KOFFIE Excited akong pumasok dahil bukod sa humupa na ang pamamaga ng pisngi ko, gamit ko ang makeup na binigay ni Kuya Kaio sa akin. May iba pa siyang pasalubong sa akin, pero mas na-excite ako sa makeup. Sa totoo lang, hindi ako nag-e-expect ng pasalubong mula sa kanya. Kaya nasurpresa ako kahapon sa binigay niya. Alam niya rin ang hilig ko. Kahit ayaw niyang nag-aayos ako, binilhan pa rin niya ako ng makeup. Pero masaya ako dahil naalala pa rin niya ako. Pagdating sa eskwelahan, kinumusta ko agad si Vergie. “How are you, girl?” bungad ko agad kay Vergie. “Okay na ako.” “Ikaw, kumusta ka?” tanong ni Tamie sa akin. Mukhang alam na niya. Naikwento na siguro ni Vergie sa kanya ang nangyari. Ngumiti ako at nagpa-cute sa kanilang dalawa. “I’m still pretty,” maarteng sabi ko.

