KOFFIE Napatingin ako sa gawi ni Kuya Kaio. His gaze was fixed only on me—like I was the only one that mattered in that room. “He looked at her exactly the way I look at you, baby.” Napatingin ako sa nagsalita. Parehong nakatingin sa akin ang mga magulang ni Kuya Kaio. Mayamaya, napadaing ang ama niya ng kinurot ito sa tagiliran ng katabi. Muli kong binalingan si Kuya Kaio. Nakatingin pa rin siya sa akin. Baka dahil magulo pa ang buhok ko at wala pa akong hilamos. Bigla kong naalala ang huli naming pinag-usapan bago ako natulog. Kaya naman ay hindi ko napigilang taasan siya ng kilay. “Good morning, hija.” Binalik ko ang atensyon sa mga magulang ni Kuya Kaio. Malawak ang ngiti ng ina niya sa akin, habang seryoso naman nakatingin sa akin ang kanyang ama. “G-good morning po. Pasensya

