KOFFIE Na-enjoy ko naman ang panonood. Dalawang part pa nga ng Ice Age ang pinanood ko. Nasa kalagitnaan na ng palabas nang tinapunan ko ng tingin si Kuya Kaio. Nakatulog na siya. Hindi lang niya sinabi na inaantok na siya dahil binabantayan pa niya ako. Baka iniisip niya na ililipat ko ang pinapanood ko. Humarap ako sa kanya at pinatong ang aking dalawang paa sa couch. Inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng couch at matamang tinitigan ang kalmadong mukha ni Kuya Kaio. I unconsciously held my breath, my eyes tracing every line of his face. From where I sat, I could clearly see how perfectly sculpted his nose was—like it had been carved by a skilled artist. His jawline was sharp and defined, making him look effortlessly masculine. Natigilan ako. Bakit biglang ang galing kong mag-obserb

