KOFFIE Tulala ako habang nakatingin sa kisame. Nandito na ako sa guest room at kanina pa hinihintay na dalawin ako ng antok. Mabuti pa si Ate Zaila, mahimbing na natutulog. Humihilik pa nga. Napapaisip pa rin ako sa sinabi ni Kuya Kaio kanina. Parang umaalingawngaw pa rin sa tainga ko ang sinabi niya. Bakit kasi nahuli kang pinanganak? Ano ba ang ibig niyang sabihin? Paano kung sakaling hindi nagkakalayo ang taon ng aming kapanganakan? Ano ba ang dapat niyang gawin kung ganoon nga ang nangyari? “Ugh!” sambit ko at inis na bumangon sa kama. Dinampot ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table at tiningnan ang oras. Napasinghap ako nang mahina nang makita ang oras. “Oh my gosh, it’s almost two-thirty in the morning already. Hindi pa ba ako dadalawin ng antok?” reklamo ko at naglakad pa

