KOFFIE “What is your problem ba, Kuya? How can I help you if wala akong ideya sa pinagdadaanan mo?” tanong ko. Kailangan niya ng tulong, kaya gusto ko rin siyang tulungan. Kumunot ang noo ko nang mahina siyang tumawa. Kanina lang ay ramdam ko ang bigat ng mga sinabi niya. Tapos ngayon, tumatawa na siya. Nababaliw na ang lalaking ito. Nilayo niya ang mukha sa leeg ko at noo naman niya ang pinatong sa balikat ko. “What’s funny?” Umiling siya. “Natatawa ako kasi, ‘yong taong nagpapahirap sa akin, siya rin ang nagpapasaya sa akin. Ang unfair, ‘di ba?” Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Mayamaya, naramdaman ko na ang unti-unting pagluwag ng kamay niya sa braso ko, hanggang sa tuluyan na niya akong bitawan. “Manood na tayo,” sabi niya, kaya umayos ako ng upo. Hinanap niya

