KOFFIE Tumakbo ako palapit sa kanya. Inalalayan agad niya ako paglapit ko dahil muntik na akong masubsob sa pagmamadali kong makalapit sa kanya. “Careful, sweetcake.” “I'm just excited to see you, Kuya. May gusto rin kasi akong ibalita sa ‘yo,” sabi ko habang hinahabol ang hininga ko. “Is that good news?” he asked, smiling. “Yes.” Tumagos ang tingin niya sa likuran ko. Akma sana akong lilingon nang pigilan niya ako, sabay bukas ng pinto ng kanyang sasakyan. “Get in. We’ll talk inside the car,” he said. Pumasok agad ako sa sasakyan niya. Nagliwanag ang mga mata ko nang may nakita akong supot na galing sa The House of Sweets. Para sa akin kaya ito? Pumasok si Kuya Kaio sa loob ng sasakyan. Mayamaya, binuhay niya ang makina nito. Nadismaya ako dahil parang diretso na niya akon

