KOFFIE Bago pa lumabas si Kuya Kaio, pumunta ako sa isang banyo at dito nagkulong. Pagkatapos ng padalos-dalos kong kilos, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Mayamaya, narinig ko na ang boses niya. Tinatawag niya ako. Hindi ko kayang lumabas, lalo na’t may kasalanan agad ako sa kanya. Natutop ko ang bibig ko nang gumalaw ang doorknob ng banyo. Ilang sandali pa, kumatok na siya habang tinatawag niya ako. “I know you’re in there, brat. Open this door!” mariin niyang sabi. Hindi ako sumagot. Tutal, kumain na rin naman ako; kahit abutin ako ng umaga dito, hindi ako lalabas. Baka tuluyan na talaga niya akong pauwiin dahil sa ginawa ko. “Humanda ka talaga sa akin, bata ka. Nag-usap pa lang tayo, pero wala pang isang minuto, may ginawa ka na agad,” banta niya sa akin. I pouted. It’

