SINUNDO ni Lucas si Janus matapos malaman ang aksidenteng nabalitaan niya mula sa mga kakilalang malapit lang sa St. Montecarlo. Kahit pa man hindi sa akademyang iyon ang pinangyarihan ng aksidente, napasugod siya nang wala sa oras. Laking-gulat niya nang makita niya ang kapatid na nasa tapat ng Sta. Cecilla. Isang ambulansya ang naroon at dala-dala ang isang duguang binata na nakahimlay sa stretcher. Kasunod noon ay ang isang dalagang nakasuot din ng uniporme ng kabilang akademya at humahagulgol na nakabuntot sa mga paramedic. Napakaraming tao ang nagkalat sa lugar na ‘yon paglabas niya ng kotse. Halos lahat ng maririnig niya ay puro kuro-kuro tungkol sa nangyari. Nilapitan niya ang isang dalagang nakasuot ng uniporme ng St. Montecarlo. “Miss, pwedeng magtanong?” “Ano po ‘yon?” “An

