KOFFIE Tahimik lang ako habang nasa loob ng sasakyan ni Kuya Kaio. Kung dati, ang dahilan ng pananahimik ko ay ang pagtatalo namin, ngayon ay mas malalim pa roon. Ito na ang huli naming pagkikita at hindi ko maiwasang tumamlay at malungkot. Pakiramdam ko ay may bahagi ng pagkatao ko ang mawawala sa oras na hindi na kami magkita. “We’re here, baby.” I looked at him the second I heard it. Did I hear wrong? Did he seriously just call me “baby”? Binaliwala ko na lang ang narinig ko at tumingin sa labas. Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami. Inalis ko ang seatbelt sa katawan ko. Ito na ang hudyat na maghihiwalay na kami. “T-thanks… K-kuya.” Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pangangatal nito.

