KOFFIE Nagising ako sa malambot na kama. Sinuyod ko agad ng tingin ang kinaroroonan ko. Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang silid. Mayamaya, namilog ang mata ko nang napagtanto ko kung nasaan ako. Umalis agad ako sa kama at lumabas sa silid. Hanggang sa napahinto ako nang makita si Kuya Kaio na nakaupo sa couch. Ngumiti ako nang tumingin siya sa akin, ngunit unti-unting naglaho ang ngiti ko dahil sa tingin na pinupukol niya sa akin. “Kuya Kaio,” usal ko. Gusto ko na siyang lapitan, pero hindi ko magawa dahil parang hindi maganda ang mood niya ngayon. Sobrang seryoso ng mukha niya. Bahagya niyang ginalaw ang kanyang ulo, pero hindi siya nagsalita. Inutusan niya akong umupo. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa pang-isahang upuan. “What did you do this time?” he asked, a

