Chase 8 (Distracting lips)

2682 Words
Isang linggo na ang lumipas at hindi na ulit pumasok pa si Caileigh. Ilang beses ko ng sinubukang tawagan ang numero nya ngunit laging out of reach ang linya nya. Hindi ko dapat iyon masyadong dibdibin ngunit nag aalala talaga ako. Tulala akong nakaupo sa garden ng biglang pumalakpak sa harap ng mukha ko si Erza na nakataas ang kilay. Medyo natauhan ako at agad inayos ang sarili. "Bimbo, mukhang problemado ka ah?" Ngisi nito sa akin bago pinagkrus ang binti matapos tumabi sakin sa Bench na inuupuan. 1 week na wala si Caileigh at halos 2 weeks ko nang nakakasama si Erza. Siguro mga ilang araw pa at hindi ko na kakailanganin ang tulong nya. So far, nag improve naman ang pakikitungo namin sa isa't isa. "Si Caileigh kasi." Nakatitig ako sa kulay abo nitong mga mata. Nitong mga nakaraan ay napansin kong ako na madalas ang kasama nya. Well, oo nga at kailangan dahil sa utos ng daddy nya pero nung unang linggo naman ay sumasama pa sya sa aso nyang si Natasha, pero mula nung nagkasagutan sila dito sa garden ay hindi ko na sila muli pang nakita na magkasama. "Caileigh?" Kumunot ang makinis nitong noo. "Yung friend mong mataba?" Nagbuntong hininga ako. "One week na syang di pumapasok. Di ko naman sya makontak. Wala sya sa bahay nila sa San Jose. I'm afraid dun sya umuwi sa ancestral house nila sa Calamba." "Uhhmm..have you tried asking the teachers?" Tanong sakin ni Erza na nakapagpalingon sa akin. Oo nga no? Sometimes, ang bobo ko talaga. "Oh, girls talk?" Bungad ng isang pamilyar na boses. I dared myself not to look his way dahil alam kong mabubwisit lang ako. Pinigilan ko ang pagtaas ng kilay nang lumapit ito sa pwesto ko upang humalik sa katabi kong si Erza. Bago pa lumapat ang labi ni Atobe sa pisngi ni Erza ay mabilis na akong nag iwas ng tingin na ikinahalakhak ng dalawa pang lalaki na kasama ni Atobe. "Hi!" They greeted in unison habang may nakapaskil na ngisi sa mga labi. "Estrellado twins." I mumbled. Tumawa si Erza at Atobe dahil sa ewan ko kung ano. "Diba nakilala mo na kami sa ospital?" Tanong nung lalaki na may dimple. Hindi ko ipinahalata na hindi ko natandaan ang mga pangalan nila. All I remembered is that their names rhyme with number six. "Uhh, yeah...Caltrix and Matrix, right?" Hininaan ko ang bulong ko at agad iyong dinugtungan ng tawa para hindi mahalata ngunit natakpan ng OA na halakhak ni Atobe ang tawa ko. Natigilan ang tawa ko kaya naman nilingon ko ito at inirapan. Nahagip din ng tingin ko si Erza na nakanguso at nagpipigil ng tawa. Nadatnan ng tingin ko yung lalaking magulo ang buhok na nakatingin kay Erza bago laglag ang panga na muling napatitig sa akin. What? "I don't know why but I feel really offended woman." Tila hindi  makapaniwalang sabi ni dimple. "Fucker. Ba't di mo aminin na first time mo maencounter ang babaeng limot ang pangalan mo?" Hagalpak ni Atobe na sinundan ni Erza. Mabilis na nag init ang pisngi ko at kagat labing tiningnan ang kambal. "Haaaay nako!" Mas lalong ginulo nung lalaki ang buhok nya bago nakangising naglahad sakin ng kamay. Hindi ko na masyadong iniinda ang sugat ko kaya naman tumayo ako upang makabawi sa pagkapahiya. "Callix Estrellado. Ako yung mas gwapo kaysa kay Altrix, my asshole of a twin brother." Napangisi ako at mabilis na tinaggap ang kamay nya. "Fucker!" Tawa ni Altrix at sinapak ang kakambal na kashake hands ko. "Savannah. Sab na lang." nakipag kamay din ako kay Altrix na sobrang lalim ng dimple. Magkamukhang magkamukha sila, it's just that mas rugged si Callix samantalang mas mahinahon namang manamit si Altrix, isama pa ang dimple nito sa kaliwang pisngi na nagpadagdag sa jolly aura nito. Pero yung kabuuan nila? Sheez, kambal na kambal talaga. "Sabrina nang Sabrina tong si Keigo, Savannah naman pala ang pangalan mo." Sambit ni Callix na kasalukuyang umuupo sa tapat ng bench namin ni Erza. Tumabi si Altrix duon samantalang si Atobe ay nakatayo sa gilid ni Erza habang nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay. Nang balingan ko ito ay nadatnan kong nakatingin ito sa akin with an amused grin. Agad ko syang inirapan. "By the way guys, tanda nyo ba yung matabang girl na friend nitong si Sab?" Biglang tanong ni Erza sabay hawi sa makintab at itim na itim nitong buhok. Sumipol si Altrix at tumawa naman si Callix. "Caileigh Ardiza?" Kunot noong tanong ni Atobe. Napatunganga ako sa kanya. Wtf? Kilala nya si Cai? Kung nandito lang yun ay baka mamatay yun sa kilig dahil alam ni Atobe ang name nya, may apelyido pa! "Kilala mo sya?" Napaawang ang labi ko. "Ardiza Clan. Stockholder sila sa  Cyprus Hotel." Kunot noo pa rin nitong sagot na para bang napakabobo ko dahil hindi ko yun alam. "Sya yung mataba na patay na patay sayo diba Kei?" Tanong ni Callix, walang bakas ng tuwa ang mukha. "Sya pala yun? Ang ganda ng mukha nun ano? Pag pumayat yun, ang dami nung lalaking paiiyakin." Seryosong sabi ni Altrix. Lito akong nagpalipat lipat ng tingin sa kanila. Biglang sinalubong ni Erza ang titig ko. "They don't make fun of someone like Caileigh. Si Tash at ang iba ko pang friends ang pinagtatawanan si Caileigh. That's because they're thinking that Kei's not going to notice her. Little did they know that he knew her. Matagal na." Saka lang nag sink in sa akin ang lahat. Oo nga naman. Nasa alta sosyedad ang pamilya ni Caileigh, hindi sila basta basta. And I always know that people who belong in their circle are  suckers for their kind. "What about her by the way?" Matigas ang ingles nito kaya muling napalipat sa kanya ang tingin ko. Tulad ng madalas ay mala-vegeta ang tusok tusok nitong kulay kapeng buhok. Tama lang ang kapal ng kilay nya na pinaiibabawan ang kanyang mata na kulay tsokolate. This guy has a really good set of eyes. Malalim iyon at napalilibutan ng malalantik at mahahabang pilikmata. His eyes are even better than mine! Next is his nose. Matangos iyon na tila hinugis ng isang napakagaling na iskultor. Dumako ang paningin ko sa sa labi nyang laging nakangiti. Totoo, sarap sanang basagin ng labi nya pero aaminin kong maganda rin ang labi nya. Mamula mula iyon at tila laging nag iimbita na mahalikan. Nahimasmasan ako nung marinig ko ang pilyong hagikgik ni  Callix habang nakatingin sakin. "Uhh, h-hindi ko kasi sya makontak. One week na syang hindi pumapasok." Mahinahon kong sabi kahit na tila sasabog yata ang mukha ko dahil sa sobrang init ng mga pisngi ko. Really Sab? Di ka lang tumitig, dinescribe at pinuri mo pa! "Is that so?" Tanong ni Atobe na nakakunot ang noo, di tulad nung kambal na parehas may nakakalokong ngiti. I calmed my nerves and then nod with my resting b***h face. Ngumisi ito bago dumukot ng kung ano sa bulsa. Saka ko lang nalaman na cellphone iyon nang magsimula syang magdial. "He and his resources." Ngisi sakin ni Altrix. Imbis na ngisian sya pabalik ay tumingin ako kay Erza na blangko ang titig sa akin. Tumaas ang kilay ko na ginantihan nya rin ng irap. "I want you to check Caileigh Ardiza's current status." Muling nakuha ni Atobe ang atensyon ko. May paraan sa pag iingles nya ang nakahihila ng atensyon, at hindi nakakatuwa na pati ako ay isa sa nagbibigay ng atensyon sa kanya. "Anong status ba yan? f*******: status?" Hagalpak ni Altrix. "Baka naman single?" Segunda ni Callix sabay tawa. Mabilis na lumipad sa ere ang dirty finger ni Atobe habang nakangisi. Nasa akin ang mga mata nito habang nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Erza's busy laughing with the 2 idiots. "Did she tell the reason why?" Tanong ni Atobe sa kausap. Kumunot ang noo ko. Madalas, I find guys gay whenever they are speaking english. Ewan ko kung bakit parang exception sya. He speaks the damn language like he owns it! "Okay." Sambit nito bago pinutol ang linya. Mabilis kong itinutok sa kanya ang focal point ko, sa peripheral vision ko kasi sya tinitingnan kanina. I find it weird kung makikipagtitigan ako sa kanya. "She dropped out last Tuesday. She's gonna be flying to US." Kibit balikat nito bago sumulyap sa silver na wristwatch. "Oh, she's in US already. Kakalanding lang siguro ng plane na sinakyan nya." Balewala itong naglipat ng tingin kay Erza na tumatango at nagkibit balikat din. Sinulyapan ko ang kambal na tila wala ring pakealam. Ah, ako nga lang pala ang kaibigan ni Caileigh, so ako lang yung malulungkot? Sabagay galit nga pala sya sakin dahil nagkasagutan kami last time pero sobra naman yata yung biglaan nyang pag Alis. Ni hindi sya nagpaalam man lang sakin. Wala man lang "hoy, Alis na ako!" Hindi ko alam kung anong nag udyok sakin na tumayo at hilahin ang braso ni Atobe nang nagkayayaan ng umalis ang tatlo. Tumama sakin ang blangkong titig ni Erza at mapanuksong tingin ng kambal. Samantalang si Atobe ay nakakunot ang noo sakin. Nagulat ako nung tila nabigla ito at mabilis na kinalas ang pagkakahawak ko. "What?" Angil nito. Galit? "Uhmm.." Pinisil ko ang mga daliri ko. s**t! Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. "Ano sabi?" Angil ulit nito sa akin. Diyos ko! Hindi ko yata ito kaya. Hihingi ba talaga ako ng pabor sa manyak na ito? "Tsss!" Mabilis itong tumalikod sakin. Agad akong nagpanik at hinila ang suot nyang polo. Inis itong lumingon sakin. "Sab?" Tanong ni Erza na lumapit na pala sakin. Narinig ko na naman ang hagikgik nung kambal kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Bitawan mo nga ang polo ko?" Taas kilay na utos sa akin ni Atobe. Naiinis ako sa kayabangan nya! Pero kailangan kong makisuyo sa kanya! Huminga ako ng malalim. It's now or never! "P-Pwede mo bang medyo g-gabayan si Caileigh habang nasa US sya?" Utal kong tanong. Alam kong sobrang namumula ang pisngi ko sa labis na pagkapahiya! "Gabayan? What the f*****g f**k?" Utas ni Atobe habang gusot ang noo. Agad humagalpak ang kambal. Maging si Erza ay medyo Napangisi sa mura ni Atobe. "I mean bantayan! Baka kasi anong mangyari sa kanya sa US. Medyo tanga pa naman yun." Lalong humagalpak ang kambal sa sinabi ko. Binalingan ko si Erza na ngayon ay tila kinakalma na ang badtrip na si Atobe. Bakit ba sya nababadtrip? "Are you seriously asking me that like I'm her f*****g nanny?" Walang bakas ng biro ang tono nito. Pero hindi naman ganun ang punto ko! I mean, he's got the resources while I don't! Kahit hindi na nya ako i-update basta maayos ang lagay ni Caileigh. Nag aalala ako para sa plano nyang ibinunyag sa akin. "You know what? It takes more than that stupid mouth of yours to make me do your request. Badtrip ka." Halos sigawan ako nito. Ako naman ngayon ang nakakunot ang noo. Ano nga ulit ang sinabi nya? Iniinsulto nya ba ang isang Savannah Montefalcon? "Ooooooh, is that so?" Taas kilay kong tanong. Lipas na ang pamumula ng mga pisngi ko. Nakalimutan kong hindi dapat ako nahihiya sa harap nya kasi walanghiya naman sya. Mabilis kong hinablot ang braso ni Erza. Napanganga ito bago litong tumingin sa akin. "You know what Erza? Tara na lang sa music room, tutugtugan kita ng isang piece na natutunan ko last week, entitled "PEPSI!"" Talagang diniinan ko ang pagkakasabi sa PEPSI. Parang joke sa akin ang unti unting pagkabura ng kunot noo ni Atobe at ang biglang pag awang ng mga labi nya. That's why you don't mess with a Montefalcon! "W-w-what?" He stammered. Damn yeah! The big boss is stammering! Good job Sab! Inirapan ko sya. "Tara na Erza." Ngisi ko habang nagdiriwang ang kalooban. Hindi pa kami nakakadalwang hakbang ay mabilis akong kinaladkad ni Atobe palayo sa tatlo, leaving them with a puzzled look. Tumigil kami sa likod ng isang pine tree. Sumulyap ako sa benda sa binti ko, buti na lang at hindi iyon dumugo. Mabilis akong tumunghay sa frustrated at seryosong mukha ni Atobe. "Don't you f*****g tell her about it!" He hissed. Tinaasan ko sya ng kilay. "Keep an eye on Caileigh then!" Singhal ko pabalik. Sa totoo lang, kasalanan nya naman ito eh! Napatampal ito sa noo at lalong naging frustrated ang itsura. I hate to admit it but he looks really gorgeous right now. "Why do you want me to keep an eye on her so bad?" I can't take the intensity of his piercing eyes so I shifted my gaze on his eyebrows. Tama yan, kakausapin ko yang kilay mo. "The same way you want me to keep the thing about you and Tash from Erza." I don't want her to get hurt too, idiot! Biglang kumunot ang noo ko. Bigla akong nagkalakas loob makipag eye to eye contact sa kanya. "It puzzles me though." Bulong ko. He mirrored my expression. "What is?" "Why are you cheating? Why don't you just leave the girl if you doesn't want to hurt her with your...uhh...escapades." Tila ako pinanlamigan dahil unti unting naging blangko ang ekspresyon nya. "You, don't stick your nose to where it does not belong." Sa sobrang blank nyang mukha nya ay kinabahan ako. Oo nga at wala akong alam pero mali ang ginagawa nya! "Oh? The more the merrier ba ang motto mo? Jerk!" Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. "How would you feel if you suddenly know that Erza is doing the same thing behind your back?" Keigo's POV Tumabang ang pakiramdam ko dahil sa tanong sa akin ni Savannah. Her expression was fierce like she fears no one, like she can tear me from limb to limb with one wrong move from me. "But don't worry, she's not. She's not that type of girl. Erza is sometimes a b***h but unlike Tash, she's not a slut." I have to agree. Galit dapat ako. Dapat akong mainis sa pakikialam nya pero sobra akong nadiditract sa galaw ng manipis at kulay pink nyang mga labi. It's inviting. I licked my lips that suddenly felt dry. Natigilan ito saglit ngunit muling nagpatuloy sa sinasabi. "Now, Atobe, I know you love the girl. Kaya mabuti pa tigilan mo na ang mga kagaguhan mo. Kadiri ah? Napagkamalan ko pa kayong multo ni Natasha. Tsk! Sayang nga eh! Hindi ko navideohan!" I shifted my gaze to her chinky hazel eyes but her lips are really distracting! Tila hinihila nuon ang mga mata ko na tila ba kailangan ko iyong pagtuunan ng pansin. Bigla itong pumitik sa harap ng mukha ko habang nakaawang ang mga labi. s**t! Parang hindi ko kayang titiisin na hayaan lamang iyong nakaawang.  "Hoy! Ano?! M na M ka na naman?!" Galit nitong singhal sakin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "M na M?" Lito kong tanong. What the f**k is M na M? Machong macho? Mayamang mayaman? "Manyak na manyak, letse!" Sigaw nito at mabilis akong sinapak. The nerve of this girl! Nairita ako at hindi ko iyon itinago. "Hindi kita type. Babae ang naghahabol sakin at hindi kita para pag aksayahan ng oras." Tila na offend ito sa sinabi ko, umalon ang dibdib nito sa sobra yatang inis sa akin. Nginisian ko sya. "Asshole! Hindi rin kita type no? I'd rather die a virgin kesa pumatol sa aswang na katulad mo!" It's my time na ma offend sa sinabi nya. Ako ba yung tinawag nyang aswang? What the hell? "Wag kang umasa na gagawin ko ang pabor mo regarding Caileigh." Banta ko sa kanya sa labis na pagkainis. Inaasahan kong biglang mabibigo ang expression nya but instead, ngumisi sya sakin at pinagtaasan pa ako ng kilay. "Oh trust me, you would." Ngisi nito. Kinunutan ko sya ng noo. "Masarap tumambay sa music room habang umiinom ng PEPSI with your beloved girlfriend." Ang mga labi nyang halos sambahin ko na kanina ay gumuhit ng malademonyong ngisi. Damn! Hawak nya ako sa leeg! f**k it! Umalingawngaw sa tenga ko ang mala bruha nyang tawa. Makakabawi rin ako sayo, Savannah Montefalcon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD