bc

Intention

book_age18+
279
FOLLOW
1.0K
READ
confident
comedy
twisted
bxg
office/work place
enimies to lovers
secrets
wife
husband
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Si Chester Kendric Canaleja ay ang panganay na anak ni Senator Arnaldo Canaleja. Sa tatlong anak ng Senator ay ito lamang ay may ayaw sa media, ayaw nito ng pinagkakaguluhan siya at ayaw rin nito na maraming camera nakapalibot sa kaniya. Gusto niya ay simple lang at tahimik na buhay. Subalit hindi niya rin naiiwasan iyon minsan dahil na rin sa apilyedo niyang dala-dala.

Si Liliana Heart Estrada, isang babaing reporter, gagawin ang lahat para sa trabaho niya. Kahit na gaano kadelikado ang kaniyang assignment ay maayos niyang ginagawa pa rin iyon. Hanggang sa na-assign sa kaniya si Chester ang taong ayaw sa media. Naging sobrang challenging ito dahil sa sobrang hirap nitong ma-interview. Sa kakahabol niya rito may mga pangyayaring naganap at iyon ay isang araw si Chester na ang unang lumapit sa kaniya upang ibalita sa kaniya na kasal na silang dalawa.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Chester Kendric Canaleja." Pagbasa ko sa folder na binigay sa akin ng boss ko. Binuksan ko ang folder at binasa ang laman noon. Siya ang bago kong assignment, sa akin siya binigay ng boss ko. Sa pagkakaalam ko ay ma-ilap siya sa media, ayaw niya sa camera hindi gaya ng mga kapatid niya na mga sanay sa camera. "Hoy, bagong assignment mo?" tanong ni Shane sa akin na nasa likod ko na pala at nakikibasa sa binabasa ko. Agad ko naman sinara ang folder at tiningnan siya. "Ikaw, ano assignment mo?" tanong ko sa kaniya. "Doon pa rin ako sa kaso noong pinatay na babae, hindi pa rin kasi tapos iyong kaso," sagot niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya. "Makikipagpalit sana ako, kaso parang malabo mangyari na iyon baka mapagalitan din tayo ni Boss." Malungkot na pahayag ko. "'Te, okay na iyan, ano ka ba suwerte ka na nga kasi si Chester Canaleja na iyan, nag-i-isang Canaleja na single, malay mo siya na rin ang sagot sa tuyo't malamig mong gabi," pabiro niyang sabi sa akin habang tumatawa siya. Pinangdilatan ko naman siya ng mata dahil maraming taong nakatingin sa amin. Nasa may hallway kasi kami at may mga ilang taong napapadaan doon. "Manahimik ka nga!" Suway ko sa kaniya. Tinawanan lang naman niya ako. "May chika ako sa iyo, alam ko kung nasaan ngayon si Chester," sabi niya sa akin habang tinataas baba niya ang dalawang kilay niya. Agad naman akong napatingin sa kaniya at ngumiti. "Nasaan? Bilis, baka mapilit ko siya at matapos agad itong work ko sa kaniya!" Excited kong sagot sa kaniya. "Nasa Lara's Restaurant," sagot niya sa akin. "Okay, salamat!" Mabilis kong sabi bago ako tumakbo papalayo sa kaniya. Narinig ko naman na tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Sa pagmamadali ko ay tanging nadala ko lang ay iyong bag ko at recorder ko. Tsaka na ako magtatawag ng camera man kapag pumayag na siya. Ang mahalaga ngayon ay ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. Pagkababa ko sa parking lot ay agad ako lumapit sa kotse ko at pumasok doon. Pagkasakay ko ay pinaandar ko agad ang kotse ko at si-net ang GPS papunta sa Lara's Restaurant. Hindi naman iyon kalayuan sa office namin pero kailangan ko magmadali dahil baka bigla itong umalis. Nang makarating na ako sa restaurant ay mabilis akong nag-park at kinuha ko agad ang bag ko at hinanda ko ang recorder ko. Pagkapasok ko sa loob ng restaurant ay nilibot ko agad ang mata ko sa loob ng restaurant pero wala akong nakitang Chester Canaleja kaya naman napakunot noo ako. May lumapit sa akin isang staff. "Good morning, Ma'am, may reservation po ba kayo?" tanong nito sa akin. "Nandito ba si Chester Canaleja?" tanong ko. Tiningnan ako ng babae. Ngumiti naman ako sa kaniya at inayos ko ang suot kong t-shirt. Naka-shirt at pants lang kasi ako. Mabuti't hindi ko nasuot ang ID ko. "Wait lang po," sagot nito sa akin bago ito lumapit doon sa may counter kung saan may mga list ng reservation. Mayamaya ay lumapit na ulit siya sa akin. "Nasa VIP 2 room po si Mr. Canaleja," sagot nito sa akin. "Saan iyon?" tanong ko sa kaniya. "This way, Ma'am," sagot niya sa akin bago siya na-unang maglakad. Sumunod naman ako sa kaniya. Pigil na mapangiti naman ako, mabuti na lang ay hindi ako pinagdudahan ng staff. Kahit naman simple lang ang suot ko ay mukha naman akong desente. Nang maka-akyat kami sa second floor ay puro mga private room ang nandoon. Nasa apat na kuwarto yata iyon. Tinuro sa akin ng kasama kong staff iyong VIP 2 bago ito umalis. Ngumiti naman ako sa kaniya. Nakangiti naman akong lumapit doon sa room. Nakasarado iyon, glass lang iyong buong room pero blurred iyon kaya wala rin akong makitang tao sa loob. Sakto naman ng makalapit na ako roon ay may mga lumabas ng tao. Napangiti naman ako at hinintay na makaalis iyong mga tao. Mga may edad na iyon at mga naka-corporate attire sila. Limang lalaki ang lumabas doon. Mukhang nasa loob pa si Chester kaya naman pumasok ako sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakatalikod at inaayos niya iyong gamit niya. Napangisi naman ako tapos ni-lock ko iyong pinto. Tumunog iyon sanhi na mapalingon siya sa akin. "Who are you?" "Hello, Mr. Canaleja," magalang kong bati sa kaniya. Nakangiti pa rin ako ng malaki sa kaniya, siya naman ay nakakunot noo lang. Tinitigan ko ang mukha niya at saglit akong natulala sa kaniya. He's so handsome! Kahawig niya si Crisler Canaleja pero mas guwapo siya. Makapal ang mga kilay niya, iyong mata niya ang ganda, kitang-kita ko ang kulay black na black na mata niya, iyong ilong niya mas matangos pa sa ilong ko, mapupula rin ang labi niya tapos iyong panga niya. Bagay na bagay sa kaniya iyon. Tapos sobrang linis niyang tingnan at mukhang mabango rin. Naka-corporate attire rin siya na sobrang nagdagdag sa kaguwapuhan niya. Kahit naka-kunot noo siya ay sobrang guwapo niya pa rin. "I'm Lily Estrada, your future wife!" Nakangiti kong sagot. Lalo naman siyang napa-kunot noo sa akin. Tumawa naman ako sa reaksyon niya. "Charot lang, mag-apply sana ako bilang kasambahay mo," pabiro kong ulit na sabi. "Wala akong panahon sa mga biro mo," masungit na sagot niya sa akin. Nawala naman ang ngiti ko at tinitigan ko siya ng seryoso. Lumapit ako sa kaniya at para naman nagulat siya at napa-atras pa siya. Napangisi naman ako sa kaniya. "Anong ginagawa mo?" Kabado niyang tanong sa akin nang makalapit na ako sa kaniya. Ngumiti ulit ako sa kaniya at hinawakan ko ang necktie niya tapos iyong isang kamay ko ay hinaplos ko naman sa balikat niya. Halata ko naman na sobra siyang kabado. Lumapit ako sa kaniya at bumulong sa tainga niya. "Puwede ko bang mahiram ka nang kaunting oras lang," mahina kong bulong. Naramdaman ko naman na nanigas siya kaya naman pigil naman akong matawa sa kaniya. "A-anong pinagsasabi mo?" Medyo kabadong tanong niya sa akin, parang pinapakita niya na hindi siya kabado pero masyado siyang obvious. "Pahiram ng kaunting oras, wala naman sigurong magagalit," seryosong sabi ko habang hinahimas-himas siya sa bandang dibdib niya. Naramdaman ko naman na lalo siyang natigilan. "L-lumayo ka nga!" Kabado niyang utos sa akin. Lumayo naman ako sa kaniya tapos doon ay tumawa ako nang tumawa. Mukha naman siyang na-irita sa akin. Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya. "Joke lang kasi, nakakatuwa ka kasi, according sa mga nababasa ko tungkol sa iyo ay masyado kang seryoso," medyo tumatawang sabi ko sa kaniya. Walang reaksyon na tiningnan naman niya ako. "Wala akong panahon sa mga biro mo, busy ako," masungit na sagot niya. "Kaunting time lang, sige na," pagmamakaawa ko sa kaniya. Tinitigan niya ako. At napansin ko na sobra ang pagtitig niya sa akin kaya naman ngumiti ako tapos inipit ko ang buhok ko sa ilalim ng tainga ko. "Ganda ko, ano?" tanong ko sa kaniya para roon naman siyang natauhan at iniwas ang tingin sa akin. "Hindi ka naman maganda," sagot niya. Bigla naman uminit ang ulo ko sa sinabi niya sa akin at pinangliitan ko siya ng mata. Nakita ko naman na parang na-aliw siya sa reaksyon ko sa kaniya, wala siyang ka-ngiti-ngiti pero halata sa mga mata niya ang pagka-aliw niya sa akin. "Hoy! Ang kapal mo, ang daming nabighani sa ganda kong ito tapos sasabihan mo akong pangit?!" Galit na turan ko sa kaniya. Nakita ko naman na para lalo siyang na-aliw sa akin, nakita ko rin na saglit siyang napangiti. "So, what do you want?" Seryosong tanong niya bigla sa akin. Inayos ko naman ang sarili ko tapos ngumiti sa kaniya. "I'm Lily Estrada from TNY Network, nandito ako para ma-interview ka sana," nakangiti kong sagot sa kaniya. Lalo naman sumeryoso ang mukha niya at tinitigan ulit ako. "No!" "Anong no?" Kunot noo kong tanong sa kaniya. "I don't have time for that," sagot niya sa akin bago mabilis niyang kinuha ang bag niya at nagmadaling lumabas ng silid, agad naman akong sumunod sa kaniya. Ang haba ng legs niya kaya naman halos takbuhin ko na siya para lang ma-abutan ko. "Hoy, sige na, kaunting time lang!" sagot ko sa kaniya. Hindi naman niya ako pinansin at deretso lang siya hanggang sa paglabas, nakasunod naman ako sa kaniya at mabilis kong kinuha ang recorder ko. Wala na akong pakialam kong tinitingnan ako ng mga tao dahil lang sa hinahabol ko ang isang Chester Canaleja. "Totoo bang tatakbo ka bilang City Mayor?" tanong ko sa kaniya habang pilit kong sinasabayan ang bawat hakbang niya kaso mas mahaba talaga mga legs niya sa akin kaya naman hirap na hirap akong mahabol siya. "No!" Mariin niyang sagot sa akin. "Weh? Sure ka?" tanong ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Wala akong time sa mga gaya mo kaya tigilan mo ako, huwag mo akong guguluhin dahil wala kang makukuhang sagot sa akin," seryosong sagot niya sa akin. "Isang taong isang sagot, tatakbo ka ba ngayong election?" Mariin naman siyang napapikit at inis akong tiningnan bago siya naglakad ulit halos tumakbo naman ako. Nang nasa tapat na siya ng kotse niya ay mabilis niyang binuksan iyon, ako naman ay mabilis na sumakay roon sa passenger seat at pumasok sa loob ng kotse niya. Pagkapasok ko sa loob ay tinapat ko agad ang recorder sa bibig niya tapos ngumiti ako. Hindi makapaniwala naman niya akong tiningnan. "Seriously?" Asar na tanong niya sa akin. "Seriously!" Nakangiti kong sagot. Tinitigan niya ako habang kinukuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pants niya. At nang makuha niya iyon ay may tinawagan siya. "Tatakbo ka ba ngayong eleksyon?" Pag-uulit kong tanong. "No! Lumabas ka na!" Inis na utos niya sa akin. "Sagot ka muna!" "Ganiyan ba talaga kayong mga reporter hindi titigil hangga't hindi nakakakuha ng sagot?" Inis na tanong niya sa akin. Namumula na ang mukha niya na mukhang sasabog na siya sa inis na nararamdaman niya. "Sagutin mo muna tanong ko tapos sasagutin ko tanong mo!" Hindi makapaniwala niya naman akong tiningnan. Kinuha niya ulit ang cellphone niya at may tinawagan doon. "Palabasin ninyo ito rito," utos niya sa kausap niya. Tinagilid ko naman kaunti ang ulo ko dahil sa sinabi niya sa akin. Mayamaya ay bumukas ang pinto sa passenger seat at may mga naka-uniform na kulay puti ang humila sa akin palabas ng kotse ni Chester Canaleja. "Hoy! Bitawan ninyo ako!" Pagpupumiglas kong utos. Tatlong lalaking malalaking katawan ang humila sa akin palabas ng kotse. May mga suot silang shades sa mata. Ano sila men in white? "Tandaan ninyo ang mukha na iyan, huwag ninyo hahayaan na makalapit sa akin iyan," utos ni Chester sa mga nakaputing lalaking may hawak sa akin. "Yes, Sir!" Sabay-sabay na sagot nito. Tumango naman si Chester bago niya itaas ang bintana ng kotse niya na kanina lang ay nakababa. Nagpumiglas ako ng magsimula nang gumalaw ang kotse ni Chester kaso mahigpit ang hawak sa akin ng mga bodyguards niya. "Bitaw!" Utos ko pero parang walang narinig sila. Binitawan lang nila ako ng makaalis na ang kotse ni Chester mabilis naman siyang sumakay sa isang kotse na katabi lang ng kotse ni Chester kanina at umalis na sila. Nakakainis naman. Nandoon na ako kanina, e! Ayon na iyon! "Hindi kita titigilan Chester Canaleja! Tandaan mo iyan!" Malakas kong sigaw na sanhi na maagaw ko ang atensyon ng mga taong nandoon sa parking lot. Mabilis akong sumakay sa kotse ko. Naiinis talaga ako! Tandaan mo Chester Canaleja, hindi talaga kita titigilan, itaga mo sa bato!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook