“JANUS…” Napalingon siya sa pagtawag ni Bert sa kanya habang naglalakad siya sa hallway. Ilang araw matapos ang nangyari sa Sta.Cecilla ay naging palaisipan sa kanya kung paano at bakit nangyari ‘yon kay Harry. Wala naman siyang ibang mapagtanungan dahil wala ring alam si Owen tungkol doon. Kaya, tinawag niya ang isa sa mga taong mapagkakatiwalaan niya sa mga lehitimong balita—si Bert na isa sa myembro ng journalism. “Balita?” tanong niya agad. “Hindi ko alam kung dapat bang paniwalaan ‘to o hindi pero may nasagap ako sa mga kaibigan ko sa kabila na may involvement daw sa drugs kung bakit namatay si Harry. Pero no’ng sina Cherone ang tinanong ko, ang layo ng statement niya sa statement no’ng mga kakilala ko.” “Bakit? Ano’ng sabi niya?” “Nadamay lang daw si Harry sa nangyari at

