KOFFIE Hindi ko kasama si Kuya Kaio pabalik ng clubhouse. Ako raw talaga ang sadya niya kaya siya pumunta sa bahay nina Tamie. Nakita rin niya ang post ko kagabi at nabanggit ng guardian ni Tamie na nasa bahay kami. Hindi ko pinahalata na natuwa ako sa sinabi niya. Kapag pinakita ko iyon, parang sinabi ko na rin na bati na kami. Hindi ko pa siya kinakausap ng maayos. Masama pa rin ang loob ko sa kanya. Naiintindihan naman daw niya ako. The entire week was literally packed with happy memories to keep, super memorable talaga! Hindi ako nagsisi na mag-spend ng mid-year break sa bahay nina Tamie. Siguro kung sumama ako sa parents ko, mai-stress lang ako sa mga pinsan ko. Base sa mga chat namin ni Ate Kitty, gustong-gusto na raw niyang umuwi. Ayaw na raw niyang makipagplastikan sa mga kamag-

