“Sir, gusto po kayong makausap ni Mr.Coleman,” Napabaling ako ng tingin sa may pintuan ng opisina ko kung saan bumungad si Jessa, ang sekretarya ko. Napangiti ako ng marinig iyon.Si Mr.Coleman ang nagmamay-ari ng contruction company na ito. “Okay, I’ll be there in just a minute,” I answered.Mabilis naman itong tumalima at isinara ang pinto.Inayos ko naman ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa bago ko sinuri ang sarili ko. Mabilis kong tinungo ang opisina ni Mr.Coleman. I knocked the door three times. ”Come in,” narinig kong wika nito mula sa loob.Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at binuksan iyon. Nakita ko si Mr.Coleman at mukhang abala ito sa kanyang laptop at kapagkuwan ay nagtaas ito ng paningin saakin. Iminuwestra nito ang kanang kamay sa bakanteng upuan na kahar

