KOFFIE
Umikot ang mata ko. Dinala ko ang aking hintuturo sa balikat niya at tinulak siya kahit imposible ko itong magawa dahil para siyang malaking puno na mahirap itulak. Matapang kong sinalubong ang blangko niyang mga titig.
“When I reach eighteen, I’ll come to you just to show you my eighteen roses!” inis na sabi ko at inirapan ito. Lumusot ako sa ilalim ng nakatukod niyang kamay at naglakad palayo sa kanya. Baka kasi bumalik si Vergie at makitang magkasama kami ng masungit na ito.
“Wait.” Napahinto ako at lumingon. “When is your birthday?”
Nagsalubong ang kilay ko. Hanggang sa unti-unting sumilay ang pilyang ngiti sa labi ko, dahilan nang pagkunot ng kanyang noo. Dinala ko ang aking dalawang kamay sa likuran ko at naglakad palapit kay Mr. De Luca. Huminto ako.
“Why, sir? Are you going to give me a gift? If so, hindi na ako pupunta sa ‘yo. Ikaw na lang ang pumunta sa debut ko,” malawak ang ngiti na sabi ko habang parang bata na pabaling-baling sa kinatatayuan ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ako nakakilos nang dinala niya ang kamay sa buhok ko. Sinuklay niya ito gamit ang daliri niya at ngumisi.
“Matuto ka munang magsuklay ng buhok, bata, bago kita bigyan ng regalo.”
Mabilis na naglaho ang ngiti ko at agad na tiningnan ang buhok ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko at mariin na pumikit nang makita ito. Sa sobrang antok ko, hindi ko na pinagtutuunan ng pansin ang buhok ko.
“I forgot to comb my hair. Late na kasi ako nagising,” nakasimangot na katwiran ko.
“You woke up late because, instead of sleeping, you were at a bar dancing with people far older than you,” he said firmly. He made it very clear that going to bars was completely out of the question for someone my age.
Napanguso ako. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya dahil guilty ako.
I flipped my hair over my shoulder and rolled my eyes at him.
“Whatever, sir,” maarteng sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.
“Miss Baho.” Napangiwi ako nang tinawag niya ako sa aking apelyido. "Never come back to my bar. If I ever see you there again, I won’t think twice about contacting your parents. Test me, and you’ll see," babala niya sa akin. Umirap lang ako at binalikan ang mga kasama ko. Hindi ko pinahalatang nabahala ako, lalo na nang binanggit niya ang mga magulang ko.
“Girl, saan ka ba galing? Alam mo bang nakita ko si Sir De Luca dito?” bungad agad ni Vergie sa akin pagdating ko.
Umismid ako. Naiirita ako kapag naririnig ko kahit apelyido ng masungit na ‘yon.
“So what kung nandito siya?” iritableng sagot ko.
“Ay, ang taray, ha. Magsuklay ka nga muna bago ka magtaray. Ang gulo ng buhok mo, e,” puna ni Vergie sa buhok ko.
Tiningnan ko ang buhok ko sa salamin. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko akalain na ganito pala kagulo ang buhok ko.
Tiningnan ko sina Tamie at Vergie. “Ang pangit ko bang tingnan?” Napanguso ako nang marinig kong humagikgik si Tamie. “What? Am I not pretty?” Medyo napalakas ang boses ko, kaya tinakpan ni Vergie ang bibig ko.
“Big deal ba sa ‘yo ‘yon?”
Tinanggal ko ang kamay ni Vergie sa bibig ko. “Of course, girl. Mamamatay ako kapag sinabihan akong hindi maganda,” eksaheradang sagot ko. Napaawang na lang ang labi ni Vergie nang marinig ang sagot ko. Mayamaya, hinila niya ang buhok ko. Si Tamie naman ay hindi napigilang tumawa.
I rolled my eyes. “O sige, cute na lang,” sabi ko at kinuha ang suklay sa loob ng aking bag para suklayin ang buhok ko. “Punta tayo sa midnight café after ng school, girls. Libre ko kayo.” Bigla akong nag-crave sa iced coffee.
“Pass muna ako ngayon, Kof,” sagot ni Tamie.
“Ako rin, girl. Kailangan kong umuwi agad, e,” segunda naman ni Vergie.
Napabuga na lang ako ng hangin sa mga sagot nila. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.
Pagkatapos ng klase, mag-isa akong pumunta sa midnight café. Malapit lang ito sa D’Amico, kaya naglakad na lang ako. Hindi mainit ang dinadaanan ko dahil mayabong ang mga puno sa gilid ng daan papunta sa shop. Hindi na kailangan ng payong dahil nakaharang ang mga puno mula sa sikat ng araw.
Biglang humangin ng malakas, kaya nilipad ng hangin ang nakalugay kong buhok. Huminto ako sandali at kinuha ang ponytail sa loob ng bag ko. Nang makuha ito, muli akong naglakad habang tinatali ang buhok ko. Pagkatapos kong magtali, tumingin ako sa kabilang side kung saan dumadaan ang mga sasakyan. Mabagal lang ang lakad ko, kaya nang huminto ang isang sasakyan dahil naka-red ang traffic light, napahinto agad ako nang makita kung sino ang nagmamaneho nito. Nakababa kasi ang bintana ng sasakyan niya, kaya nakilala ko agad siya.
Hindi ko maintindihan, dahil kahit masungit ito sa akin, parang nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si Mr. De Luca. Samantalang kanina lang ay naiinis ako sa kanya. Hanggang sa natagpuan ko ang sariling tinatawag ko siya.
“Sir Sungit!” walang kagatol-gatol na tawag ko sa kanya. Sa lakas ng boses ko, hindi lang siya ang napatingin sa direksyon ko, kundi pati na rin ang mga tao na naglalakad sa daan.
Nagsalubong ang kilay niya. Napatitig siya sa akin ng ilang segundo. Parang minumukhaan niya ako. Baka hindi niya ako nakilala dahil nakatali ang buhok ko. Kailangan ko pa bang tanggalin ang tali sa buhok ko para lang makilala niya ako? Sa ganda kong ito, hindi niya matandaan ang mukha ko?
Agad naglaho ang ngiti ko nang inalis niya ang tingin sa akin. Wala man lang siyang reaksyon nang makita ako. Napairap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Para akong napahiya sa ginawa niya. Sabagay, sino ba ako para pagtuunan niya ng pansin? Isa lang akong estudyante sa paaralan na pag-aari ng pamilya nila.
“Hmp! Sungit!” sambit ko habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Mr. De Luca.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad, malawak akong napangiti dahil natanaw ko na rin sa wakas ang Midnight Café. Ngunit napalis ang ngiti ko at naging dahan-dahan ang paglalakad ko nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa gilid ng daan. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng pantalon nito.
Nang malapit na ako sa kanya, tumingin ako sa ibang direksyon at nagkunwaring hindi ko siya nakita. Baka mapahiya na naman ako kapag in-approach ko siya. Tinuon ko ang atensyon sa bag ko at nagkunwari na may hinahanap. Hanggang sa lumampas na ako sa kanya. Nanuot pa nga sa ilong ko ang perfume na gamit niya.
“Miss Baho.”
I froze. Did he just call me?
Yes, he did!
Tumingin ako sa paligid. Nagpanggap akong hindi ko siya napansin kahit malapit lang siya sa akin. Hanggang sa nahigit ko ang hininga ko nang pumunta siya sa harapan ko. Awtomatiko akong napatingala. Umarte akong nagulat nang makita ko siya.
“Sir, kayo po pala ‘yan!” gulat na sambit ko. Pero mukhang hindi ko siya nakumbinsi dahil tinaasan niya ako ng kilay.
“Stop acting like you didn’t see me, Miss Baho,” he said in a serious tone. I pouted and rolled my eyes at him.
“Kayo nga rin po, e. Imposibleng hindi n’yo ako nakita kanina. You just left as if I wasn’t even there, like you didn’t see me at all.” ganting sagot ko.
“Naka-green ang traffic light kanina, Miss Baho. Anong gusto mong gawin ko? Makipagkwentuhan pa sa ‘yo?” sarkastikong sagot niya sa akin.
Umismid ako at umirap. Kahit man lang sana ngumiti siya kanina, pero hindi niya ginawa.
“Why are you here, anyway?” pag-iiba ko sa usapan.
Hindi niya agad ako sinagot. Napatitig lang siya sa akin. Inisip ko na baka may dumi sa mukha ko, kaya kaagad ko itong pinunasan ng kamay ko.
“Pang-umaga ang pasok mo, ‘di ba?”
“Yes, pero hindi pa ako uuwi, sir. May pupuntahan pa ako.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Hindi ka na dapat naglalakwatsa pagkatapos ng klase. Umuwi ka na, Miss Baho,” utos niya sa akin.
“Ayoko pang umuwi. Wala naman akong aabutan sa bahay kundi si Yaya Mildred,” katwiran ko.
“Saan ka ba pupunta?”
Tumingin ako sa direksyon ng Midnight Café at nakangiting tinuro ang shop.
“Doon, sir. Gusto ko kasing uminon ng iced coffee. Niyaya ko ang mga kaibigan ko, pero nag-pass sila sa akin,” paliwanag ko at tumingin sa kanya. Hanggang sa may pumasok na ideya sa isip ko. “You want to join me, sir? I’ll treat you. Para makabawi ako sa mga kasalanan ko sa ‘yo.”
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. “Sige, sasamahan kita.” Biglang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang sinabi niya. Mabuti naman at pinagbigyan niya akong makabawi sa kanya. “On one condition, uuwi ka na pagkatapos.”
Nakangiting tinaas ko ang kanang kamay ko. “Promise, uuwi na ako.”
“Good. Let’s go.”
Nakangiting pinagmasdan ko si Mr. De Luca. Mabait naman pala siya. Hindi lang siguro maganda ang una naming pagkikita, kaya hindi niya maiwasang sungitan ako.
Sumunod ako sa kanya. Patawid na siya. Nasa kabilang bahago pa kasi ng kalsada ang Midnight Café at kailangan pang tumawid para marating ang shop.
“Sir, wait!” sigaw ko at tumakbo para habulin siya. Ngunit nagulat ako nang may narinig akong malakas na busina. Nang tumingin ako sa gilid ko, namilog ang mata ko nang makitang may paparating na sasakyan.
Hindi agad ako nakakilos. Ngunit napasinghap ako sa gulat ng biglang may humila sa akin. Naramdaman ko agad ang pumulupot na kamay sa bewang ko.
Napamulat ako ng mata. Parang tumigil ng ilang segundo ang t***k ng puso ko nang makitang nakayakap si Mr. De Luca sa akin. Nag-angat ako ng tingin.
“Damn it, Miss Baho! Are you trying to get yourself killed?” he growled, his voice sharp with rage.
“S-sir…”
Bumusina ng malakas ang sasakyan na muntik nang bumangga sa akin.
“Alalayan mo ‘yang kapatid mo. Mandadamay pa ng ibang tao!” sigaw ng driver ng sasakyan.
Wait. What did he just call us? Kapatid?
Hell, no!