KOFFIE
Namayani ang nakakabinging katahimikan sa loob ng van pagkatapos kong sampalin si Mr. Sungit. Medyo nag-guilty ako, kaya pinili ko na lang munang tumahimik sa sulok. May pagkakataon na hindi ko maiwasang tapunan siya ng tingin kapag napapansin ko ang paggalaw niya. Kapag napapatingin siya sa akin, umiiwas agad ako ng tingin sa kanya.
Nababagot na ako sa kakahintay kung kailan magsasawa ang kapatid ko at ang mga kaibigan niya sa loob ng bar. Parang hindi nag-aalala si Ate Kitty na hindi niya ako kasama. Nag-e-enjoy pa yata siya na wala ako sa tabi niya dahil hindi man lang lumabas para puntahan ako at siguraduhing nasa mabuti akong kalagayan. Sabagay, ako naman kasi ang nagpumilit na sumama sa kanya.
Inabala ko ang sarili sa paglalaro ng games sa cellphone ko. Hininaan ko lang ang volume para hindi mairita si Mr. Sungit. Nang napansin kong gumalaw siya, tumingin ako sa kanya.
“Manood ka muna habang hinihintay ang kapatid mo.” Binuksan niya ang Smart TV. Matutuwa na sana ako dahil siya pa ang naghanap ng channel para sa akin, pero tumulis ang nguso ko nang makita ang gusto niyang panoorin ko.
“Larva? Do I look like I’m into watching worms?”
“How do you know the title if you haven’t watched it?” he said sarcastically.
Umikot ang mata ko. “Well, obviously because I have little cousins who watch it. Wala bang iba?”
“Meron, pero mas mabuting cartoons ang pinapanood mo dahil bata ka pa.”
I pouted my lips. Talagang pinagdidiinan niyang bata pa ako. Kapag ako ay nag-eighteen, isasampal ko sa mukha niya ang eighteen roses ko. Iyon ay kung magkrus pa ang landas naming dalawa.
“Ililipat ko ‘yan pag-alis mo,” matigas na sabi ko.
He smirked and handed me the remote. “Go ahead. Walang pipigil sa ‘yo. Basta ‘wag ka lang manood ng hindi angkop sa edad mo,” bilin niya sa akin.
“I’m fifteen, sir. Ano ba ang bawal na panoorin sa edad ko? Bold?” walang preno ang bibig na sabi ko. Halatang natigilan siya. Napatitig siya sa akin. Tinaasan ko na lang siya ng kilay nang napatagal ng ilang segundo ang tingin niya sa akin. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto ng van.
“Just make sure you don’t watch adult content, young lady,” bilin niya sa mahinahon na boses bago sinara ang pinto ng van.
Napatitig na lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Hindi ko alam kung concern siya o talagang pinipikon lang niya ako.
Ilang segundo pagkatapos niyang umalis, may lalaking malaki ang katawan ang tumayo sa labas ng van. Kakabahan na sana ako nang tumalikod ito at nanatiling nakatayo sa labas. Inutusan yata siya ni Mr. Sungit na bantayan ako para masiguro na hindi ako tatakas.
Tinuon ko ang atensyon sa panonood ng Larva. May pagkakataon na natatawa na lang ako sa kalokohan ng dalawang uod. Lumipas pa ang ilang minuto, maya’t maya na akong humihikab. Hanggang sa namigat na ang talukap ko.
Nakatulugan ko ang panonood. Nagising lang ako nang may bumukas ng pinto.
“Sis!” Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa nagsalita. Naghihikab ako nang yumakap si Ate Kitty sa akin. “Nag-alala ako sa ‘yo!”
Umikot ang mata ko. “Plastik,” usal ko. “Kanina ko pa sinabi sa ‘yo na nandito ako sa labas, pero hindi ka naman lumabas. Nag-enjoy ka pa nga na wala ako, ‘di ba?” Diretsong sabi ko at tiningnan ang mga kasama niya sa labas. Kanya-kanya sila ng iwas ng tingin sa akin. Halatang guilty sila. Si Ate Emerald naman ay alanganing ngumiti.
Kumalas ng yakap sa akin ang kapatid ko. “E, kasi ‘wag na daw akong mag-alala dahil may bantay ka naman dito. Kaya hindi na ako lumabas,” paliwanag nito.
Napaismid ako. “Paano pala kung hindi ako okay, tapos sinabi sa ‘yo huwag nang mag-alala sa akin, hindi ka talaga lalabas para man lang silipin ako kung okay ako?” mataray na sermon ko sa kapatid ko, na parang ako pa ang panganay sa aming dalawa.
Tinaasan ako ng kilay ni Ate Kitty. Mayamaya, hinila niya ang dulo ng buhok ko nang napagtanto niyang pinapagalitan ko siya.
“Ako ang panganay Koffie. Baka lang naman nakakalimutan mo,” paalala niya sa akin.
Alanganin akong ngumiti. Mayamaya, tinulak ko siya at pinisil ang ilong ko. “Yuck, you are so asim, achi! Tapos dumikit ka pa sa akin. Eww!” maarteng sabi ko.
“Umiral na naman iyang kaartehan mo. Halika na, umuwi na tayo.”
Lumabas kami sa van. Nagpalinga-linga ako para hanapin si Mr. Sungit, pero nakapasok na ako sa sasakyan ni Ate Emerald ay hindi ko pa rin siya makita. Saka ko lang naalala na suot ko pa pala ang blazer niya. Pasimple ko itong inamoy. Malawak akong napangiti nang nanuot sa ilong ko ang amoy na naiwan sa blazer niya.
Madaling-araw na at walang masyadong sasakyan sa daan, kaya mabilis kaming nakauwi. Maingat kaming pumasok ng aking kapatid sa loob ng bahay. Nakayapak ulit ako para hindi ako gumawa ng ingay. Pagdating sa ikalawang palapag, naghiwalay na kami ni Ate Kitty para pumunta sa kanya-kanya naming mga kwarto. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makapasok ako sa silid ko.
Muli kong tinitigan ang blazer na hawak ko. Natagpuan ko ang sariling inamoy na naman ito. Hindi ko mapigilang amuyin. Sobrang bango nito. Ngayon lang ako nakaamoy ng ganito kabangong pabango. Parang kakaiba. Puro maasim kasi ang amoy ng mga kaklase kong lalaki. Pero nang maalala ko na pinalabas niya ako sa bar, sumimangot ako at parang marumimg bagay na agad kong hinagis sa kama ang blazer niya.
“I don’t want to see you ever again, Mr. Sungit. You are so nakakainis!” nanggigigil na sabi ko sa blazer, na parang siya ang kausap ko.
Nagising ako sa malakas na katok. Ayokong pang bumangon, kaya tinakpan ko ng unan ang tainga ko.
“Koffie, tanghali na. May pasok ka pa!” It was Yaya Mildred outside my room. She was shouting hysterically. Nang hindi ko na narinig ang boses niya, tinanggal ko ang unan at sinubukan ulit matulog. Pero makalipas ang ilang segundo, narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. “Susmaryosep, kang bata ka. Bumangon ka na!”
Minulat ko ang mga mata ko nang pinilit akong binangon ni Yaya Mildred. Inaantok pa ako, kaya muli akong pumikit.
“Can I skip school today?”
“Sige, ‘wag kang pumasok para sermunan ka ng mama mo.” Tumulis ang nguso ko at binagsak ang katawan sa kama. “Ay, ginoo ko! Ano ba ang ginawa mo at antok na antok ka?”
Natulala ako. Binalikan ko pa ang ginawa ko kagabi. Sa sobrang antok ko, hindi pa nagpa-function ng maayos ang utak ko. Kaya nahihirapan akong i-recall ang nangyari kagabi.
“Huwag mo na ngang isipin at nagpapatagal pa. Maligo ka na roon. Pagkatapos ay bumaba ka para kumain ng almusal. Bilisan mong kumilos. Ang aga-aga, pinapasakit mo ang ulo ko!” sermon ni Yaya Mildred sa akin habang nililigpit ang higaan ko.
Tahimik akong naglakad patungo sa banyo ko. Nasa loob na ako nang tumili ako. Naalala ko ang nangyari sa bar at kung paano ako pinalabas ni Mr. Sungit at dinala sa van.
“Susmaryosep, Koffie. Ano na ang nangyayari sa ‘yo riyan?” nag-aalalang tanong ni Yaya Mildred.
“I remember na, Yaya, but I won’t tell you. It’s a secret,” sabi ko at humalakhak ng malakas.
“Pasaway kang bata ka. Akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo. Bilisan mo na riyan at male-late ka na sa klase!”
Matagal talaga akong maligo, pero dahil nagmamadali ako ay hindi ko na ito nagawa. Paglabas ko, nakahanda na ang uniporme ko sa kama, kaya nagbihis agad ako. Dapat ay ibo-blower ko ang buhok ko dahil ayokong nababasa ang uniporme ko, pero hindi ko na rin ito nagawa. Kaya bumaba akong hindi pa nakasuklay ang buhok ko.
Nakahanda na ang almusal ko nang pumunta ako sa kusina. “Yaya, can you make me a sandwich na lang po? Kakainin ko na lang sa kotse. Baka ma-late na ako, e.”
“Iyan ang sinasabi ko sa ‘yo. Dapat kasi, gumising ka ng mas maaga,” sermon na naman nito sa akin.
“Huwag mo na po akong sermunan, Ya,” pilya ang ngiti na sabi ko.
“Ewan ko sa ‘yo, Koffie!”
“Si Ate Kitty po?”
“Huwag mong alalahanin ang kapatid mo dahil mamaya pa ang pasok niya. Magsuklay ka na lang ng buhok mo dahil magulo,” sabi nito habang gumagawa ng sandwich.
“Sa kotse na lang po.”
Inabot agad ni Yaya Mildred sa akin ang sandwich na ginawa niya. Hindi ko na ito nilagay sa bag ko dahil kakainin ko rin agad ito.
“Thank you, Yaya Mildred!” Niyakap ko ito. “Paano na lang ako kapag wala ka?”
“Nariyan naman ang mga magulang mo at ang Ate Kitty mo.”
Humigpit ang yakap ko sa kanya. “Iba po kapag ikaw ang nag-aasikaso sa akin, Yaya.”
Marahan niyang tinapik ang likod ko. “Ang drama mong bata ka. Sige na, gumayak ka na,” taboy na nito sa akin.
Kumalas ako ng yakap sa kanya. Nag-flying kiss pa ako bago lumabas sa dining area. Paglabas ko, sinalubong agad ako ni Kuya Gibo, ang anak ni Mang Oscar, ang family driver namin. Si Kuya Gibo muna ang humalili sa tatay niya dahil may sakit ito.
“Good morning, Kuya Gibo!” magiliw na bati ko rito.
“Magandang umaga rin, Ma’am Koffie.” Pinagbuksan niya ako ng pinto sa back seat. Pagpasok ko, kumagat agad ako sa sandwich na hawak ko. Inubos ko muna ang sandwich bago inabala ang sarili sa pag-aayos ng mukha ko.
“Kuya Gibo, am I still pretty kahit may eyebags ako?” Binaba ko ang hawak kong maliit na salamin at tumingin kay Kuya Gibo. Napansin ko kasi ang eyebags sa ilalim ng mata ko, kaya nag-alala ako na baka hindi na ako maganda.
Tinapunan ako ni Kuya Gibo ng tingin sa rear-view mirror at muling tinuon ang atensyon sa daan.
“Kahit may tumubo pang kulugo sa mukha mo, Ma’am Koffie, maganda ka pa rin.”
Nagsalubong ang kilay ko. “What’s kulugo, Kuya Gibo?” Ang alam ko kasi ay pimples lang. Ngayon ko lang narinig ang kulugo. Tumulis ang nguso ko nang tumawa si Kuya Gibo. “What’s nakakatawa?”
“Natutuwa lang ako sa ‘yo, Ma’am Koffie. Search mo na lang, Ma’am. Para makita mo na rin ang itsura ng tinutukoy ko.”
“Is it like warts?”
“Parang, pero malaking warts.”
“Eww! I don’t like kulugo on my face, Kuya Gibo. Kadiri!” maarte kong sabi. Parang tumayo ang balahibo sa buong katawan ko kapag naiisip ko na may mga kulugo ako sa mukha. Kinikilabutan ako!
Malakas na halakhak ni Kuya Gibo ang pumuno sa loob ng sasakyan. Sumimangot na lang ako dahil pinagtatawanan niya ako.
“Kuya Gibo, thank you. Don’t make sundo me after class, ha,” bilin ko nang nasa tapat na kami ng gate ng D’Amico High School.
“Sigurado ka, Ma’am Koffie?”
“Yes. Bye, Kuya Gibo!” Lumabas ako ng sasakyan at agad pumasok sa loob ng campus. Dumaan muna ako sa banyo para pasadahan ang sarili sa salamin. “My hair!” bulalas ko dahil nakalimutan ko nang magsuklay ng buhok. Anyway, hindi bale nang magulo ang buhok, basta presentable ang mukha ko.
Lumabas ako ng banyo at malaki ang hakbang na tinungo ang classroom. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita si Ma’am Perlita, ang guro namin sa Science subject. She’s so taray pa naman.
“Miss Baho, you’re late!” sita niya sa akin.
“Good morning, Ma’am. Sorry po, I’m late,” sabi ko na lang at dumaan sa gilid.
“Inuna mo na naman ang pagpapaganda, kaya nakalimutan mong suklayan ang buhok mo,” puna niya sa buhok ko. Ilang sandali pa, maririnig na ang tawanan sa loob ng classroom.
Umikot ang mga mata ko. Syempre, hindi ko ito ipinakita sa kanya. Mahilig talaga siya mamahiya sa loob ng klase. In fact, hindi lang ako ang pinahiya niya.
“Anong nangyari sa ‘yo?” usisa na Vergie pag-upo ko. “Later na ako magkukwento sa inyo ni Tamie.”
“Miss Baho, late ka na nga, nagawa mo pang makipag-tsismisan,” sita na naman ni Ma’am Perlita sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Sanay na ako sa pamamahiya niya.
Sa mga sumunod na subject, nakaramdam ako ng antok. Maya’t maya akong kinakalabit nina Vergie at Tamie dahil nakakatulog na ako sa upuan ko habang nakapangalumbaba. Hindi ko mapigilang pumikit sa sobrang antok.
“Bakit antok na antok ka? Halatang kulang ka sa tulog dahil ang itim ng ilalim ng mata mo,” puna ni Tamie sa mata ko. Breaktime namin. Bumili lang kami ng pagkain sa canteen at pinili naming umupo sa bench sa gilid ng quadrangle.
Humikab ulit ako bago hinilig ang ulo ko sa balikat ni Tamie. “Really?”
“Definitely, yes,” sagot ni Vergie.
Pumikit ako. “Pumunta kasi ako sa bar kagabi.”
“Ano?!” sabay na bulalas ng dalawa, kaya napangiwi ako. “Bawal ang minor sa bar, ‘di ba?” sabi ni Tamie.
“Yes, pero nakapasok pa rin ako,” sagot ko, na parang ipinagmamalaki ko pang nakapasok ako sa bar kahit minor ako.
“Paano?” Vergie asked.
“Of course, I used my pretty face,” diretsong sagot ko. “Ouch!” daing ko nang may humila sa buhok ko. Dumilat ako, ngunit nanatiling nakahilig ang ulo ko sa balikat ni Tamie.
“Ang arte mo talaga.”
Mahina na lang akong natawa sa sinabi ni Vergie at kumuha ng sitsirya na hawak niya.
“Hindi ka na makakasama sa mamaya?”
Umayos ako ng upo at tumingin kay Tanmie. “Where?”
“Sa library.”
“Sasama pa rin ako,” maagap kong sagot kahit wala akong gagawin sa library.
Pagkatapos ng huli naming klase, pumunta kami sa library. Inaantok pa rin ako, kaya sinubsob ko ang ulo sa mesa. Ginawa kong unan ang mga braso ko. Pumikit ako.
“Gisingin n’yo lang ako kapag tapos na kayo,” sabi ko sa dalawa.
“Sleep well, girl,” mahinang sabi ni Vergie.
Ngumiti ako. “Thanks.”
Nakakatuwa na may dalawa akong kaibigan sinusuportahan pa rin ako sa kabila ng mga kaartehan ko.
Nakukuha ko na ang tulog ko. May sumusulpot nang mga eksena sa panaginip ko, pero bigla akong napamulat nang marinig ko ang pamilyar na boses. Napaupo ako ng tuwid at nagpalinga-linga sa paligid.
“Akala ko ba matutulog ka?” halos pabulong na tanong ni Vergie. Nakatingin sila ni Tamie sa akin.
“I heard his voice.”
“Kaninong boses ang narinig mo? Wala namang nagsasalita malapit sa pwesto natin. Bawal ang maingay sa library, girl,” Vergie stated. Binalingan niya si Tamie. “May narinig ka, Tam?”
“Wala,” sagot ni Tamie habang umiiling.
“Hala, minamaligno ka na, Koffie Co!” sambit ni Vergie.
Binalingan ko ang kaibigan ko. “Yeah, his maligno talaga,” sang-ayon ko at tumayo.
Pumunta ako sa isang rack. Hindi ko alam kung may partikular na libro akong hinahanap, pero isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga libro na nakalagay sa shelves. Nang makakita, kinuha ko ito. Pagkuha ko, may kumuha rin ng libro sa kabila, kaya tumagos ang tingin ko sa kabilang rack. Hanggang sa unti-unting namilog ang mata ko nang makita ang taong kasabay kong kumuha ng libro.
His attention was seriously fixed on the pages he was reading, completely unaware that I was standing here, staring at him.
“Pst!” agaw ko sa atensyon niya. Mahina, pero sapat para marinig ako. Kumunot ang noo niya at tumingin sa paligid. “Pst, sir!” ulit ko. Malawak akong napangiti nang tumingin siya sa gawi ko.
Kumaway agad ako sa kanya, ngunit nakatitig lang siya sa akin. Mayamaya, nagsalubong ang kilay niya. Inirapan ko siya nang napagtanto kong hindi niya ako nakilala.
Dala ang libro, lumipat ako sa kinaroroonan niya. Naglakad ako palapit sa kanya. Habang naglalakad, hindi niya inaalis ang mga mata sa akin. Nang makalapit, namewang ako sa harap niya.
“Look closely at this pretty face. How could you not recognize me, sir?” inis na sabi ko. Hindi ko matanggap na hindi niya matandaan ang magandang mukhang ito.
Unti-unting nawala ang pagkakunot ng noo niya. Sinara niya ang libro habang nakatingin sa akin.
“Oh, it’s you. We meet again, kiddo.”
Nanggigigil na hinawakan ko ng mahigpit ang libro na hawak ko. Natandaan nga niya ako, pero bata pa rin ang tawag niya sa akin.
“It’s Koffie, sir. K, O, F, F, I, E. Koffie! Is it really that difficult to remember my name?” Inisa-isa ko na ang letra ng pangalan ko dahil sa inis ko na naman sa kanya.
Napaawang ang bibig ko nang unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya. Pero hindi ako natutuwa dahil para itong ngiting aso.
“Koffie?” Napatingin ako sa nabakanteng lalagyan ng libro na kinuha ni Mr. Sungit. Nakatingin si Vergie sa akin. “Sinong kausap mo?”
Sasagot na sana ako, pero binalik ni Sir Sungit ang libro niya sa shelves, kaya natakpan nito si Vergie. Hindi ako nakahuma nang hinila niya ako at dinala sa dulo.
“Stay.” Tumalikod agad siya sa akin. Napasandal na lang ako sa pader.
“S-sir, kayo po pala.”
Si Vergie!
“Yes.”
“Umm… nakita n’yo po ba ang kaibigan ko? Parang nakita ko po kasi siya—”
“Hindi ko siya napansin.”
Ano? Nandito kaya ako sa likuran niya. Hindi pala talaga ako nakikita sa likuran niya. Pero bakit hindi ko man lang nagawang umalis sa pwesto ko? Kung gugustuhin ko, puwede akong magpakita kay Vergie, pero hindi ko ginawa.
“G-ganon po ba? Sige po, sir. Thank you.”
Pumihit siya paharap at humakbang palapit sa akin. Lalo akong lumiit nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Ang tangkad niya, kaya kailangan ko talaga siyang tingalain. Hindi ako nakahuma nang tinukod niya ang isang kamay niya sa pader.
“Koffie, right?”
I exhaled deeply. “Oh, thank God. You finally remember my name, sir.”
Bumaba ang mata niya. Napalunok ako dahil titig na titig siya sa labi ko. Mula sa labi ko, umangat ang tingin niya sa akin.
“Knowing your name doesn’t change anything. You’re still a kid to me.”
Argh! He’s so annoying, talaga!