KOFFIE
Yumuko ako at nag-bend ng mga tuhod para matakpan ako ng mga nagsasayaw sa gitna. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang hinatak ako ni Ate Emerald, kaya napadiretso ako ng tayo. Siya ang kasama namin na pumunta dito sa bar.
“Come on, Koffie. Dance!” sabi niya at pinaikot ako habang hawak ang isang kamay ko. Pasimple kong tinapunan ng tingin ang bar counter, pero hindi ko na nakita si Mr. Sungit doon. Napaisip tuloy ako kung guni-guni ko lang ba ang nakita ko.
Binalingan ko si Ate Emerald, na hawak pa rin ang kamay ko. Kahit pawisan na siya, wala pa rin siyang tigil sa pagsasayaw. Ganoon din ang mga kasama namin. Sobrang ini-enjoy nila ang pagsasayaw. Bahagya akong lumapit sa kanya.
“Ate, can I go to banyo muna?”
“Oh, sure. Sabihin ko na lang sa ate mo kapag hinanap ka.” Nakaupo na si Ate Kitty kasama ang ibang kaklase niya. Nagpapahinga lang sila, pero mamaya, tiyak na makikita na naman sila sa gitna ng dance floor.
Kinuha ko ang handkerchief sa bag ko. I folded it into a triangle, placed it above my head, and made sure to slightly cover my face. Hinawakan ko lang ang magkabilang dulo ng panyo para hindi ito mahulog. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa ladies' room. Tinanggal ko ang panyo sa ulo ko at pinunasan ang tagaktak na pawis sa noo at leeg ko bago ako pumasok sa cubicle.
“Was it really Mr. Sungit?” tanong na lumabas sa bibig ko. Kung siya man ‘yon, bakit sa dami ng bar na puwede kaming magkita, dito pa?
Paglabas ko ng cubicle, diretso ako sa sink para maghugas ng kamay at mag-retouch. Dinagdagan ko lang ang lipstick sa labi ko at kaunting blush-on. Napahagikgik ako nang pasadahan ang sarili sa salamin.
“Oh my! You are so pretty talaga, Koffie Co Baho,” puri ko sa sarili. Pero nang binanggit ko ang apelyido ko, umasim ang mukha ko. “Papa naman, ang baho talaga ng surname mo!” pamimintas ko sa apelyido ng Papa ko bago tinungo ang pinto. Nasa labas na ako nang may biglang humarang na malaking bulto sa harap ko. Nagsalubong ang kilay ko nang manuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy. Tumingala ako. Gayon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ang nagmamay-ari nito. Ibig sabihin, siya talaga ang nakita ko kanina!
He smirked. “You look pretty shocked, don’t you?”
Humalukipkip ako sa harap niya. Hindi dapat ako maapektuhan dahil lang sa nakita niya ako dito.
“Are you stalking me, sir?”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Me?” Tinuro ang sarili. “Stalking you?” Nilipat ang hintuturo sa akin. Inalis ko ang mga kamay na naka-cross sa dibdib ko nang humakbang siya palapit sa akin. Umatras ako. “I’m not stalking you, young lady—I own this bar.”
Namilog ang mata ko, pero hindi ako nagpatinag. So what if he’s the owner? I don’t really care!
“So?”
Naningkit ang mga mata niya. “My concern is, ano ang ginagawa ng menor de edad dito sa bar ko?”
Matapang akong nakipagtitigan sa kanya. “I’m not menor de edad. Kaya nga ako nakapasok dahil nasa tamang edad na ako!” sabi ko, na parang tama ang pinaglalaban ko.
Tinaasan niya ulit ako ng kilay. “So, mukhang may tatanggalin ako ngayon sa trabaho dahil nabilog ang ulo niya ng isang bata,” he stated.
I pouted my lips. “I’m not bata, sir!” inis na sabi ko. Baby face lang ako tingnan, pero hindi na ako bata. Sa kabilang banda, nakaramdam ako ng guilt sa isiping may matatanggal na empleyado dahil sa akin.
“Kung ang tao ko ay nauto mo, pwes, hindi ako bata!”
I shot him a glare and even clenched my fist. “Sinabi na kasing I’m not bata na, e!” He is so annoying. Ang kulit niya!
“Uhm, excuse me.” May babae na gustong pumasok sa banyo. Nakaharang kami sa daan, kaya gumilid ako. Sumunod naman si Mr. Sungit. Pagpasok ng babae, muli niya akong binalingan.
“Fifteen—that’s still bata, young lady.”
Napasinghap ako dahil alam niya ang tunay na edad ko. “Bakit mo alam?” Sumilay ang ngisi sa labi niya. Namilog na lang ang mata ko nang napagtanto ko ang sinabi ko. Huli na para bawiin ko pa, kaya nakagat ko na lang ang labi ko at mariing napapikit. Pinahamak ako ng sarili kong bibig.
“See? Galing na rin sa bibig mo ang tunay mong edad,” he said, it was like he’d already won our argument.
“But I’m turning sixteen next month, sir.” Wala na akong choice, kaya sinabi ko na ang totoo. Tutal, huling-huli na niya ako.
“Sixteen is still a minor, kid.” Hinawakan niya ang palapulsuhan ko. “Bawal ang minor dito. Baka ipasara itong bar ko dahil sa pasaway na katulad mo!” Kinaladkad niya ako, kaya nag-panic ako.
“Wait! I’m with my ate, sir!” Huminto siya. Diretso niya akong tinitigan.
“Kinukunsinti ka ng ate mong pumunta dito kahit alam niyang bawal? Where are your parents? Alam ba nila itong ginagawa ninyo?” he scolded me. It was written all over his face. He couldn’t believe I was with my older sister.
I pouted my lips again. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Mayamaya, hinawakan ko ng bahagya ang laylayan ng blazer niya bago siya tiningala. Salubong ang kilay niya nang dumapo ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa blazer niya.
“Can we talk in another place, sir? It’s too loud here. You are so tall kasi. I can’t reach you,” nakikiusap na sabi ko. Napatitig muna siya sa akin bago tumagos ang tingin niya sa likuran ko. Mayamaya, binalik niya ang tingin sa akin.
“Follow me. Don’t try to escape me, kid. Hindi ko pa nakakalimutang may atraso ka pa sa akin.” Naalala siguro niya ‘yong ginawa ko sa school.
Sumimangot ako. “Hindi ako tatakas.” Tinaas ko ang isang kamay ko. “Promise.” Tiningnan niya ang kamay ko. Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya. Nang sulyapan ko ang kamay ko, saka ko lang napagtanto na kaliwa pala ang tinaas ko, kaya mabilis ko itong pinalitan ng kanan. Alanganin akong ngumiti sa kanya nang binalik niya ang tingin sa akin.
Sumunod ako sa kanya. Huminto kami sa isang pinto. Nang buksan niya ito, palabas na ito ng bar. Dinala niya ako sa itim na malaking van. Nang buksan niya ito, napagtanto kong hindi lang ito basta van. It looked just like a celebrity van. Sa liit ko, puwede akong tumayo sa loob. Magkaharap ang apat na upuan. Parang may space pa nga sa bandang likod, pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil may nakaharang na makapal na kurtina. May malaking Smart TV din ang sasakyan.
“Is this your car, sir?” tanong ko habang pinapasadahan pa rin ng tingin ang loob. Nakaupo na ako, kaharap siya.
“Hindi tayo pumunta dito para itanong mo lang ‘yan sa akin,” masungit niyang sagot, kaya tumulis na naman ang nguso ko.
“Hmp! Sungit,” sambit ko. “Why dito? ‘Di ba may mga room for VIP ang bar? Bakit hindi na lang doon?”
“Bawal ka nga sa loob, dadalhin pa kita sa VIP room. At least dito, diretso uwi ka na.”
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Sinadya talaga niyang dito kami sa labas mag-usap para hindi na ako makapasok ulit. Naisahan niya ako!
“Hindi ako pwedeng umuwi hanggat hindi ko kasama ang ate ko, sir.” Yumuko ako at nilaro ang mga daliri ko. “Wala akong susi ng gate namin sa likod ng bahay,” dagdag ko.
“Ginagawa mo ba ito palagi? I mean, sumasama ka sa bar?”
Umiling ako. “Ako lang.”
“What do you mean, ikaw lang?”
“I forced my sister to let me come with her even though she didn’t want to.”
“I see. So pasaway ka talaga na bata.”
Sumimangot ako at umangat ng tingin sa kanya. “I’m not bata na nga kasi!” inis na sambit ko at pinadyak ang mga paa ko. Ang kulit-kulit talaga niya!
“Whatever.”
Inirapan ko siya. Bigla kong naalala si Ate Kitty. Baka hinahanap na niya ako.
“Can I go back inside now, sir? Baka hinahanap na ako ng kapatid ko, e,” sabi ko sa mababang boses.
Tinaasan niya ako ng kilay. “No.” One word only, but full of authority.
“What? Why?”
“Hindi ko na uulitin ang sinabi ko.”
“Sir!”
“Huwag mo akong ma-sir-sir. Kapag sinabi kong bawal ka sa loob, bawal ka!” madiin niyang sabi.
I pouted and crossed my arms over my chest. “Fine, my ate will look for me naman!” Buo ang kumpiyansa ko na hahanapin agad ako ni Ate Kitty. Tiyak na kakabahan agad siya kapag nalaman na hindi pa ako bumabalik.
Nagtaka ako nang pinasadahan niya ako ng tingin. “Sa edad mo, hindi ka dapat nagsusuot ng mga ganyang damit.”
Awtomatikong napatingin ako sa suot ko. “Is there anything wrong with my clothes, sir? It’s so ganda kaya,” pagmamalaki ko sa suot ko. Bulag yata siya para hindi makita na maganda ang suot ko.
“Hindi bagay sa edad mo, bata.”
Tiningnan ko siya ng masama. “My name is Koffie, sir, not bata. Call me Koffie, okay?” inis na pagtatama ko sa kanya. Napipikon na ako sa kakatawag niya sa akin ng bata.
Tinitigan niya ako. Mayamaya, hinubad niya ang kanyang suot na blazer. Dumapo ang mata ko sa braso niya. Hindi ko namalayan na nakaawang na pala ang labi ko nang makita ko ang namumutok niyang mga muscles mula sa manggas ng t-shirt niya. Bukod dito, visible ang tattoo niya roon. I used to think tattoos looked unclean, so I didn’t like them. But when I saw his, I changed my mind immediately.
Nagtaka ako nang inabot niya sa akin ang blazer niya. “Put it on. Cover up that cleavage.”
Napasinghap ako at agad na hinablot ang blazer niya. Mabilis ko itong tinakip sa dibdib ko. “Pervert!”
Muli niya akong pinasadahan ng tingin. He smirked and crossed his legs. “Hindi kita pagnanasaan, bata. “I’m just worried about your age. Masyado kang na-e-expose sa gawain ng mga matatanda. Why don’t you just enjoy being a teenager?” sermon niya, na parang nakatatanda ko siyang kapatid.
“I am…” Bahagyang humina ang boses ko. Medyo guilty ako sa sinabi niya. Totoong ginagawa ko ang mga bagay na hindi angkop sa edad ko, pero hindi ibig sabihin na hindi ko na in-enjoy ang teenage life ko. Nagkataon lang na sa ganitong sitwasyon kami nagtagpo.
Sinuot ko ang blazer niya at sinigurong natatakpan ang dibdib ko. Bigla akong binalot ng hiya. It’s not because I got caught in his sermon. It’s because, despite how I look, he sees me as the teenager I am.
“Huwag ka rin magsusuot ng maikli katulad ng skirt na suot mo ngayon. Kulang na lang ay makitaan ka.” Skirt ko naman ngayon ang nakita niya.
“Excuse me, sir. Maikli po ang palda ng school uniform ko,” depensa ko. Hinintay ko siyang sumagot. Pero isang segundo na ang lumipas, nanatiling tikom ang bibig niya. Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan niya.
Tumunog ang cellphone ko, kaya kinuha ko ito sa loob ng bag ko. Si Ate Kitty ang tumatawag.
“Achi.”
“For God’s sake, Koffie. Where the hell are you? Kanina pa ako masisiraan ng ulo kakahanap sa ‘yo!” Halata sa boses ni Ate Kitty na nagpa-panic na siya.
“Nasa labas ako, achi. Hindi na ako pwedeng pumasok,” sagot ko at tinapunan ng tingin ang kaharap ko. Tinaasan ko siya ng kilay nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at tinuon ang atensyon sa labas ng sasakyan.
“What? Saan sa labas? Baka pagtripan ka diyan!”
“Don’t worry, nasa loob ako ng sasakyan.”
“Kaninong sasakyan, e, naka-lock ang kotse ni Emerald?”
Malalim akong bumuntong-hininga. “Just enjoy the night, achi. Huwag mo na muna akong isipin. Sabihin mo na lang sa akin kung uuwi na tayo.”
“Hey, don’t tell me, may boyfriend ka na?”
Umasim ang mukha ko. “Yuck, that’s impossible, achi. Wala nga akong crush sa school, boyfriend pa kaya? Oh, wait. Except doon sa guardian ni Tamie. He’s my crush!”
“Guardian? Sinong guardian?”
Umikot ang mata ko. May balak pa talaga siyang makipag-tsismisan kahit sobrang ingay sa loob ng bar. Pasigaw na nga siya magsalita.
“Can we talk later, achi? You are so tsismosa na kasi, e!” sabi ko at pinutol na ang pag-uusap namin. Muli kong sinulyapan ang kaharap ko. He’s still looking at me. “What? Don’t tell me, bawal din ako magka-crush sa edad ko? Baka hindi niyo po alam na lahat ng teenager ay dumadaan sa ganoong stage.” Bawal na niya panghimasukan ang buhay ko dahil hindi ko naman siya kaano-ano.
Pumalatak siya at umayos ng upo. “I didn't say that. At least, I know you’re disgusted about having a boyfriend,” sagot niya, na parang nakahinga siya ng maluwag.
“Bawal pa akong mag-boyfriend, kaya crush lang muna.”
“Yeah, that’s good to hear. Baka hindi lang ma-handle ng magiging boyfriend mo ang ugali mo.” Tiningnan ko siya ng masama, pero ngumisi lang siya. “And honestly? You should start looking for another crush.”
Tinaasan ko siya ng isang kilay. “And why would I do that?”
Hindi niya ako sinagot. Nagkibit-balikat lang siya.
“Are you Chinese?” pag-iiba niya sa usapan.
“My mom is Chinese, and my dad is Filipino.” Sumilay ang ngiti sa labi ko. Pagkakataon ko nang malaman kung ano ang dugong nananalaytay sa kanya. Hindi pwedeng siya lang ang magtanong. Umupo ako ng maayos at seryosong tumingin sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya, pero hindi ko na ito pinansin. “How about you, sir? Ano ang lahi mo? Italian ka ba? Turkish? Spanish? British…” Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko nang tinaasan na niya ako ng isang kilay. I pouted my lips again. Puwede siyang magtanong tungkol sa akin, pero kapag ako, hindi pwede? Unfair!
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Napansin kong hindi pa siya bumabalik sa loob. Babantayan ba niya ako buong magdamag?
“Why aren’t you going back inside?” Hindi na ako nakatiis, kaya nagtanong na ako.
“Baka takasan mo ako.”
Napanguso ako. “I-lock n’yo po ang pinto para siguradong hindi ako tatakas,” nakairap na sagot ko. Nagsalubong ang kilay niya nang inabot ko ang cellphone ko. “Give me your phone number so I can contact you if aalis na kami.”
Lihim akong napangiti nang kunin niya ang phone ko. Muli niya itong binalik sa akin nang tapos na niyang ilagay ang numero niya. Mabilis ko itong sinave sa phonebook ko. Napahagikgik ako dahil sa pangalan na nilagay ko sa kanya. Muli kong binalik ang tingin sa kanya. Pero natigilan ako dahil titig na titig na naman siya sa akin.
“Why? Am I too pretty to handle?” Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko para magpa-cute sa kanya.
Pumalatak siya. “You’re not too pretty, bata. Ordinaryo lang ang mukha mo. Marami pang mas attractive sa ‘yo,” walang paligoy-ligoy niyang sabi, dahilan para irapan ko siya. Pero nang sinabi niya na marami pang mas attractive sa akin, napangiti ako. Parang sinabi na rin niya na attractive rin pala ako sa paningin niya. Gosh, I’m so flattered!
Sabay kaming napatingin sa labas dahil parang may kaunting commotion doon. May lumapit na ring bouncer para awatin sila. Hindi naman maiiwasan iyon, lalo na sa ganitong lugar.
“This is why I don’t like a kid like you going to this place, dahil may pagkakataon na nagkakagulo,” sabi niya, kaya napatingin ako sa kanya. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa labas. “Stay here. Aayusin ko muna sa labas.”
Naiwan ako sa loob. Gusto kong makita ang gagawin niya, kaya umalis ako sa upuan at lumapit sa pinto. Bahagya kong binaluktot ang mga tuhod ko at nilapat ang palad sa bintana para malinaw kong makita.
He’s really that tall. He has broad shoulders too, and his back is so wide. Kahit yata magtago ako sa likod niya, walang makakapansin na may tao na nagtatago sa likod niya. Kinausap niya ang dalawang lalaki na kanina lang ay nagtatalo, pero nang lumapit siya, biglang tumahimik ang dalawa.
Nakita kong kumuyom ang kamao ng isa habang masama ang tingin sa isa. Pero nang tumingin ang lalaki kay Mr. Sungit, biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Parang bigla siyang nabahala. Maya-maya, nagkamay na ang dalawa, nagpapahiwatig na nagkaayos na sila.
Ganoon lang ‘yon? Napaisip tuloy ako kung ano ang sinabi niya sa dalawang lalaki.
Naglakad na siya palapit sa van, pero nanatili pa rin ako sa pinto at nakatingin sa dalawang lalaki. Para kasing nagpapanggap na nagkaayos na sila, pero hindi naman.
Hindi ko namalayang nakalapit na si Mr. Sungit, kaya nang buksan niya ang pinto, nagulat ako. Humawak agad ako sa damit niya nang mawalan ako ng balanse. Napaupo ako sa sahig ng sasakyan, pero hindi na kinaya ng katawan ko ang bigat ko, kaya napahiga na ako sa sasakyan.
My eyes squeezed shut the moment my head hit the car floor.
“f**k!” Nang marinig ko ang malutong niyang pagmumura na may kasamang daing, minulat ko ang mga mata ko. Nahigit ko ang hininga ko nang bumungad siya sa harapan ko. Kaunti na lang ay magdidikit na ang aming mga mukha. Maging buga ng hininga niya ay nanunuot na sa ilong ko. Honestly, his breath smells really good.
“S-sir, are you alright?”
Pinaningkitan niya ako ng mata. “Do I seem alright?” he sarcastically said. I pouted my lips. Saka ko lang napagtanto na sa kamay niya tumama ang ulo ko. Kaya pala narinig kong dumaing siya.
Mayamaya, bumaba ang mata niya sa labi ko. Napatitig ako sa kanya. Hanggang sa bumaba pa ang tingin niya at napunta ito sa hita ko. Namilog ang mata ko at awtomatikong dumapo ang palad ko sa pisngi niya. I slapped him. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.
“Eww, pervert!” tili ko at tinulak siya. Mabilis akong umupo at niyakap ang sarili ko.
“Damn, kid. You are not close to my type! I was just concerned about your legs dahil nakalantad sa kanila!” Tinuro niya ang mga lalaki sa likuran niya. Nakatingin sila sa amin.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Unti-unting kumalat ang init sa buong mukha ko.
It’s so nakakahiya!