Erza's Point of View
Dahan dahan kong binuksan ang sliding door ng clinic.
Sumalubong sakin ang amoy gamot na hangin sa loob. Ugh. Ayoko ko talaga sa mga ganitong atmosphere.
Sa dulo ay tanaw ko ang nakabukas ng kurtina at sa maliit na kama ay nakaupo si Sab. Kausap ito ni Nurse July.
Wala pa yata akong sampung segundong nakatayo duon ay napansin na ako ni Sab.
"Oh, Erza, what brought you here?" Inosente nitong tanong sakin.
Pinagmasdan ko ang kabuuan nya. Hmmm? Okay, maganda naman talaga itong si Sab. Ang bitter ko naman kung sasabihin kong pangit sya. Pero duh! Mas maganda pa din ako.
"I've heard about you being admitted here. What happened?" Taas kilay kong tanong.
Lumapit ako sa kama nya at natigilan ng makita si Keigo na prenteng prente sa pagkakaupo sa katapat na kama.
His gaze shifted on me. He smiled. Grrrrr!
"Anong ginagawa mo dito babe?" Pinagkrus ko ang mga braso ko.
"I was the one responsible why she's here." Marahas nitong sagot at itinuro si Sab na agad nanlaki ang butas ng ilong.
"Tsss! Erza, isama mo na nga yang aswang na yan. Naaalibadbaran ako sa mukha nya eh. Ang pangit!" Gigil na sambit ni Sab bago tiningnan ng masama si Kei. Ngumisi lang ito at hinawi ang buhok.
Damn! My babe is so hot! Hahahaha!
Inirapan ko si Sab. Ang angas din nito eh. Lakas maka utos sakin!
"Kapal mo din no? I didn't know why he brought you here but the way you talk to my babe is so shitty." Singhal ko kay Sab na sinimangutan lang ako and tried mimicking me. Aba't!
Tumawa naman si Kei at hinila ako sa braso. Nagsukatan pa kami ni Sab ng tingin bago ako nagpahila kay Kei.
Nang makalabas kami ng clinic ay mabilis kaming nagbitaw.
"I heard some rumors about you and Tash." Bungad ko sa kanya.
His facade didn't change. Kalma pa rin ang mukha nya. Matiim pa rin tumitig ang brown nyang mga mata.
"Don't ruin my image Kei. I built that image for many years. I won't let a girl cheap as Tash ruin everything." Taas noo kong sabi.
Kumabog ang dibdib ko nung naging seryoso ang titig nya.
"All you need to do is stick with me to keep your perfect world, Erza. You don't want me. You never wanted me. You only need me. That is all I am to you right?"
Hindi ko alam pero bigla akong natakot sa mga sinabi nya. Mahal nya ako....pero ginagamit ko lang sya.
"And it's sickening to think that I'm very willing to be your stepping stone. All for you. Everything is for you." Malungkot nitong sambit bago umiling.
Nilagpasan nya ako habang ako ay natulala. Hindi....
Hindi ko talaga sya mahal...
Pero ayoko syang bitawan. I'm going to keep him. Right beside me is the only place where you belong Keigo. I'll destroy any possible side that you can run to. I'll keep you Kei.
I'll keep you.
Caileigh's POV
Nakatunganga ngayon sakin si Sab matapos kong sabihin sa kanya ang mga plano ko.
"The f**k, Caileigh? Liposuction? Are you kidding me?" Nanlalaki ang malapusa nitong mga mata habang naka awang ang mga labi.
Mag katabi kami ngayon sa loob ng Cafe Arviola. Dito ginaganap ang mga show off ng mga CAKO students. At kasalukuyang nagsasalita si Chef Arana para sa mga reminders for the cake decorating competition.
"Yes. Next week ang flight ko papuntang US. My mom wants me to do the operation there." Diretso ang titig ko ka Chef na nagsasalita sa harap upang hindi nito mahalata na nagchichikahan kami ni Sab dito sa huli.
Kita ko sa aking peripheral vision na hindi mapakali si Sab sa mga sinabi ko.
"It's stupid Caileigh. Maraming way para magpapayat. Hindi sagot ang operation dyan sa layers ng bilbil mo!" Badtrip ito.
Nginiwian ko lang sya bago ko sinulyapan ang katawan ko. Halos pumutok ang chef gown ko dahil sa laki ng aking tyan. Pinakiramdaman ko ang aking pisngi at lalo akong nadismaya dahil sa tabang naramdaman ko doon.
Alam kong maraming mataba ang tanggap ang sarili nila. Mayroon ngang iba na ginagawa pang katatawanan ang sarili.
I can do that. But I chose not to. May choice ako kung gusto kong naging dabiana forever, pumayat in the long run or be smoking hot in the quickest and simpliest way.
Maganda ako. Kung tutuusin, marami ang nakakapansin non pero let's admit it. Guys dig for girls with pretty face and volouptous body. Pag walang available na ganun, they'll settle for a not so pretty but real sexy. My kind is third on the row. Kung walang panget na sexy, saka lang mapapansin ang tulad kong matabang maganda. Or so I thought, dahil may mga lalaki pa rin na magtitiis maghanap ng Barbie b***h kaysa magsettle sa katulad ko. It's the sad f*****g truth.
Nang matapos ang klase ay dumating si Erza upang itulak ang wheelchair ni Sab. Hindi ako sumabay. Lalo lang bababa ang self esteem ko.
Dyosa si Erza at talaga namang maganda at sexy rin ang best friend kong si Savannah, at ang pagsabay sa kanila ay tila paggigisa sa sarili kong mantika.
Nang matapos ang walang katuturan na irapan at bangayan ni Erza at Sab ay saka lang ako tumabi kay Sab.
Nanlamig ako dahil sa malungkot na titig sa akin ni Sab.
"Dahil ba kay Atobe kaya mo gustong sumabak sa operasyon?"
Parang biglang pumait ang bibig ko dahil sa tanong nya.
"Napakababaw mo pala Caileigh." Puno nang tabang nitong bulong sa akin.
Dumating ang teacher namin para sa Practical Lesson.
"Go with your group." Utos ng guro namin. Mabilis tumayo si Sab at paika ikang nagtungo sa station namin matapos ilagay sa gilid ang wheelchair nya. Kagroup ko sya. Lagi naman.
May mga sinasabi ang prof sa una pero hindi ko naiintindihan dahil panay ang malamig na bulong sakin Sab.
"Hindi nya deserve yan, Caileigh. You're willing to put your life on the line at hindi mo naman sigurado kung mapapansin ka nya talaga pagkatapos ng lahat."
Nilingon ko sya. Nakakunot ang noo at tila iniinda ang sugat sa binti. Agad akong umiling at kinuha ang monoblock sa dulo ng kitchen.
Kahit na pinaupo ko na sya dun ay malamig pa rin ang tingin nya sakin.
"Sab naman..." Ungot ko. Napalingon ang dalawa pa naming kagroup na sina Ezi at Josh.
"Hindi mabubura ng isang monoblock lang ang pananaw kong bobo ka pagdating sa hapon na yun." Kunot noo nitong sabi.
Pansin kong nagkatinginan si Josh at Ezi bago kami binalewala at pinagpatuloy ang pag aayos ng ingredients.
Medyo na offend ako sa sinabi nya pero tiniis ko. Sab, hindi naman ako nagpapaalam sayo. Sinasabi ko lang para alam mo ang plano ko.
Akma na akong mag iinarte para suyuin sya pero nagsalita ulit sya.
"Instead of planning bullcraps like that, bakit hindi ka na lang makipaglapit kay Atobe? Wag mong sayangin ang panahon kasi hindi ka sigurado na mapapansin ka nya pagbalik mo. Paano pag nalaman nyang nagparetoke ka? Sa palagay mo maiintindihan nya yun?" Bulong nito ngunit bawat salita nya ay may diin at langkap na pagkainis.
Desidido na ako. Yun na talaga ang gusto ko. The fast it is, the better.
"Sisiguraduhin kong mahal na nya ako bago nya pa malaman na nagparetoke ako." Bulong ko din ngunit sa totoo lang ay wala na akong pakialam kahit marinig pa yun ng dalawa naming ka group.
Humigpit ang kapit ni Sab sa bell pepper at halos madurog iyon dahil sa pangngingitngit nya.
"CAI...." Bulong ulit nito na mariin.
"Uhh, you two okay?" Singit ni Ezi na nagfi-fillet ng cream dory para sa sweet and sour fish fillet na assigned sa group namin.
Tiningnan ko sya ng matalim bago ko inimustra sa kanya ang hawak kong kutsilyo na kasalukuyan kong ipinanghihiwa sa white onion.
Tila naman nakaintindi ito at piniling manahimik.
Nagitla ako nung biglang ihagis ni Sab ang bell pepper sa table namin at seryoso akong tiningnan.
"You seriously think he's going to love you? Caileigh, come on! Kahit ikaw, pisikal na anyo ang gustong baguhin para mapansin nya! If he's really going to love you, he's going to kiss all your flaws and accept who you f*****g are! Hindi yang ganyan! Pipiliin ka nya kahit na...kahit na.."
"Kahit na mataba ako? Ganun ba? Yon ba ang gusto mong sabihin Savannah?" Mariin ang kagat ko sa aking labi. She's my best friend pero damn it, masakit yung sinabi nya.
Mas lalong lumungkot ang mga mata nya at mabilis binalikan ang bell pepper na ibinato.
"Sab please..." Napabuntong hininga ako. "Mala-modelo ang mga babaeng umaaligid sa kanya. I need to cope up. Kailangan kong makasabay. You know how many girls are willing to die for him--"
"THEN HE DOESN'T NEED YOU!" napatalon ako dahil sa sigaw ni Sab.
"What's going on there?" Istriktong tanong ng prof namin at nagtangkang lumapit.
"Ahh wala po Ma'am! Nagrerehearse po kasi kami ng lines para sa play prod. Mag aaudition sana kami ni Sab. Masyado lang syang na carried away." Ngisi ni Josh at agad ni-nudge ang balikat ni Ezi.
"Ahh, yeah. Ano nga bang line ko dun? Nakalimutan ko." Nagtawanan ang mga blockmates namin dahil kay Ezi.
"Intindihin nyo yang niluluto nya hindi kung ano anong pinagkakaabalahan sa klase ko!" Badtrip si Ma'am. Pero mas badtrip si Sab. Ni hindi sya kumibo nung magbunganga ang teacher namin.
Pinisil ko ang mga daliri ko at muling bumulong ka Sab.
"Kailangan kong gawin to. Please naman. Support mo lang ang hinihingi ko." Naiintindihan ko ang galit ni Sab. Ayaw nyang masaktan ako kay Keigo. Pero, hindi nya kasi naiintindihan....
"No. I won't support something as stupid as that. Isa pa, may girlfriend yong tao, back off ka na lang." Malamig pa rin ang tingin nya sa akin.
Nalungkot ako sa sinabi nya. Alam ko naman na may girlfriend sya.
"Sab, hindi naman seryoso si Keigo kay Erza! May flings pa rin sya kahit na mag on sila. He's never serious with her."
Hinugasan ni Sab ang ginamit na kutsilyo at sarkastikong ngumisi sakin.
"Naririnig mo ba ang sarili mo Caileigh Ardiza? Sa loob ng tatlong taon na pag subaybay natin sa hapon na yun, alam nating lahat na marami syang flings, pero kahit kelan, wala syang pinakilalang girlfriend, si Erza lang. True, may fling pa rin sya pero hiniwalayan ba nya si Erza? Hindi diba? And Erza seems cool with it. Alam mo kung bakit? Kasi feeling ko, alam ni Erza na kahit anong mangyari, kahit paano kadaming flings pa yan, si Atobe ay sa kanya pa rin ang bagsak. Comprender?"
"Wow, Spanish!" Singit ng nakangising si Ezi na tila nagulat at agad bumalik sa ginagawang sauce.
Tila nagulat din si Sab at agad tumulong kay Josh sa pag cocoat ng fish fillet.
Lalong tumabang ang nararamdaman ko dahil sa mga sinabi nya. Natahimik ako sa isang tabi habang pinipisil ang mga daliri.
"Yan ba ang sinasabi sayo ni Erza tuwing magkasama kayo?" Umiwas ako ng tingin nuong nilingon nya ako na tila inis.
"You're not going to tell me that I'm taking sides, right Cai? But then yeah, maybe I am." Na paatras ako dahil biglang sumugod sakin si Sab habang dinuduro ang dibdib ko.
"I'm taking Erza's side. Kasi sa mga pinaplano mo, sya yung dehado! God, Caileigh! I know Erza's a b***h but you're worse! Aalis ka para agawin si Atobe? You're better than that, Caileigh..."
Nilingon si Sab si Ezi na hawak ang kaliwang braso nya.
"Tama na yan, nahahalata na kayo oh." Bulong nito at saka ko lang napansin na nakukuha na pala namin ang atensyon ng mga blockmates namin. Buti na lang at busy si Ma'am sa kanyang iPad.
Akala ko ay tapos na ang pangaral sakin ni Sab pero nung nakaupo ulit sya sa monoblock ay galit nya akong nilingon.
"Stupid Caileigh." Nanginig ang labi ko at naramdaman kong nag iinit ang sulok ng mga mata ko. She's harsh. Harsh din naman ako sa kanya minsan pero hindi ko talaga matanggap na hindi nya ako kayang suportahan sa gusto ko.
"Wala ka kasing alam Savannah. Wala kang alam." Bumagsak ang luha ko. Agad akong tumakbo palabas ng kitchen. Narinig ko pa ang eskandalosang sigaw ni Ma'am ngunit di ako tumigil.
I'm not doing this for him, Sab! I'm doing this for myself. Mahirap bang intindihin yun?
Sab's POV
Nanginginig pa rin ang mga kalamnan ko dahil sa sobrang pagkainis kay Caileigh.
I can't believe her! Sya pa ang nag walk out? Kung hindi lang talaga masakit ang sugat ko, kung hindi lang comedy dahil kailangan ko pang hilahin ang wheelchair ko, at kung hindi lang sayang ang sweet and sour fish fillet na maiuuwi ko para kay Auntie mamaya, ako talaga ang magwo-walk out!
Inayos ko ang pagkakaupo ko sa bench dito sa garden malapit sa CAKO building. Buti na lang at nag magandang loob si Ezi at Josh na itulak ang wheelchair ko papunta dito. Wala na kasi akong klase samantalang may klase pa sila, mga irregular kasi.
Seriously? Si Atobe ba talaga ang dahilan ng kagustuhan nyang magparetoke? That asshole!Alam na alam nya talaga kung paano ako bwisitin kahit wala syang ginagawa!
"Bakit hindi sumabay yung mataba mong friend satin?" Tanong sakin ni Erza na kasalukuyang tinutulak ang wheelchair ko papunta sa kitchen ng CAKO.
Mabilis na tumaas ang kilay ko.
"Sino? Si Caileigh?" Tanong ko. Napansin ko nga din na mula nung hinahatid ako ni Erza from room to room ay hindi sumasabay si Caileigh.
"Probably because I'm Kei's girlfriend. Sya yung pinagkakatuwaan ng mga friends namin ni Kei eh. Yung mataba daw na inlove na inlove kay Kei." Kaswal na sabi ni Erza.
Mabilis ko syang nilingon. Ang lakas ng boses nya! Mamaya, marinig sya ni kalaycai, mahuhurt yun!
"Shhhh!" Nanlaki ang mga mata ko sa kanya.
Umirap naman ito sa akin.
"What? Maraming girls ang attracted sa boyfriend ko. Baka nga isa ka sa mga yun, mapagpanggap ka lang."
Halos masuka ako sa sinabi nya. Eew hah!
"Regarding your friend, one time, nahuli ko sya na titig na titig kay Kei. It's not impossible na ipa overhaul nya ang sarili nya para lang mapansin nito." Halakhak nito.
Imbis na mainis ay natigilan ako sa sinabi nya. Maaaring tama sya. Si hapon ang dahilan ng kagustuhan ni Caileigh na magparetoke!
Dahil dun ay nagtuos kami ni Caileigh. Nakakainis kasi tama nga si Erza! Si hapon nga ang dahilan.
"Wala ka kasing alam, Savannah! Wala kang alam!" Sigaw ni Caileigh at mabilis tumakbo. Natabig pa nito ang putaheng inihahanda ng group 1. Kumalat iyon sa sahig at tila langgam na at basahan ang makikinabang.
"Punyeta yung si tabachingching oh!" Mura ng mga miyembro ng group 1.
Sobra talaga akong naiinis kay Caileigh pero somehow, naiintindihan ko sya. Wala naman kasi ako sa sapatos nya kaya hindi ko alam ang nararamdaman nya.
Busy ako pag iisip kung paano kami magkaaayos ni Caileigh ng mahuli ng paningin ko ang mala vegeta na buhok, maliwanag na mata at nakakabwisit na ngisi sa mga labi.
"Tragis, dami dami ko pwedeng makita aso pa." Bulong ko. Tila hindi naman ako napansin ni hapon dahil dire-diretso ito.
Nakairap ako sa kawalan. Maya Maya pa ay nakita kong palingon lingon sa paligid si Natasha habang maingat na naglalakad sa daan na tinahak ni Atobe.
Aba, aba! San kayo pupunta? Sa music room? Anong gagawin nyo don? Maggigitarahan?
Mga ulupong na to. Maitext kaya si Erza? Hmmm...