6: BURDA

2037 Words
~THIRD PPOV~ NAGISING si Harold dahil sa init na dumadampi sa balat niya mula sa nakabukas na kurtina ng kuwarto niya. Umupo siya sa kama at sumandal sa headboard. Bago siya tumayo, huminga muna siya ng malalim at pumikit. Until he remembered what happened last night. Kahit nakahubad pa siya ay dali-dali siyang tumayo at pumunta sa mini living room na nasa loob mismo ng kuwarto niya. Pumasok na rin siya sa banyo ng hindi niya makita ang hinahanap dito. "Wait, panaginip lang ba nag nangyari kagabi? Pero imposible! Why am I naked if it's just a dream? I'm drunk, but I remembered I was with a girl last night.” Bulong nito sa sarili habang nakatayo sa pintuan ng washroom. Bahagya niyang minasahe ang kan’yang batok saka bumalik sa kan’yang kama. Habang nakaupo siya sa dulo ng kama, isang kulay rosas na damit ang nakatawag ng atens’yon niya. “Hindi nga panaginip iyon!” Parang may tumusok sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag habang nakatingin sa punit na T-shirt. “Napalakas yata nag paghila ko sa damit niya,” tumawa siya ng palihim na ikinagulat niya. Habang patuloy niya itong pinagmamasdan, hindi niya namalayan na unti-unti na pala niya itong inaamoy. "Sh*t! What am I doing?!" singhal niya sa sarili. Tatayo na sana siya ng may napansin ulit siya sa kaniyang kama. Napaawang ang labi ni Harold nang makita ang bahid ng dugo sa bedsheet nito, dahilan para kumabog ang dibdib niya. “Ibig sabihin… isang birhen ang naikama ko kagabi?” bulalas niya. Nagmamadali siyang nagbihis para bumaba sa sala, baka sakaling nasa sala pa ang babaeng kasama niya buong gabi. Pagbaba ni Harold ay naabutan niya si Nanay Meling na nagpupunas ng sofa. "May nakita ka bang babaeng bumaba rito, Yaya?!" sigaw nito sa matanda. Biglang namang napalingon si Nanay Meling nang marinig ang malakas na boses ni Harold. Magsasalita na sana si Nanay Meling ngunit biglang nagsalita si Maia mula sa kusina. “May nakita akong babae kanina, Boss.” Agad lumapit si Harold sa kinaroroonan ni Maia. “Nakita mo ba ang mukha niya?” Umiling si Maia. "Hindi po. Paglabas ko ng kuwarto ko nakita ko siyang tumatakbo palabas,” pagkukunwari ni Maia. “Anong damit nag suot niya?” patuloy na tanong ni Harold. Napalunok bigla si Maia. “Maikling short tapos maluwag na T-shirt po. Panlalaki yata ang suot niya, malaki kasi kumpara sa katawan niya. Saka maikli ang buhok.” Kahit nanginginig ay pinilit pa rin niyang magsalita ng mahinahon. Kailangang magsinungaling ni Maia para hindi malaman ni Harold na siya ang kasama nito buong gabi. Bagsak ang mga balikat ni Harold nang bumalik siya sa kaniyang silid. Ngunit biglang napalitan ng saya ang lungkot sa mukha niya nang maalala niya si Robin. Kinuha niya ang cellphone at agad itong tinawagan. "Ano?! Ibig sabihin hindi pumunta rito iyong babaeng binayaran ko kagabi?" “Exactly!” “Kung hindi iyon pumunta rito, sino ang kasama ko kagabi?” “Iyan ang hindi ko alam, bro! Tandaan mo, lasing ka kagabi. Baka kasama mo na iyon pag-uwi mo; hindi mo lang maalala dahil sa kalasingan mo." Lalong naguluhan si Harold pagkatapos niyang kausapin si Robin. Pumikit siya at pilit na inisip ang mukha ng babae. "Ahhh!" napabuntong- hininga siya ng wala siyang maalala. Kinuha niya ang punit na T-shirt at inilagay sa tabi ng kan’yang mga damit na nakasabit sa kan’yang aparador. Lihim na napangiti si Harold nang makitang muli ang bakas ng dugo sa bedsheet niya. "Kahit magtago ka, hahanapin pa rin kita," aniya habang inaalis ang bedsheet sa kama. “Ako na ang magdadala niyan sa basement, Harold,” wika ni Nanay Meling nang makita niyang bitbit ni Harold ang bedsheet. “No! Ako na ang maglalaba nito,” tugon ni Harold nang hindi tumitingin kay Nay Meling. Pagdating ni Harold sa utility room ay sakto namang nandoon si Maia. "Sigurado ka bang hindi mo nakita ang mukha ng babaeng nakita mo kaninang umaga?" Biglang nanlaki ang mga mata ni Maia nang marinig ang boses ni Harold sa bandang likuran niya. "Ikaw pala, Boss," nauutal niyang sabi. Nang makita niya ang bedsheet na dala ni Harold ay bigla niyang iniba ang topic. “Iwan n’yo na lang po ang bedsheet dito, ako na ang maglalaba niyan.” "Look at me, Maia! I am talking to you!" sigaw ni Harold. “Pasensiya na po, Boss.” Nang mapansin ni Harold ang pamumutla ni Maia ay agad itong lumapit sa dalaga. Hinawakan niya ang kamay nito. “Bakit hindi mo sinabi kay Yaya Meling na may sakit ka, ha?!” kunot-noong wika ni Harold nang mapansin niyang tila nilalagnat si Maia. “Ayos lang po ako, Boss. Wala po akong sakit.” "Makinig ka, Maia. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang sinungaling! Paano kung may mangyaring masama sa ‘yo rito sa bahay ko, ha? Eh 'di, kasalanan ko pa!” Sa halip na magsalita ay binaling na lang ni Maia ang kan’yang atens’yon sa kan’yang paglalaba. Na lalo lang ikinagalit ni Harold. “Maia!” sigaw ni Harold. Ngunit hindi pa rin siya pinakinggan ng dalaga. Tinalikuran ito ni Maia at isa-isang nilulunod ang mga damit sa washing machine. Huminga ng malalim si Harold nang makita ang mantsa ng dugo ni Maia sa suot nitong puting short. Muli siyang lumapit sa dalaga at hinablot ang kamay nito, dahilan para mawalan ito ng balanse. Nang magkadikit na ang kanilang mga katawan, hindi maiwasan ni Maia na titigan ang mga mata ni Harold. “Sorry po, Boss,” mahinang wika ni Maia sabay yuko. “Umakyat ka na. Ako na ang bahala rito,” tugon ni Harold. Tumango si Maia habang nakayuko pa rin. Sinubukan niyang maglakad ng diretso para hindi mahalata ni Harold na nahihirapan siyang maglakad. Ngunit napansin pa rin iyon ni Harold. “Maia!” Napahinto si Maia sa paglalakad nang tawagin muli ni Harold ang pangalan niya. “May kailangan pa kayo, Boss?” "Next time, when you have your period, don't forget to wear a napkin,” diretsong saad ni Harold. Biglang kinabahan si Maia sa kaniyang narinig. Hindi niya namalayaan na dumudugo na pala ang kaniyang kaibuturan. "Sorry po ulit, Boss.” Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kaniyang luha. Upang hindi iyon mapansin ni Harold ay agad siyang tumalikod at pinilit na pabilisin ang kan’yang mga hakbang. Pero hindi niya magawa dahil sa matinding kirot na nararamdaman mula sa maseselang bahagi ng kan’yang katawan. "Anong ginagawa mo, Boss?" nauutal na sabi niya nang bigla siyang kinarga ni Harold. Ngunit hindi siya nito sinagot. "Anong nangyayari sa ‘yo, Maia?" Nag-aalalang sabi ni Nanay Meling nang makitang karga-karga ni Harold si Maia. Nang makarating si Harold sa kuwarto ni Maia ay dahan-dahan niyang ibinaba ang dalaga sa kama. “Painumin mo siya ng gamot, Yaya! Sabihin mo rin sa kan’ya na kapag may sakit siya, huwag niyang pilitin ang sarili niyang magtrabaho! ‘Pag nagkataon na may mangyaring masama sa kan’ya rito, ako ang mananagot sa batas!" sigaw ni Harold habang papalabas ng k’warto ni Maia. “Ayos ka lang ba, Maia? Ang taas ng lagnat mo, ah!” nag-aalalang wika ni Nanay Meling. Tumango si Maia. “Huwag po kayong mag-alala, ‘Nay. Ganito lang talaga ako kapag may period ako,” nakangiting wika ni Maia. Hinawakan ni Maia ang magkabilang pisngi ni Nanay Meling. “Pasensiya ka na, ‘Nay, ha? Napagalitan ka na naman nang dahil sa akin." “Nako! Maliit na bagay, huwag mo akong intindihin. Sanay na ako, ano ka ba!” natatawang wika ng matanda. “Aakyat lang ako, ikukuha kita ng gamot,” sabi ni Nanay Meling. "Salamat po, 'Nay. Pero ako na lang ang kukuha mamaya. Baka mahirapan po kayong umakyat ng hagdan. Iyong mahiwagang halamang gamot mo na lang muna ang iinomin ko,” nakangiting tugon ni Maia. Paglabas ni Nanay Meling ng kuwarto ay nag-uunahan naman sa pagbagsak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Maia. Gusto niyang isigaw ang hindi maipaliwanag na sakit niyang nararamdaman. Gusto niyang sampalin ang sarili dahil sa pandidiri niya sa sarili sa tuwing naiisip niya ang kalaswaan na ginawa niya. "Ayaw ko sa iyo! Nakakadiri ka!" hagulhol niya sa sarili habang hinihila ang sariling buhok. ALAS sais na ng hapon pero hindi pa rin mapakali si Harold. Pilit pa rin niyang inaalala ang mukha ng babaeng nakasama niya buong magdamag. Upang mas maalala, paulit-ulit niyang inaamoy ang naiwang T-shirt ng babae. Bumalik ang kan’yang diwa nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng kan’yang silid. “Can I come in?” mahinang boses na wika ni Tanya. Nagulat si Harold sa kan'yang nakita. Hindi niya akalain na pupunta ang kan'yang anak sa kan'yang silid. Sa halip na magsalita ay binuksan niya ng husto ang pinto at hinayaang pumasok ang anak. Inabot ni Tanya ang bote ng tubig kay Harold. "Yaya Maia might forget to bring you water tonight because she is sick. Kaya ito muna ang gamitin mo, Da-- Daddy.” Nakayukong wika ni Tanya habang inaabot ang bote ng tubig sa ama. Napaawang ang labi ni Harold nang marinig ang sinabi ng anak. Matagal-tagal na rin noong huli niyang narinig na tinawag siya nitong 'Daddy,' ni hindi na nga niya matandaan kung kailan niya ito huling nakausap. Walang boses na lumabas sa labi niya. Kaya sa halip na magsalita ay niyakap na lang niya ito ng mahigpit. “I’m sorry po, Daddy kung naging bad ako,” hikbing wika ni Tanya. Hindi na rin napigilan ni Harold ang kan'yang emosyon. Lahat ng pighati at sakit mula sa kaniyang nakaraan ay idinaan niya sa pag-iyak. "You don't need to apologize to Daddy, Honey. It's not your fault; Daddy's fault, okay?" hikbing wika ni Harold habang hinahalikan ang ulo ng anak. Humiwalay si Tanya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ng ama. Nang makita niya ang mga luha nito ay agad niya itong pinunasan gamit ang kan'yang mga kamay. “I love you, Daddy,” “I love you too, Honey.” “Wait, paano mo nalaman na kailangan ko ng tubig tuwing gabi?” Ngumiti si Tanya. "Like you po, I also drink water every night. That's why Yaya Maia bought me a big jar in my room." “Anong ibig mong sabihin, anak?” “I have horrible nightmares every midnight. Para mawala ang masamang panaginip ko, umiinom din po ako ng tubig." Biglang naawa si Harold sa anak dahil sa sinabi nito. Kaya muli niya itong niyakap. “I’m sorry, Tanya, dahil sa pagiging makasarili ko hindi ko alam na takot ka rin pala tuwing hating gabi. Sarili ko lang ang iniisip ko,” hikbi niya sa sarili. "Dad? Bakit nasa kuwarto mo iyong damit ni Yaya Maia?" Biglang natigilan si Harold sa sinabi ng anak. “Anong damit, Honey?” nagtatakang wika niya. Itinuro ni Tanya ang T-shirt na nasa ibabaw ng kama ni Harold. “Iyong kulay pink po. Kay Yaya Maia po iyon.” Napalunok si Harold. "Hindi iyan sa Yaya Maia mo. Baka kakulay lang ng damit niya." Agad tumayo si Tanya at kinuha ang T-shirt. “Look, oh! May pangalan po ito ni Yaya Maia.” Naubo si Harold nang makita ang pangalang 'Maia' sa laylayan ng damit. "Sabi kasi ni Yaya Maia mahilig daw manahi ang Lola Anding niya. Kaya lahat ng damit ni Yaya ay may pangalan niya. Kahit nga mga undies ni Yaya ay may pangalan din niya.” Bulong ni Tanya sa ama habang humahagikhik. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ni Harold dahil sa sinabi ng anak. “Ibig sabihin, kasambahay ko ang kasama ko kagabi? Iyong dugo sa kan'yang short kanina, hindi kaya…” napalunok si Harold habang iniisip iyon. “Daddy? Puwede bang secret lang natin iyon? Secret lang kasi namin ni Yaya Maia ang tungkol sa pangalan niya na nasa mga undies niya, eh. Ayaw kong magalit siya sa akin.” Tumango si Harold. “Promise, secret lang natin iyon,” nakangiting wika niya. Habang sinusuklay ni Harold ang buhok ng anak ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala ito. Binuhat niya ang anak at inihiga sa kan'yang kama at hinayaang matulog muna ito sa kan'yang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD