DAMANG-DAMA ni Eveleen ang takot sa mukha ng dalaga nang lumapit sila. Madilim ang parteng dinaanan ng taong nakasuot ng kulay gray na hoodie jacket. Binalak ni Janus na habulin pa ito roon ngunit wala siyang sapat na tapang para harapin ang kung anumang mangyayari lalo na’t wala siyang dala kahit na pang-self defense lang sana. “Gusto mo ba ng tubig?” tanong ng dalaga habang hinahaplos ang likod nito. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. “G-gusto ko sanang mahuli ‘yong holdaper na ‘yon. Nasa kanya ‘yong…sahod na ipapadala ko sa lola kong may sakit. Hindi pwedeng hindi ko ‘yon makuha sa kanya.” “Tumakas na siya pero tatawag kami ng mga pulis para makausap ka nila—“ “H-hindi…hindi pwede baka pagalitan ako ng amo ko kapag nalaman nilang nawalan ako ng pera.” “Pero hindi mo naman

