KOFFIE Bigla akong napaisip. Ibig sabihin, magkakilala sila ng guardian ni Tamie, kaya siya nandito? “Hijo, sumabay ka na lang kay Koffie, ha?” No, pumunta siyang mag-isa! “Thanks, manang.” Nang pumasok si Manang Susan sa loob, tumingin siya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng beach shorts at puting t-shirt na medyo malaki sa akin. Pero sa ilalim ng damit ay isang spaghetti sando dahil ang balak ko ay huhubarin ko ang t-shirt kapag maliligo na ako. Humakbang siya palapit sa akin. Pero bago pa siya makalapit, naglakad ako at parang hangin na dumaan sa tabi niya. Pagkatapos niyang hindi magparamdam ng ilang linggo, akala niya ay wala lang sa akin ‘yon? Umakyat agad ako sa taas at tinungo ang silid ni Tamie. Hinanap ko ang cellphone ko. T

