Kanina pa ako nakasimangot dito sa loob ng sasakyan.Paano ba naman kasi, kanina pa ako hindi kinikibo ni Matteo.Marahil ay nagalit ito sa'kin kagabi dahil sa kalokohan ko. Hindi ko maiwasang mainis lalo na at napapansin kong kanina pa ito may kausap sa cellphone.Pakiramdam ko biglang nagbago ang pakikitungo nito saakin. Ni hindi niya nga ako binati kanina ng goodmorning. "How many times do I need to tell you na , makikipag-usap lang ako kung nasa appointment list siya?huwag kang makulit Jessa!" Napakunot-noo ako dahil sa narinig.Sino ba ang kausap nito at mukhang kay aga ay mainit na kaagad ang kanyang ulo?at teka, tama ba ang huling narinig ko, Jessa? ibig sabihin babae ang kausap nito pero, sino naman si Jessa.Wala akong natatandaang may kakilala itong nagngangalang Jessa.Kung dati s

