KOFFIE
Tahimik akong sumisipsip sa iced coffee na in-order ko. Sa halip na ako ang magbayad ng order namin, si Mr. De Luca ang nagbayad. Panakaw-nakaw lang akong tumingin sa kanya.
Simula nang dumating kami sa Midnight Café, tahimik na ako. Kung kasama ko sina Tamie at Vergie, tiyak na magtataka sila sa pananahimik ko.
Walang ibang maririnig kundi ang ingay mula sa mga customer sa loob ng café. Pinanindigan niyang sasamahan lang talaga niya ako.
“Sir,” basag ko sa kanyang katahimikan. Tumingin siya sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. “If you don’t mind my tanong, how old are you na po?” usisa ko sa edad niya.
He looks younger. I’d estimate his age to be around twenty-five or twenty-six.
“May I ask why?”
“I’m just curious lang, sir. Napagkamalan kasi tayong siblings ni manong driver,” sagot ko at hindi napigilang humagikgik.
“He must be blind,” walang kangiti-ngiti niyang sabi.
Napaisip ako at napatitig kay Mr. De Luca. Malayong pagkamalan kaming magkapatid dahil sa itsura niya.
I’m Filipino-Chinese; the difference between us is clear just by looking at our eyes. As for him, he clearly has some foreign ancestry—it’s quite evident in his looks.
“So, how old are you na, sir?” muling tanong ko. Hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya sinasabi sa akin ang kanyang edad.
Malalim siyang napabuntong-hininga bago humigop sa kanyang kape. Ako naman ay naghihintay ng sagot niya.
“Twenty-seven,” sagot niya, dahilan ng panlalaki ng mata ko. I wasn’t expecting his age. Bigla na lang akong napakalkula sa isip ko. “What are you thinking?” tanong niya.
“Binibilang ko kung ilang taon ang agwat mo sa akin, sir.”
Kumunot ang noo niya. “Why?” he asked, as if our age gap was of no concern to him at all.
I chuckled and sipped my iced coffee. “Wala lang po,” I replied with a smile. My brow furrowed when his grin appeared on his lips.
“Ang galang mo yata ngayon, Miss Baho. Natatakot ka bang ipatawag ko ang parents mo?”
“Of course not!” maagap kong sagot at agad na umiwas ng tingin sa kanya. Baka mahalata niyang guilty ako. “It’s my fault naman po talaga, and I’m sorry for what I did, sir. Peace na po tayo, ‘di ba?” sabi ko. Para akong maamong tuta habang nagsasalita at nakatingin sa kanya. Samantalang kanina lang ay tinarayan ko siya.
Muli siyang sumimsim ng kape at tumingin sa labas. “Twelve years.”
Nangunot ang noo ko.
“Po?”
Tumingin siya sa akin.
“The age gap between us is twelve years,” he stated plainly, clarifying what we were discussing.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ang laki pala ng agwat ng edad namin. Bukod sa kailangan ko talaga siyang galangin, malaki ang papel niya sa paaralang pinapasukan ko. Simula ngayon, hindi ko na siya tatarayan. Magiging mabait na ako sa kanya.
“Sir, can you call me Koffie na lang? Then, I will call you kuya since nandito naman po tayo sa labas. I will call you sir na lang po kapag nasa school tayo, if that’s okay with you, lang naman po,” matamis ang ngiti sa labi na sabi ko.
He raised an eyebrow at me. “Do you even know who you are talking to, Miss Baho? Just because I accompanied you doesn’t mean we’re friends now. Don’t act like we’re that close,” he said in a serious tone.
Hindi ko na naman napigilang irapan siya. Paano ako maging mabait sa harap niya kung masungit naman siya sa akin?
“That’s why I asked in the first place to make sure it’s fine, ‘di ba? You are so serious naman, sir,” nakasimangot na reklamo ko.
He took a deep breath and looked straight at me. “Fine, you can call me Kuya.”
Nagliwanag ang mukha ko at hindi napigilang impit na tumili. Tinakpan ko agad ang aking bibig dahil napalakas ang boses ko. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao sa loob ng café. Pero lalo akong nagdiwang nang makita ko ang pigil na ngiti sa labi niya.
“Did you just ngiti, sir? Oh my God! You’re smiling!” hindi makapaniwala na sambit ko.
Tuwang-tuwa ako sa nakita ko. Mabilis naman siyang sumeryoso at tumikhim, na para bang napagtanto niya ang ginawa niya. Pagkatapos nito ay muli siyang sumimsim sa kape niya para itago ang kanyang reaksyon.
“Thank you, sir—I mean, kuya…” I suddenly paused mid-sentence. I realized I didn’t actually know his first name; all I could remember was his last name.
Tinaasan niya ako ng kilay. Binaba niya ang tasa at tumitig sa akin.
“Don’t tell me you don’t know my name?”
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Mukhang hindi pa yata matutuloy ang pagtawag ko sa kanya ng Kuya dahil lang sa hindi ko alam ang pangalan niya.
“De Luca lang ang natatandaan ko, e,” sagot ko at tumingin sa ibang direksyon.
“You want to call me Kuya, yet you don’t even know my real name?” sarkastiko niyang saad. Pumalatak siya, kaya binalik ko ang tingin sa kanya. “At dahil dyan, hindi mo ako pwedeng tawaging Kuya.”
Awtomatikong tumulis ang nguso ko dahil sa sinabi niya. “That’s unfair! Ikaw rin naman, hindi mo pa masabi-sabi ang pangalan ko,” katwiran ko.
Pinaningkitan niya ako ng mata. “Hindi ka talaga magpapatalo, ano? Lagi ka na lang may katwiran, bata.”
Umismid ako at umirap. Hindi na ako sumagot at tinuon na lang ang atensyon sa iced coffee na hawak ko. Saka ko lang napansin na ubos na pala ang laman nito at puro ice na lang ang laman. Sa inis ko, kahit wala nang laman ay sinipsip ko pa rin ito. Dinig na dinig sa loob ng café ang ginagawa ko.
“Can you please stop that? Para kang bata,” paninita niya sa akin. Sa halip na huminto, tinuloy ko ang ginagawa ko para inisin siya. “Damn it, Koffie. Stop it!”
Tumigil ako sa ginagawa ko nang sa wakas ay binigkas na niya ang pangalan ko. Pigil ang ngiti ko nang umayos ako ng upo. Napailing na lang siya at inubos ang kape niya.
“So… what’s your name again, Kuya?”
“Figure it out yourself,” masungit niyang sagot sa akin, kaya napasimangot na naman ako.
“Okay, at kapag nalaman ko na ang pangalan mo, uulit-ulitin kong tawagin kang Kuya hanggang sa mainis ka sa akin,” pilyang sabi ko.
“Whatever, kid. Hindi ka ba hahanapin sa inyo?” sabi na lamang niya.
“Nasa office pa ang parents ko, kaya walang maghahanap sa akin,” sagot ko.
“How about your sister?”
Napatitig ako sa kanya. May gusto ba siya sa kapatid ko, kaya sinamahan niya ako dito? Kunwari lang na pasimple siyang nagtatanong, pero interesado talaga siya kay Ate Kitty.
“May boyfriend na ang achi ko,” nakairap na sabi ko. My sister loves her boyfriend so much, kaya kahit magpatulong siya sa akin para makuha ang interes ng kapatid ko, ay hindi ko siya tutulungan.
He furrowed his brows. “I wasn’t asking if your sister has a boyfriend. What I’m asking is, kung hindi ka ba hahanapin ng kapatid mo?” paglilinaw niya.
My lips parted. It turned out that my assumption was completely wrong. I just ended up laughing at my own silly thoughts.
“May sarili kaming mundo sa bahay. Kaya imposibleng hanapin niya ako. At saka, baka nasa school pa si Ate Kitty o kaya kasama ang boyfriend niya,” sagot ko.
Close ako kay Ate Kitty, pero hindi sa lahat ng oras ay magkasama kami. Kapag pareho kaming nasa bahay, pinipili niyang magkulong sa kwarto. Ako naman ay laging ginugulo ang mga kasambahay namin, lalo na si Yaya Mildred.
Sanay na ako na may sarili kaming mundo sa bahay. Kapag Linggo, kung sa iba, family day iyon, hindi para sa akin. Kahit kumpleto kami, parang hindi ko naman sila kasama.
Si Mama, puro negosyo ang laman ng isip, kaya hindi ko siya masyadong kinakausap. I’m only fifteen, just trying to enjoy my teenage years, but she’s always reminding me to start taking life seriously. God, pwede bang mag-enjoy muna ako sa pagiging teenager ko? Darating din naman ako sa part na magseryoso ako, pero pwede bang hindi muna ngayon?
Si Papa naman, naiintindihan niya ang ugali ko at ang mga gusto ko, kaya hinahayaan lang niya ako.
That’s why there are times I open up to him about what bothers me instead of going to my mother.
Dumapo ang mata ko sa mesa kung saan nakapatong ang cellphone ko. Tumatawag si Yaya Mildred. Sinagot ko agad ang tawag niya.
“Why is my beautiful Yaya calling?” pigil ang ngiti na sagot ko sa tawag niya.
“Nagtanong ka pang bata ka. Nasaan ka na? Malamig na ang pagkain mo dito. Kanina ka pa hinihintay,” sabi nito. Ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala sa akin.
My eyes widened. It completely slipped my mind to let her know.
“I’m so sorry, Ya. I forgot to tell you na male-late ako ng uwi.”
“Itapon mo na ang cellphone mo. Para saan pa ang cellphone kung hindi mo gagamitin? Pinapasakit mo na naman ang ulo ko. Pasaway ka talagang bata ka!” sermon nito sa akin.
“I’m going home na po. Bye, Ya!” I ended the phone call. I quickly put my phone in my bag and looked at Kuya De Luca. Since I didn’t know his name yet, I would call him Kuya De Luca for now. “I’m going home na, Kuya De Luca. Thank you for accompanying me. I really appreciate it.”
Nagsalubong ang kilay niya at tumitig sa akin. Mayamaya, tumayo siya.
“Ihahatid kita. Baka kung saan ka pa pumunta.”
Malawak akong napangiti at sumunod sa kanya palabas ng café.
“Stay here. Kukunin ko lang ang kotse ko.”
“Sasama na lang ako para hindi ka na bumalik.”
“Mainit. Dito ka na lang,” giit niya at tumalikod na sa akin.
“He’s kind naman pala talaga,” nangingiti na sabi ko habang sinusundan siya ng tingin.
“Hi, Miss.”
Nangunot ang noo ko nang may narinig akong nagsalita. Binalingan ko ito. Dalawang lalaki ang bumungad sa harap ko. Mukhang mga estudyante rin sila, pero base sa uniporme nila, sa ibang eskwelahan sila nag-aaral.
Tinaasan ko sila ng kilay.
“Yes?”
“Sa D’Amico ka nag-aaral?” asked the man with a black small earring in his left ear.
“Yes, why?”
“Pwedeng makipagkilala?”
Tumaas ang sulok ng labi ko, at hindi ko napigilang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. He looks so maasim. Parang hindi pa siya naliligo sa itsura niya.
Eww!
“Why?” mataray na sambit ko.
He smiled awkwardly, clearly embarrassed by what I had said. A second later, his mood shifted—his face suddenly darkened.
“Ang arte mo naman, Miss. Porke sa D’Amico ka lang nag-aaral, ganyan ka na umasta,” sabi nito habang matalim na ang tingin sa akin.
Hindi ako nasindak sa tingin nito. Humalukipkip lang ako at tinaasan pa siya ng kilay.
“Anong mali sa tanong ko? Gusto ko lang naman malaman kung bakit gusto mong magpakilala sa akin.”
“Hindi ba obvious, Miss? Gustong kang makilala ng kaibigan ko. O baka tanga ka lang talaga, kaya hindi mo naintindihan?” sabat ng kasama ng lalaking kausap ko, dahilan para pumantig ang tenga ko.
“Excuse me? What did you just say to her?” Napatingin ako sa nagsalita. Malawak akong napangiti nang makita si Kuya De Luca kahit madilim ang mukha nito habang nakatingin sa dalawang lalaki.
“Pare, halika na. Kapatid niya ata ‘yan,” tensyonadong sabi ng lalaking sinabihan akong tanga at mabilis na kumaripas ng takbo palayo sa amin.
“Fuck.” Binalingan si Kuya De Luca. Hindi na maipinta ang mukha niya.
“Kuya…”
Blangko ang mukha niya nang tumingin siya sa akin. “Pagbibigyan kitang tawagin akong Kuya ngayon, but once you turn eighteen, stop calling me Kuya. Is that clear?” he said firmly to me.
Napatango na lang ako. At least, he allowed me to call him “Kuya.”