hinila palabas ng kubo. Tapos na ang labanan nang makabalik kami roon. Hindi ko naman maintindihan kung bakit masama ang tingin sakin ni Sierra. Kung may dapat mang magalit doon ay ako iyon sapagkat hindi siya naging patas sa aming laban. Ganoon din naman ang Ikalawang Pazap. Ngunit mas galit ito sa aming pinuno. Pero kung ako ang tatanungin, ang Punong Pazap ang nararapat masunod doon dahil ito naman ang pinakamataas ang rango sa amin. Marahil na hinayaan lang siya ng pinuno na pangunahan ang mga gawain sapagkat nirerespeto siya nito bilang pinakamatandang Pazap. "Humayo kayo at maghanap ng ating kakainin sa tanghalian!" Maya maya'y anunsiyo nito. "Siguraduhin niyo lang na marami ang makukuha ninyo upang mayroon tayong kakainin para mamayang gabi. Naiintindihan niyo ba?!" "Opo!!" sabay sabay naming sigaw. "Maari na kayong umalis." Agad naman akong lumapit kay Cahya. "Maari ba tayong magsama sa panghuhuli?" "Oo naman, upang mas marami tayong mahuli." Lumapit na kami sa mga nakatambak na pana at palaso. Kumuha ako ng isang pana at mga palaso at isinukbit iyon sa aking likuran. Agad naming nilisan ang kampo at pinasok ang kagubatan. "Ang totoo niyan, kaya ako nagpapasama sa iyo ay nais kong turuan mo akong mamana ng mga hayop." Natigilan naman siya at humarap sa akin. "Ha? Bakit hindi ka ba marunong gumamit ng pana at palaso?" Napabuntong hininga ako. "Marunong akong gumamit ng mga ito subalit naaawa akong kitilan ang mga hayop." "Sus, kahit naman hindi mo sila patayin, hulihin mo man sila ng buhay ay kakailanganin mo parin silang patayin upang maihain." May tama naman siya. Kailangan ko na talagang alisin ang mga kahinaan kong ito. "Huwag kang mag-alala, tuturuan kitang masanay doon." Napangiti naman ako at sinundan siyang pumasok sa liblib na gubat. Maya maya ay sinenyasan niya akong tumahimik. May natanawan siyang isang usa sa di kalayuan. Agad niyang kinuha ang kanyang pana at palaso saka itinutok sa dereksyon ng usa. "Panoorin mo ako." bulong niya. Pinanood ko kung paano niyang pakawalan ang kanyang palaso at agad iyong tumarak sa katawan ng usa. Agad iyong bumulagta. Nilapitan namin ito at nakita kong naghihingalo ang usa. Bigla naman akong nakaramdam ng awa. Inalis ko agad ang paningin ko nang umagos ng tuluyan ang dugo nito. "Azhim, dapat mong sanayin ang sarili mo sa ganitong sitwasyon. Balang araw ay may makakaharap kang mababangis na hayop at kailangan mo silang patayin upang makaligtas ka." "Ngunit mababangis naman iyon, naaawa ako sa mga ganitong uri ng hayop." Napabuntong hininga siya. "Ngunit wala ka nang magagawa kundi ang patayin sila. Kung hindi ay ikaw naman ang magugutom. Ngayon, ikaw naman ang mamana." Binuhat niya na ang kanyang napatay na usa saka kami muling naghanap ng para naman sakin. "Ayun, may baboy ramo!" marahas na bulong niya. Agad niya akong hinila upang magtago sa puno. Ako naman ay nanginginig na inihahanda ang pana at palaso. "Ano ka ba, Azhim. Mabangis na hayop iyan kaya dapat wag kanang magdalawang isip na tirahin. Kapag nakita tayo niyan ay tiyak na hahabulin niya tayo." "O-Oo na, ito na..." Huminga muna ako ng malalim bago itinutok ang palaso sa baboy ramong abala sa pagkain ng d**o. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko habang tila binabayo ang dibdib ko sa kaba. "Azhim, ano pa bang hinihintay mo?" "Oo nga ito na, para kang si Pinuno e." Sinipat ko ng mabilis ang dereksiyon ng baboy ramo saka mabilis na pinakawalan ang palaso. Agad iyong tumarak sa leeg ng hayop. "Yes!" tuwang sabi ko. Agad naming nilapitan ang nakabulagtang baboy. "Sapul ah." aniyang nag-thumbs up pa. "Buhatin mo na." Bahagya naman akong natigilan at napangiwi. Bumuntong hininga muna ako bago nanginginig na hinawakan ang patay nang hayop. Kaya mo yan Lham... Kakatayin mo rin naman yan pagdating, saka kakainin. "K-Kaya ko ba ito?" naiusal ko. "Kaya mo yan, mas malaki nga itong dala ko." aniya. "Mas mataba naman sakin..." sabi ko saka sinimulang buhatin ang hayop. "Ang bigat!" bulalas ko saka binitawan iyon. Napabuntong hininga siya. "Azhim, kailangan natin itong buhatin. Malaking tulong rin ito upang lumakas ang pangangatawan natin. Wag mo nang asahan na may tutulong satin. Kasama ito sa ating pagsasanay." Marahas akong nagpakawala ng hininga. "Sige, pipilitin ko." Muli kong binuhat ang patay na hayop at tiniis ang bigat niyon. Naglalakad na kami pabalik ng kampo. Wala pa yata kami sa kalagitnaan ay laylay na ang dila ko sa bigat ng dala ko. "Maari ba tayong magpahinga?" sabi ko. "Sige, hinihingal narin ako." aniya saka ibinaba ang dala. Umupo na muna kami sa tabi ng puno at nagpahinga. "Mas matanda ka sakin ngunit mas may karanasan ako sa pagbubuhat." aniya. "Nagbubuhat ka na agad sa edad mong iyan?" di makapaniwalang tanong ko. "Hindi lang naman ako, lahat kaming naririto. Maaga kaming namulat sa kahirapan at naging responsibilidad na namin ang tulungan ang aming mga magulang sa halip na mag-laro at mag-aral. Kaya sanay na kaming magbuhat ng mabibigat na bagay sa mura naming edad." Agad naman akong nakaramdam ng lungkot at awa sa kanila. Mas lalo niyong nadadagdagan ang pagnanais kong sila ay matulungan. "Bakit naririyan pa kayo..?" Napatayo kami nang biglang dumating ang Punong Pazap. "Ac---este Pinuno..." ani Cahya. "Bakit hindi pa kayo bumabalik?" kunot ang noo nito kaya naman napanguso ako. "N-Nagpahinga lang po kami saglit." sabi ko saka hinawakan ang baboy ramo. "Medyo mabigat po kasi." Napabuntong hininga nalang ito saka lumapit samin. "Ako na ang magdadala niyan?" "Hala hindi na pinuno, baka pagalitan ako ni Ikalawa..." Nagsalubong naman ang kilay niya. "Hindi ba dapat sakin ka matakot? Ako ang Punong Pazap hindi ba?" Hindi naman ako nakapagsalita dahil totoo naman. Siniko naman ako ni Cahya. "Hayaan mo na siya, malakas ako diyan." aniyang natatawa. Sinuway ko naman agad siya ng tingin. "Ano kaba Cahya, nakakataas siya sa atin." "Sus, wala yan." muli siyang tumawa at binalingan si Pinuno. "Ikaw na ang bahala diyan PINUNO." nagulat nalang ako nang tinapik niya ang braso ng aming Punong Pazap saka ako hinila paalis. Nilingon ko naman si Pinuno. Mukhang hindi naman siya nagalit. Binuhat niya sa magkabilang balikat ang mga patay nang hayop at tila wala lang iyon sa kanya. Malaki naman kasi ang katawan niya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ilang taon na siya. Ang hula ko lang ay nasa labing apat hanggang labing pito ang kanyang edad ayon sa nakikita kong itsura niya at pangangatawan. Binalingan kong muli si Cahya habang naglalakad. "Ano ka ba Cahya, bakit ganoon ang ugali mo kay Pinuno? Dapat natin siyang igalang sapagkat mas mataas siya sa atin." Umikot naman ang mata niya. "Psh, wala lang iyon sa kanya. Pagkatapos nitong ensayo, saka palang niya ako pagagalitan." aniya pang napabungisngis. Kumunot naman agad ang noo ko. "Sandali nga.." sabi ko na tumigil pa sa paglalakad. "Kaano ano mo ba si Pinuno ha?" Natawa naman siya. "Ah hahaha, kasi naman ku---." "Ano pang hinihinto hinto niyo diyan?!" galit na turan ng Pinuno kaya naman agad kong hinila si Cahya at naglakad. "Ang babagal niyo maglakad!" inunahan na niya kaming maglakad. Napanguso akong binilisan ang paglalakad habang tawa naman ng tawa si Cahya. PAGDATING namin ay agad naming pinagtulungan ni Cahya na katayin ang mga nakuha namin. Iyon ang una kong karanasan na buksan ang katawan ng baboy at muntikan na akong masuka matapos kong makita ang mga lamang loob niyon. Nakayanan ko ang manok ngunit hindi ang isang to. Nagpanggap akong kaya ko kahit sa loob loob ko'y gusto ko nang tumakbo papalayo roon. Mabuti nalamang at nariyan si Pinuno upang tulungan kami. IYON ang unang gabing doon ako matutulog sa kubo nina Cahya. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagtungo sa kubo ng mga ito. "Gusto mo ba magtabi nalang tayo upang mabawasan ang lamig?" Si Cahya. Naroon sa ibaba ang kanyang katre. Maliliit lang naman kami kaya magkakasya kami roon. "Sige ba." sang-ayon ko saka nagtungo na sa kanyang katre. "Meron akong kumot dito, magsalo tayo." sabi ko saka inilabas ang damit ng Pinuno. Oo nga pala, hindi ko pa ito naisasauli sa kanya... Ni hindi ko pa iyon nalalabhan. "Pano naging kumot iyan? Eh isa iyang kasuutan." Bahagya naman akong natawa sa kanya saka ibinulatlat ang damit. "Hindi, malaking kasuutan ito. Maaari natin itong magamit bilang kumot." Inilahad ko pa sa harap niya ito at kung gaano iyon kalapad. Napakunot naman ang noo niya at pinakatitigan ang damit. "Sandali, pamilyar ang kasuutang ito." aniyang kinuha pa ang damit sakin at animo'y sinuri. "Hindi naman tayo nagsusuot ng 'Gho' ah, bakit mayroon ka nito?" nagtatakang tanong niya at natigilan naman ako. "A-Ahm, may nagpahiram sakin nung nilalamig ako nung isang gabi." "Sino naman?" nakataas na kilay niyang sabi. Hindi naman agad ako nakasagot. Hindi niya maaaring malaman na galing iyon sa Punong Pazap. Kapag kumalat iyon sa buong kampo ay baka isipin nilang may paborito ang Pinuno. Siguradong magagalit ang iba naming kasamahan. Natigilan naman ako nang amuyin niya iyon. Napansin ko ang bahagyang paglaki ng mata niya. Saka bigla nalang ngumiti ng kakaiba habang umiiling. "Hay naku, matulog na nga tayo. Sigurado akong matindi na ang ating pagsasanay bukas." Nakahinga naman ako ng maluwag. Humiga narin ako nang humiga siya. Pinagsaluhan namin ang kasuutan ng Pinuno bilang kumot. "Ang bait naman ng taong nagpahiram sayo nito." Aniyang di ko alam kung may pahiwatig ba iyon. Ngumiti nalang ako at pumikit. KINABUKASAN... Pag-gamit naman ng pana at palaso ang aming sinasanay. Sa lagay ko ay hindi nag-aalala sapagkat gamay ko na ang paggamit niyon, may piring man o wala, malapit man o malayo at naglalakad man o tumatakbo. Kaya naman, madali na sakin ang aming ginagawa. Napansin ko naman na hindi lahat ng kasama ko ay gamay na ang paggamit ng pana. May ilan na hindi napupuntirya ang tudlaan kung masyado itong malayo. Mayroon ding hindi kayang puntiryahin kahit na ang gilid ng tigpo kapag nakapiring. Kabilang na doon si Cahya. Kaya naman ganoon nalang ang tuwa at paghanga niya nang sunod sunod kong mapuntirya ang gitna ng tudlaan habang nakapiring ako. Ganoon din naman ang iba. Tunay ngang sinikap ni Mommy na maturuan ako ng pinakamahalagang bahagi ng pagsasanay, ang paggamit ng pana at ispada. Ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na ipinagawa ng Ikalawang Pazap. "Subukan natin ang galing niyo sa paggamit ng pana at palaso." anunsyo ng Ikalawa. "Isa sa pinakahinahanap sa pagiging Pazap ay ang galing sa pagpana. Kailangan ng bilis, pakiramdam at kontrol sa paggamit nito. Kaya naman hinahamon ko kayo ngayon palang na ipakita sa amin ang kagalingan niyo." maya maya ay may ibinubulong ito sa Ikatlong Pazap. Umalis ang Ikatlo at pagbalik nito, may dala na itong isang basket ng mansanas. Napakunot noo nalang ako bago nahulaan ang nais ipagawa ng Ikalawa sa amin. "Nakikita niyo ba ang mga ito?" Kumuha siya ng isa at ipinakita sa amin. "Kailangan niyo itong tamaan..." tumaas ang gilid ng labi niya. "Habang ito ay nakapatong sa ulo ng mapipili sa inyo. Kayo ang bahala kung sino ang nais ninyong magdadala ng mansanas. Tandaan ninyo, lahat ng kinalalabasan ng pageensayo ninyo rito ay may kalakip na marka. Iyon ang babatayan kung kayo ay nararapat magpatuloy sa pagsusulit ng pagiging pazap" Agad naman akong napabuntong hininga. May konting kaba kahit na sa isip ko ay kaya ko naman iyon. Kasi naman, iyon ang unang pagkakataong nakapatong sa ulo ng isang tao ang pupuntiryahin ko. "Ikaw ang mauna." tawag nito sa isang batang lalaki. "Pumili ka ng nais mong maging puntirya." Agad itong tumuro ng isa, kumakamot sa ulo ang lalaking napili niya. Halatang nag-aalangan at kinakabahan. Lahat naman yata kami ay ganoon ang nararamdaman. Paano kung may matamaan sa amin at magdulot iyon ng aming kamatayan? At mas lalong dumagdag sa kaba namin ang layo ng distanya niyon. Nakatayo ang bata sa tapat ng puno. "Simulan mo na!" utos ng Ikalawa. Tila hindi naman nakakaramdam ng kaba ang batang lalaki. Malakas ang loob niyang matatamaan niya ang mansanas. Ilang sandali lang ay inipwesto na nito ang pana at palaso sa direksiyon ng kanyang puntirya. Wala pang sampung segundo ay agad na niya iyong pinakawalan kayan naman lahat kami ay napasinghap. Sabay sabay naman kaming nakahinga ng maluwag nang matamaan nito ang mansanas at nasama ito sa pagtarak ng palaso sa puno. Tumawag muli ang Ikalawa ng susunod na pares. Isang babae naman. Tagumpay muli nitong napunterya ang mansanas. Di naglaon ay napunta iyon sa isang batang babaeng nanginginig ang kamay. Ito iyong napansin kong hindi pa gamay ang pagpana sa malayong distansya. Pati ang kanyang napili ay nanginginig ang mga tuhod at halata ang takot. Nagsimulang ipwesto ng batang babae ang kanyang pana at palaso. Hindi matigil ang panginginig niya habang itinutuon ang palasyo doon. Nasisiguro kong matatamaan niya ang batang lalaking napili niya. Mali kasi ang porma ng kanyang palaso. Maya maya lang ay pinakawalan na niya iyon kaya napapikit ako. Napamulat nalang ako nang magbulungan ang mga kasamahan ko. Pagtingin ko ay nakatayo parin ang bata at nakapatong parin ang mansanas. Nagtaka naman ako kung saan napunta ang palaso. Natagpuan ko nalang iyon sa lupa at bali na. "Muntikan na siya.." bulong ng isang kasama ko. "Oo buti nalang andyan ang Punong Pazap..." Agad ko namang hinanap ang Pinuno. Agad ko siyang nakita sa sanga ng isang puno sa gawing kanan habang nakaupo. May hawak siyang pana. Ibig sabihin... Tama, mabilis niyang napigilan ang pagtama ng palaso ng bata babae sa pamamagitan ng pagtira niya roon. Ganoon siya kabilis. Kung hindi niya naagapan iyon ay baka patay na ang batang lalaki. Maya maya ay ikinumpas ng Pinuno ang kanyang kamay. Sinenyasan niya ang batang babae at batang lalaki na umalis na roon. Muling tumawag ang Ikalawang Pazap hanggang sa si Cahya na ang titira. "Galingan mo Cahya." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at naglakad na sa unahan matapos piliin ang nakalaban niya noon. Tuloy ay di maipinta ang mukha nito. Nakangising ipinwesto ni Cahya ang kanyang pana at palaso. Nang pakawalan niya iyon ay dumaplis lang ang palaso sa mansanas na ikinahulog nito. Napasuntok naman si Cahya sa panghihinayang. Nakasimangot siyang bumalik sa pwesto namin. "Ang susunod, Sierra Dorji." Agad na naglakad sa unahan si Sierra. "Pumili ka ng nais mong asintahin." Natigilan ako nang tumingin sakin si Sierra at pekeng ngumiti. "Si Lham Tenzin." Napangisi naman ang Ikalawa at tumingin sakin. "Pumaroon kana batang Tenzin." Napabuntong hininga naman ako saka kumuha ng mansanas at naglakad palayo. Kung ano man ang balak ni Sierra ay hindi ko alam. May pakiramdam akong may gagawin siya laban sakin. Alam kong galit pa siya sa akin pagkatapos ng laban namin. Kaya naman kinakabahan ako habang pumupwesto sa tapat ng puno. Inilagay ko ang mansanas sa aking ulo. Natatanaw ko naman ang pagngisi ni Sierra habang ipinoporma ang pana at palaso sa gawi ko. Naging mabigat ang paghinga ko habang hinihintay ang pagtira niya. Hinanap ng sulok ng mata ko ang Punong Pazap ngunit wala na ito roon kaya nanlumo ako. Maari niyang pigilan iyon kapag sinadya ni Sierra na patamaan ako. Kung kailan naman ako na ang nakasalang saka siya nawala. Reklamo ko sa isip ko. Napasinghap nalang ako nang maramdaman ang paglipad ng palaso sa gilid ng mukha ko. Hindi ko namalayang tumira na si Sierra. Agad na nagbulungan ang mga naroon. Napahawak nalang ako sa pisngi ko nang maramdaman ang kirot doon. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dugo. Sinadya niyang padaplisan ako sa aking pisngi. Agad na nagtiim ang bagang ko at masamang tumingin kay Sierra. Pero nagkibit balikat lang ito saka tumalikod. Nakakuyom ang kamay kong bumalik na roon. Agad naman akong sinalubong ni Cahya. "Azhim! Ayos kalang? Nadaplisan ka." aniyang pumunit ng tela sa kanyang damit at pinunasan ang nagdudugo kong pisngi. "Ang sama talaga ng Sierra na yan! Halata namang sinadya niya iyon." Napabuntong hininga nalang ako. Nagpatuloy ang pagtawag ng Ikalawang Pazap. Hanggang sa wakas ay ako naman ang titira. "Lham Tenzin, ikaw naman!" Katulad ni Sierra, peke rin akong ngumiti sa Ikalawang Pazap at sa kanya. "Pinipili ko si Sierra..." Sabi ko na hindi pa man itinatanong ng Ikalawa. Halata naman ang pag-aalinlangan sa mukha ng Ikalawa. Si Sierra naman ay tila alam nang siya rin ang pipiliin ko kaya agad siyang naglakad papunta sa puno. "Nakapiring..." Nakangiti kong sambit na ikinatigil ni Sierra sa paglalakad at kunot noong humarap sakin. Mas lalo lang lumapad ang ngiti ko. "Nais kong puntiryahin ang mansanas nang nakapiring ang aking mga mata..." Agad na natigilan ang ikalawa sa tinuran ko. Maging ang aking mga kasamahan. "N-Nababaliw ka na ba?" bulalas ni Sierra. "Paano kung matamaan mo ako?" Tumaas lang ang gilid ng labi ko saka tinaasan siya ng isang kilay. "Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong mabubuhay ka, Sierra." Napansin ko naman agad ang paglunok niya saka lumapit sa Ikalawa. "Tiyo Sangay! Hindi ako papayag. Hindi iyon patas." Galit namang bumaling sakin ang Ikalawa. "H-Hoy bata! Anong karapatan mong pangunahan ako sa dapat mong gawin? Wala akong sinabing nakapiring kayo sa pag-asinta." Ngumiti lang muli ako. "Hindi ba't nais mong patunayan ang galing namin sa paggamit ng pana at palaso? Kung gayon, nais kong ipakita sa inyo ang kakayahan ko, Ikalawa..." "Mayabang ka bata!" galit na turan nito. "Bakit hindi natin subukan kung may ipagmamayabang siya?" napalingon kami sa pagdating ng Punong Pazap. "Nais niyang patunayan ang kanyang kakayahan, anong masama roon Ikalawa?" Agad namang napatiim bagang ang Ikalawa at napabuntong hininga. Sinenyasan naman nito si Sierra na pumunta sa unahan. Nagdadabog na naglakad palayo si Sierra. Habang ako naman ay kumuha ng pana at palaso at pumunta sa unahan. Pinagmasdan ko muna ang tayo ni Sierra. Natatanaw ko ang pagkagat niya ng kanyang ibabang labi. Hindi maitago ang kanyang kaba at rumirehistro iyon sa kanyang mukha. Hindi ko na lang siya pinansin. Pinag-aralan ko nalang ang kinaroroonan ng mansanas, ang layo niyon at ang hangin. Piniringan naman ako ng Punong Pazap. "Maaari ka nang magsimula." narinig kong sabi ng Pinuno. Huminga ako nang malalim bago ipinorma ang pana at palaso. Itinutok ko iyon sa direksyon ni Sierra. Huminga muna ako ng malalim bago iyon pinakawalan. Agad kong narinig ang mga palakpak at hiyawan ng aking mga kasamahan. Tinanggal ko ang takip sa aking mga mata at agad kong nakita si Sierra na animo'y nanigas ang katawan habang nakapikit. Matunog akong napangiti. Wag ako Sierra, wag ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD