"Sir, may gusto pong kumausap sa inyo," "Nasa appointment list ba?" tanong ko ng hindi nakatingin sa sekretarya ko.Abala kasi ako sa pagpirma ng mga papeles na nakatambak sa mesa ko. "Wala po, per.." "What the hell! "I said at kaagad na nag-angat ng paningin dito. "Eh, mapilit po si ma'am Chloe sir, kahit ilang beses kong sabihin na may ginagawa kayo at bawal po kayong kausapin dahil wala siya sa appointment list." She explained. Kailan ba ako titigilan ni Chloe?buong akala ko pa naman nananahimik na ito at wala na akong balak gambalain pa. "Okay, let her in," wika ko bilang pagsuko. Kaagad namang tumalima ang sekretarya ko at isinara ang pinto.Ilang sandali lang ay bumukas din iyon at iniluwa si Chloe. Napansin ko ang biglaang pagbabago ng physical appearance nito.Kung dati ay sob

