KOFFIE “Malapit na tayo,” untag ni Kuya Kaio sa akin. Tumingin ako sa labas. Malapit na nga kami. “Kapag nakagawa ka na ng account, Kuya, add mo ako. Just search for Koffie d Pretty, okay? Message me right away and tell me your name para ma-accept kita,” bilin ko. “Got it.” Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng Parkwoods Subdivision at inabot sa akin ang dala ko. “Huwag masyadong kumain ng matatamis. Baka magka-diabetes ka,” paalala niya sa akin. “Noted po.” Lumabas ako ng sasakyan niya. “Hihintayin ko. I will not go to sleep until na hindi dumating ang request mo, okay? Kapag napuyat ako, it’s your fault,” pangongonsensya ko pa sa kanya bago sinara ang pinto. Kumaway muna ako kay Kuya Kaio bago tinungo ang pila ng mga tricycle. Pagdating ko sa bahay, nilagay ko agad sa refrigera

