LEKAIO Hinila ko ang damit ko at tinakip ito sa nakaumbok kong harapan. Marami na akong naging kasalanan. Ang pagpatay pa lang ng tao ay malaking kasalanan na ‘yon. Walang kahit na anong katiting na konsensya akong nararamdaman dahil alam ko sa sarili ko na ang mga pinatay ko ay masasamang tao at kaaway ng organisasyon namin. Pero ang mabuhay ang p*********i sa isang katulad ni Koffie, tangina, maling-mali! Hindi ako makapaniwala na tatayo ang alaga ko sa katulad niya. Ilang beses na itong nangyayari sa akin, kaya ako na ang kusang umiiwas sa kanya. ‘Yong mga araw na wala ako sa penthouse, paraan ko ‘yon para hindi madagdagan ang kasalanan ko. May CCTV ako sa penthouse, kaya kahit wala ako, nakikita ko pa rin siya. Pero may pagkakataon na gusto ko na siyang puntahan, pero pinipigilan ko

