KOFFIE Pagdating ko sa bahay, nasurpresa ako nang makita sina Mama at Papa sa sala. Dumating na pala sila. Lumapit agad ako sa kanila at sinalubong sila ng yakap. Pero nakapagtataka dahil seryoso ang mukha ni Mama, habang si Papa ay mababanaag ang pag-aalala sa mukha niya. “Honey, hindi pa nagla-lunch ang anak natin. Pakainin muna natin bago—” “No, I want to talk to her now,” matigas na sabi ni Mama nang pinutol niya ang sinasabi ni Papa. “Koffie, sit down,” utos nito sa akin. Umupo ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Kararating lang namin ng Papa mo, pero problema agad ang isinalubong mo sa amin?” “M-Ma…” May ideya na agad ako kung bakit hindi maipinta ang mukha ni Mama. Nakita na siguro niya ang video. Pero sana hindi edited ang nakita niya. “Pagkatapos ng

