KOFFIE
Pag-uwi ko sa bahay, as usual, wala akong aabutang mga magulang dahil pareho silang abala sa negosyo nila. Mag-isa lang akong kakain ng tanghalian dahil mamaya pa umuuwi si Ate Kitty. Malamang, kasama niya ang mga kaibigan niya o kaya si Kuya Kyle, ang boyfriend niya.
Sa D’Amico University nag-aaral si ate Kitty. Sa kabilang building lang iyon ng school ko. May pagkakataon na sinasama niya ako sa kabilang building para raw kapag pumasok na ako roon, kabisado ko na ang pasikot-sikot sa buong campus. Halos kilala ko na nga ang buong kaklase niya. Tuwang-tuwa nga sila kapag nakikita nila ako. They say I’m really pretty and cute, and that I even look Korean.
“Yaya, what’s our ulam po?” tanong ko kay Yaya Mildred pagpasok ko sa dining area.
Baby pa lang ako, kasambahay na namin si Yaya Mildred. Sa sobrang busy ni Mama sa mga negosyo nila ni Papa, si Yaya na ang nag-aalaga sa amin ni Ate Kitty. Kaya sobrang malapit kami sa kanya. But I’m still very close to my mom. Hindi pa rin naman niya pinapabayaan ang pagiging ina sa aming magkapatid. Medyo istrikto lang talaga si Mama.
“Syempre, ang paborito mong kung pao chicken.” Impit akong napatili dahil sa tuwa nang marinig ang sinabi ni Yaya Mildred. Mapaparami na naman ang kain ko nito.
“Thank you, Yaya. Love na love mo talaga ako,” ngiting-ngiti na sabi ko at yumakap sa kanya.
“Syempre naman, love kita kahit pilya ka.” Napahagikgik ako. Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Nasanay ba akong sinasabihan niyang pilya, dahil iyon naman ang totoo. “Nagluto rin ako ng dumplings. Nagtira lang ako para sa ate mo.”
“Thank you so much ulit, Yaya.” Kumalas ako ng yakap sa kanya para umupo. Sabik na tiningnan ko ang paborito kong pagkain na hinahanda na ni Yaya Mildred sa akin. “Sabayan mo na po ako.”
Napatitig sa akin si Yaya Mildred. Hanggang sa napabuntong-hininga siya. Malawak akong napangiti nang kumuha siya ng plato. Umupo siya sa tapat ko.
“Kumusta ang pag-aaral mo?”
Her asking about my studies always melts my heart, as if she were my own mother. Nagtatanong din naman sa amin ang mga magulang namin, pero iba sa pakiramdam kapag si Yaya Mildred ang nagtatanong. Parang anak na niya kami ituring ni Ate Kitty. Kaya sobrang swerte namin na dumating siya sa amin at hindi niya kami iniwan kahit malaki na kaming magkapatid.
“It’s good naman po. May observer na pumunta sa school. And you know what, Yaya, he’s so gwapo. Guardian siya ng isa sa kaibigan ko,” kwento ko habang kumakain. Tumango-tango siya, kaya nagpatuloy ako. “Pero muntik na akong mabangga kanina, Yaya Mildred,” sumbong ko nang maalala ko ang nangyari kanina. Nakita ko agad ang pag-aalala sa mukha niya.
“Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?”
“I’m fine naman po, Ya.” Sumilay ang pilyang ngisi sa labi ko nang maalala ang ginawa ko sa sasakyan. Nagsalubong ang kilay niya. “I made ganti naman po,” taas noo na sabi ko, na parang ipinagmamalaki ko pa ang ginawa ko.
Napalitan ng pagkabahala ang mukha niya. “Ano na namang kapilyahan ang ginawa mong bata ka?” she asked, as if she were already used to my kapilyahan.
“Tinandaan ko po kasi ang plate number ng sasakyan, so binalikan ko po after school.” Nakikinig siya, pero parang kinakabahan na siya sa ekspresyon ng mukha niya. “Sinulatan ko ang—”
“Ano?!”
Napaigtad ako sa gulat nang tumaas ang boses niya.
“Ang OA, Yaya Mildred? Don’t sabat muna, okay?”
“Hindi ako OA. Ikaw talagang bata ka. Hindi mawala-wala iyang kapilyahan mo. Kapag nalaman ng mga magulang mo ‘yang ginawa mo, lalo na ng mama mo, lalong magiging istrikto sa ‘yo ‘yon,” sermon niya sa akin, pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha niya.
“Let me finish po muna kasi. Mamaya ka na po mag-OA, okay?”
“O, sige na. Ituloy mo na bago pa tumaas ang dugo ko dahil sa kalokohan mo,” napapailing niyang sabi, saka uminom ng tubig.
“Kasama ko si Vergie when I make sulat in the car,” patuloy ko.
“At nandamay ka pa talaga."
Pinadyak ko ang mga paa ko sa sahig, saka tumulis ang nguso ko. Nang naintindihan niya na ayaw kong sumabat siya dahil hindi pa ako tapos magkwento, tumango siya para iparating na magpatuloy ako.
“Of course, I take full responsibility, Yaya, when the owner of the car caught us—Yaya, stop! Don’t cut me off when I’m sharing the story, okay?” sita ko sa kanya nang akma na naman siyang sasabat sa akin. Tinikom naman agad niya ang kanyang bibig. “Ito na nga, nahuli kami. Pero lipstick lang naman ang ginamit kong pangsulat sa kotse, eh. Here pa nga ‘yong lipstick sa kamay ko when I wiped what I wrote.” Pinakita ko sa kanya ang naiwang lipstick sa kamay ko. Hindi ito nabura lahat nang maghugas ako ng kamay kanina.
“Tingnan mo ‘yan. Magsusulat ka, pero buburahin mo naman pala. Ano ba ang sinulat mo?”
“‘Yong binura ko po?” Nakapaskil na ang pilyang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang sinulat ko sa sasakyan.
Nagsalubong ang kilay niya. “Bakit? May sinulat ka pa ba maliban doon sa binura mo?”
“Yes po,” mabilis kong sagot.
“Ano ba ang sinulat mo at ‘yong binura mo?”
“‘Yong sinulat ko po talaga, ‘I am pretty’.” She nodded, but her expression was serious. I pouted my lips. That was not the reaction I wanted to see. “Yaya naman, eh. Pretty naman talaga ako, ‘di ba?” himutok ko at pinadyak muli ang mga paa.
“Oo naman. Sino ba ang may sabing hindi ka maganda?”
“Ikaw!” nakasimangot na sagot ko.
“Wala akong sinabing ganyan.”
“But you didn’t say that in front of me. Dapat ang sinabi mo, ‘Yes, you are pretty.’ Tumango ka lang, Yaya, eh!” reklamo ko.
“Dapat ba purihin kita?” pang-aasar niya sa akin.
“Yaya!”
“Alam mo, Koffie, kahit hindi ko sabihing pretty ka, para sa akin, maganda ka talaga. Cute at maganda…” Malawak akong napangiti. “Pilya nga lang.” Naglaho agad ang ngiti ko, saka sumimangot sa kasunod niyang sinabi.
“Talagang may pahabol, Yaya?” nakasimangot na sabi ko.
“Ano naman ang binura mo?” pag-iiba niya sa usapan. Halata sa mukha niya ang pagpipigil na tumawa.
I bit my lower lip. Yumuko ako para iwasang makita ang magiging reaksyon ni Yaya Mildred kapag sinabi ko ang sinulat ko sa sasakyan. Hindi ko pa sinasabi sa kanya, pero parang nakikita ko na agad ang magiging reaksyon niya.
Pinagbunggo-bunggo ko ang kubyertos na hawak ko. Ramdam ko ang titig niya at naghihintay lamang sa sasabihin ko. In my peripheral vision, dinampot niya ang baso at uminom ng tubig.
“f**k you po, Yaya,” sabi ko. Kasabay ng binitawan kong salita, nabuga nito ang tubig. Kaharap niya ako, kaya natural na natalsikan din ako ng tubig. Ramdam ko pa ang mainit-init na tubig galing sa bibig niya. “Eww, Yaya! That’s gross!” Pinunasan ko agad ang mukha ko pati ang kamay ko. “I lost my appetite na, Yaya. Yucky!” Walang humpay na pandidiri ang sabi ko habang pinupunasan ang balat ko.
“Susmaryusep, Koffie. Sino ang hindi magugulat sa sinabi mo?”
I pouted my lips. “It’s not for you naman, yaya, eh. Iyon ang sinulat ko sa kotse,” pagtatama ko.
“Kahit sabihing hindi para sa akin ‘yon, mali pa rin na sinulat mo ‘yon. ‘Yong sinulatan mo ‘yong kotse, maling-mali na ‘yon!” sermon na naman niya sa akin.
“I know, Yaya. But I said sorry naman po. Ako pa nga po ang naglinis ng kotse niya.” Lumamlam ang mga mata ko at pinakita sa kanya ang mga kamay ko. “Look, o. My hands aren’t pretty like me anymore na. They’re rough na, Yaya. I don’t want my hands to be rough!” Maarte na reklamo ko at sinulyapan ang mga kamay ko, na para bang kinawawa ito.
“Kasalanan mo naman ‘yan. Pilya ka kasi,” paninisi pa niya sa akin.
Sumimangot ako. Mayamaya, napangiti ako. “You know what, Yaya? He’s gwapo rin, and he’s tall. Alam mo po ba ang pinapanood mong Turkish drama? He’s good-looking like them!” kinikilig na kwento ko. Malinaw pa sa isipan ko ang mukha niya. Sobrang lapit ko ba naman sa kanya kanina. Pero nang maalala ko na sinungitan niya ako, agad naglaho ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagtulis ng nguso. “But he’s masungit and so strict, Yaya.”
“Pagkatapos mong sulatan ang kotse niya, pupurihin mo. Ngayon naman, sasabihin mong masama ang ugali. Ano ba talaga, Koffie?” naguguluhan niyang turan.
“Ah, basta, masungit siya! Pasalamat talaga ang lalaking ‘yon, apo siya ng may-ari ng scho—”
“Apo?!” putol niya sa akin. Bakas ang gulat sa mukha niya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Mas nagulat pa yata siya ngayon kaysa kanina.
“Yes, Yaya.”
Napasabunto siya sa buhok. Mayamaya, napahilamos naman siya sa kanyang mukha, na parang frustrated na siya sa mga sinasabi ko.
“Diyos ko, Koffie. Tumataas ang altapresyon ko sa ‘yo. Kapag nalaman ng mama mo ang ginawa mo, grounded ka talaga.”
“That's why sa ‘yo ko lang sinabi, Yaya. Kasi alam kong hindi mo ako isusumbong kay mama. I will not do it again naman. Sinabi ko naman po kay Ma’am Trinidad na kapag bumalik si Mr. Strict, magso-sorry ulit ako,” paliwanag ko.
Hinilot niya ang sintido. “Teka nga, ito bang Ma’am Trinidad na tinutukoy mo, ‘yong principal na nakatira rin sa subdivision na ito?” paglilinaw niya. Gumuhit ang alanganing ngiti sa labi ko bago tumango bilang sagot. Natampal na lang niya ang kanyang noo sa sagot ko. “Parang gusto ko nang ihanda ang kabaong ko. Mamamatay ako ng maaga sa kapilyahan mong bata ka. Hindi dapat Koffie ang pinangalan sa ‘yo. Dapat Ko—Pilya.”
I pouted my lips again. Hindi na ako nagsalita at piniling itikom na lang ang bibig ko dahil baka matuluyan na si Yaya Mildred. I love her so much pa naman. Ako ang unang malulungkot kapag nawala siya.
Hindi ko na tinapos ang pagkain ko. Umakyat na rin ako sa kwarto ko. Napangiti ako nang makita ko ang lipstick na binigay sa akin ni Ate Kitty sa ibabaw ng bedside table. Nilagay ko na ito sa bag ko para hindi ko na maiwan pagpasok ko. Nagpalit na rin ako ng pambahay. Humiga ako sa kama. Nakatulog agad ako. Paggising ko, malapit nang dumilim sa labas. Kaya bumangon na ako at lumabas sa kwarto ko. Baka dumating na rin sina Mama at si Papa galing sa opisina.
Malapit na ako sa hagdan nang madaanan ko ang silid ni Ate Kitty. Bahagyang nakabukas ang pinto, kaya naririnig kong parang may kausap siya. Lumapit ako at nag-eavesdrop.
“What time?” Kumunot ang noo ko. Bakit kaya niya tinatanong ang oras? “Okay, doon na lang tayo magkita. Hintayin n’yo na lang ako.”
May pupuntahan si Ate Kitty mamaya?
Mabilis akong umalis sa pinto at tumakbo papunta sa hagdan. Nasa gitna na ako nang tinawag ako ng kapatid ko, kaya lumingon ako. Napangiti ako at hinintay siyang makalapit sa akin.
“Achi…”
Umangkla agad siya sa braso ko. “Alam kong nakikinig ka kanina.” Binigyan ko lang siya ng alanganing ngiti. “Don’t tell our parents, okay?”
“Hindi ka magpapaalam?”
“Kapag nagpaalam ako, papayagan ba ako? Malamang hindi. Alam mo naman kung gaano ka-istrikto si Mama, ‘di ba?” sagot niya.
“Saan ka ba pupunta, achi?” usisa ko.
“Pupunta kami sa Elite bar ng mga friends ko. Maganda raw ang bar na ‘yon, kaya susubukan naming puntahan,” sagot niya.
“Kasama mo si Kuya Kyle?”
“Nope. Baka hindi ko lang mae-enjoy kapag kasama ko siya,” sagot agad niya. Tumango-tango lang ako, pero sa likod ng isip ko, may ideya na agad ang nabuo.
Katulad ng inaasahan ko, walang naganap na pagpapaalam si Ate Kitty sa mga magulang namin. Nag-usap lang kami ng normal sa hapag-kainan habang kaharap namin sila. Pagkatapos ng hapunan, umakyat agad ako sa kwarto ko. Hindi ko gawain ang maligo sa gabi. Kadalasan ay half-bath lang talaga ako. Pero dahil gusto kong sumama kay Ate Kitty, kailangan kong maging fresh. Pagkatapos kong maligo, pinatuyo ko agad ang buhok ko gamit ang hair dryer. Naghanap na rin ako ng isusuot ko.
I smiled when I saw the black satin skirt that Ate Kitty gave me. It matches my white off-shoulder top with long sleeves, which I haven’t worn yet. I immediately got dressed and made sure to wear a push-up bra so that a bit of my cleavage would show.
To keep my true age a secret, I applied heavy makeup. Then, I finished off with the lipstick that Ate Kitty gave me. I immediately smiled when I saw how I looked. It was no longer obvious that I was fifteen because of my makeup. Once I was satisfied with my makeup, I went back to my hair to slightly curl it.
Napalingon ako sa pinto ng silid ko nang may kumatok. Nang marinig ang boses ni Mama, mabilis kong niligpit ang mga makeup na nakakalat sa vanity table ko.
“Anak, may ginagawa ka ba?”
“Yes, Ma. I’m doing my homework!” sagot ko habang abalang nililigpit ang mga kalat ko. Dalangin ko na ‘wag sana akong kausapin ni Mama dahil tiyak na mahuhuli ako, lalo na’t naka-makeup na ako.
“After that, matulog ka na,” utos nito.
“Yes, Ma.”
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang papalayo niyang yabag. Pagkatapos kong iligpit ang kalat ko, kinuha ko na ang paborito kong kulay-itim na sling bag. Nilagay ko rito ang pang-retouch ko, just in case na humulas ang makeup sa mukha ko. Wala akong tiwala sa setting spray na nilagay ko. Mas mabuti na magdoble-ingat ako at baka masipa ako ng wala sa oras palabas ng bar. Hinanda ko na rin ang kulay-itim na sandals ko na may two-inch na taas.
Umupo ako sa kama at nagpadala ng mensahe sa kapatid ko.
Achi, anong oras ka aalis?
Naghintay ako ng sagot niya. Mayamaya, nag-reply siya.
Kapag siguradong tulog na ang parents natin.
Napaisip ako. Mukhang kailangan kong maging alerto dahil baka maiwan ako. Hindi ko pa naman alam kung saan ang bar na tinutukoy niya kanina. Kinuha ko ang upuan sa study table ko at dinala ito sa pinto. Pinatay ko ang ilaw bago bahagyang binuksan ang pinto at umupo. Maya’t maya kong sinisilip si Ate Kitty. Makalipas ang ilang minuto, nakaramdam ako ng pagkainip. Hawak ang sandlas ko, lumabas ako sa kwarto ko. Maingat kong sinara ang pinto para hindi ito gumawa ng ingay. Sinigurado kong naka-lock ito bago ako naglakad papunta sa hagdan. Baka kasi biglang i-check ni Mama na tulog na ako.
Nakayapak ako pababa ng hagdan, kaya walang ingay ang bawat hakbang ko. Wala nang ilaw sa sala. Ang tanging nagsisilbing liwanag sa sala ay ang mga ilaw sa labas ng bahay namin. Baka nagpapahinga na rin sa kwarto si Yaya Mildred, kaya tahimik na ang buong bahay. Dumiretso agad ako sa kusina dahil may daan dito papunta sa likod ng bahay. May maliit na gate kami roon papunta sa labas. Sinuot ko agad ang sandals ko bago lumabas sa kusina.
Nang marating ang gate, nagtago ako sa malaking halaman sa gilid ng gate. Wala akong susi ng gate, kaya hihintayin ko na lang si Ate Kitty. Makalipas ang ilang minutong paghihintay, nakita ko na si Ate Kitty.
“Achi…” tawag ko sa kanya. Sapat lang ang boses ko para marinig niya ako. Namilog ang mata niya sa gulat nang lumabas ako sa pinagtataguan ko. “After one thousand and one mosquito bites, you are finally here!” exaggerated kong sabi.
“What on earth are you doing here, Koffie?” tanong niya. Bakas pa rin ang gulat sa mukha niya.
“Isn’t it obvious? I’m definitely coming with you!” sagot ko habang umiikot ang mata.
“What?!” Hinila niya ako sa sulok nang bumukas ang ilaw sa kusina. “Hindi pwede ang menor de edad sa bar, Koffie.”
“I know. Kaya nga ako nag-heavy makeup, achi,” katwiran ko, na may pagmamalaki sa ayos ko.
“Kapag nabuking tayo sa edad mo, lagot tayo kay Mama pareho. Go back inside, Koffie. Hindi kita pwedeng isama.”
“Achi, a thousand and two mosquitoes bit me, and now you just want me to go back inside?” reklamo ko. Pinaamo ko ang mga mata ko para kaawaan niya ako.
Nagsalubong ang kilay niya. “One thousand and one lang kanina, a?”
“Nadagdagan na, achi.” Tinapik ko ang braso ko. Nagkunwari ako na may kumagat na lamok sa akin. “And if we don’t leave soon, there will be even more bites!”
She rolled her eyes. “You are such a brat, sis!” Napahagikgik na lang ako sa sinabi niya.
Hinintay lang namin na dumilim sa kusina bago kami lumabas sa gate. Naglakad lang kami ng kaunti mula sa bahay bago tumigil. Hinintay namin ang sasakyan ng kaibigan ng kapatid ko na nakatira rin sa subdivision. Makalipas ang ilang minuto, may huminto na sasakyan sa harap namin. Nagulat pa nga ito nang makita ako. Pero hindi katulad ni Ate Kitty na hindi sang-ayon sa pagsama ko, natuwa pa ito na kasama ako.
I couldn’t hide my excitement as we headed to the bar. Every now and then, Ate Kitty would remind me to act natural, especially once we walked inside. I just nodded; I already knew what I was going to do once we got there.
Ilang minuto lang ay nasa harap na kami ng bar. Pagbaba namin, saka ako nag-spray ng perfume. Kapag ginawa ko kasi ito sa bahay, baka maamoy nina Mama at Papa. Hinawakan ako ni Ate Kitty. Huwag daw akong aalis sa tabi niya. Pumila kami dahil may mga nauna sa amin. Pinauna ako ng kapatid ko. Para kapag tinanong ako sa edad ko, si Ate Kitty ang sasagot. Nang ako na ang nasa pila para pumasok, tinitigan ako ng lalaki na parang bouncer dahil sa laki ng katawan nito.
“Kasama ko siya,” sabi ni Ate Kitty sa likuran ko.
“Ilang taon ka na, Miss?” tanong nito.
“Twen—”
“Do I look like a kid to you?” mataray na sabi ko. Naramdaman kong kinurot ako ni Ate Kitty sa tagiliran ko, pero hindi ko ito pinansin. Pinutol ko kasi siya. “Maraming nagkakamali, but I’m nineteen,” dugtong ko at matamis na ngumiti.
“Yeah, she’s turning twenty next month,” segunda ng kapatid ko, which is true.
“May dala ka bang valid ID?”
“What? Kaya nga ako hindi nagdadala ng ID, ‘coz I’m of the right age na, kuya! Could you please put that wristband on me so I can go inside na? You’re making the pila so haba, kuya!” reklamo ko. Napatingin naman agad siya sa mga nakapila bago binalik ang tingin sa akin. Parang nagdadalawang-isip pa ang lalaki dahil nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko mapigilang taasan siya ng kilay. “I know I’m pretty, kuya—but are you going to stare at me all night?” Malawak akong napangiti nang nilagay na niya ang wristband sa kamay ko.
Impit akong napatili pagpasok ko sa loob ng bar. Pinasadahan ko pa ng tingin ang loob. This bar is so cozy and elegant—I absolutely love it!
Ate Kitty pulled me over to her friends. Some were happy to have me here, but others were nervous because they were worried about my age. I didn’t pay them any mind; I was here to enjoy myself.
I stuck to juice the whole time. I made a promise to myself—no alcohol until I’m legally allowed. Yeah, I may be playful and cheeky, but I always stay within my boundaries.
Sumama ako sa mga nagsasayaw. Hinayaan ko lang na nakadikit si Ate Kitty sa akin buong oras. I know nag-aalala lang siya sa akin dahil baka mabastos ako. Pero sa grupo lang naman nila ako nakikipagsayaw. Puro babae naman kami lahat, kaya kampante ako na hindi ako mababastos. Kung may lalaki man na nakipagsayaw, umaalis na ako.
While in the middle of the crowd, dancing with everyone on the dance floor, I felt someone watching me. As I moved, I subtly scanned the room with my eyes. They finally settled on the bar counter—there, I saw a man sitting with a glass of alcohol in his hand. He was staring at me intently, his face blank but his eyebrows furrowed.
Inalis ko ang mata ko sa kanya. Bigla akong nahulog sa malalim na pag-iisip. Parang pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya. Hanggang sa napahinto ako sa pagsasayaw. Namilog ang mata ko nang makilala ko ang lalaki. Pasimple kong binalik ang tingin sa kanya. Muling nagtagpo ang aming mga mata. Napalunok ako nang makita ang unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya.
Oh my God! He’s the owner of the car where I wrote ‘I’m pretty’! I’m so dead—and my pretty face won’t save me this time!