KOFFIE “Matutulog ka na ba?” tanong ni Kuya Lekaio sa malambing na boses. Umikot ang mata ko. “What do you think?” sagot ko. Naiinis pa rin ako dahil hindi ako makakasama sa kapatid ko, at dahil iyon sa pakikialam niya. “Are you mad?” Umismid ako at umiwas ng tingin sa kanya. Pinaramdam kong hindi na maganda ang mood ko. Hindi ako galit; naiinis lang ako sa kanya. “If you’re upset with me for interfering, I don’t care. Walang alam ang mga magulang mo sa ginagawa mo, Koffie. Ako, ang ate mong konsintidor, at ang mga kaibigan lang niya ang nakakaalam sa ginagawa mo. Bilang mas nakakatanda, tungkulin kong gabayan ka. Do you get what I mean, sweetcake?” Muntik na akong bumigay nang tinawag na naman niya akong “sweetcake” sa pangalawang beses. Aaminin ko, ang sarap sa tenga ng tawag niya

