Chapter 1

1901 Words
"Anong chika, Lily?" tanong sa akin ni Shane. "Ang ilap ni Chester Canaleja, lalo akong na-cha-challenge!" Masaya kong balita sa kaniya. Napataas naman siya ng isang kilay sa akin. "Ikaw lang ang masaya dahil sa pagiging ma-ilap niya," sagot niya naman sa akin. "Masyadong pa-chicks siya pero ayos lang, kaya ko iyon, problema ko lang ngayon iyong mga bodyguard niya, mukhang tatandaan talaga mukha ko." Iyon ang iniisip ko ngayon, pero dahil ako si Lily ay kayang-kaya ko naman sila lusutan easy lang iyan sa taong gaya ko. Naniniwala rin ako sa kasabihan na huwag pilitin ang ayaw dahil baka pumayag. Kaunting push ko pa makukuha ko rin ang sagot ni Chester Canaleja. Nararamdaman ko na sasagutin niya rin mga tanong ko. "Goodluck sa iyo, Girl!" Pag-cheer up sa akin ni Shane. "Kaya ko ito!" sagot ko bago ko kunin ang cellphone ko sa bulsa ko. Kasalukuyang nasa may favorite coffee shop kami ngayon ni Shane, break time namin parehas kaya chilling muna kami. Pagka-open ko ng cellphone ko ay nag-search agad ako tungkol kay Chester Canaleja. Marami namang article ang lumabas tungkol sa kaniya kaso hindi ako satisfy kasi may mga kulang talaga, tapos iyong karamihan tungkol sa kaniya ay mga galing sa sagot ng kapatid niya at tatay niya kapag tinatanong ang mga ito tungkol sa kaniya. Wala akong mabasa na article na siya mismo ang na-interview kaya naman napangiti ako. Kapag nagkataon at napilit ko siya ay baka ma-award-an ako ng boss ko. At baka rin ako na ang maging news anchor every night. Pangarap ko iyon kaya naman gagawin ko ang lahat para ma-interview ang ma-ilap na Chester Canaleja. Sa kaka-search ko tungkol kay Chester Canaleja ay napunta ako sa isang page na tungkol naman kay Crisler, nandoon ang isang picture na binabati ang panganay na anak ni Crisler. One year old na ito ngayon. Napangiti naman ako dahil doon. Malamang ay simpleng pagdaraos lang ang gaganapin dito at baka sa bahay lang nila Crisler. Alam ko ang bahay nila dahil isa ako sa na-assign noong mainit na balitang ikakasal na si Crisler sa girlfriend nitong police woman. Lagi rin akong nakatambay sa labas ng bahay nila noon para kumuha ng lead. "Alis na ako!" Paalam ko kay Shane. "Saan punta?" tanong niya sa akin. "Makiki-birthday!" Masaya kong sagot bago ko kunin ang bag kong nakapatong sa may isang vacant chair. "Saan? Sama ako!" sigaw sa akin ni Shane, nang takbuhan ko siya. "Huwag na, liligawan ko pa si Chester Canaleja!" "Oh! Goodluck!" sigaw niya ulit sa akin. Tinaas ko lang ang kanang kamay ko at tumakbo palabas ng coffe shop. Agad akong pumunta sa kotse ko na naka-park lang at sumakay roon. "Humanda ka na Chester Canaleja, hindi talaga kita titigilan!" Nag-drive ako papunta sa subdivision kung nasaan nakatira sila Crisler Canaleja. Private subdivision iyon at hindi ka basta makakapasok doon pero dahil may kakilala ako ay madali akong makakapasok doon. May kaibigan kasi akong doon nakatira at binigyan niya ako ng pass para makapasok sa loob ng subdivision. Nang makapasok na ako sa loob ng subdivision ay dumeretso agad ako sa tapat ng bahay nila Crisler. Mula sa labas ay nakikita ko na may mga decorations sa loob. Napangiti naman ako habang nakatingin sa labas ng bahay nila Crisler. Lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ko si Chester na lumabas sa bagong dating na kotse. Pumasok siya sa loob kasabay ang mga bodyguard niya. Kailangan ko makapasok sa loob, ano kaya ang magandang gawin ko para makapasok ako? Magpakilala kaya akong girlfriend ni Chester? Maniniwala kaya sila? Natigil ang pag-iisip ko ng makita ko ang isang pamilyar na kotse. Bingo! Agad akong lumabas ng kotse ko at lumapit ako sa kararating na kotse lang. "Andra!" Sigaw ko sa babaing kabababa lang ng kotse. Si Andra ay college friend ko, hindi kami magkaklase noon pero iisang organization kami noon. And, close rin kaming dalawa. "Lily!" Nakangiti ito ng makita niya ako. "Invited ka?" tanong ko sa kaniya ng makalapit ako. "Yeah, how about you?" tanong niya sa akin. "Nah, pero kung isasama mo ako, invited na ako!" Masayang sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya sa akin. "Assignment?" tanong niya sa akin. "Yeah, pero promise behave ako, hindi rin ako maglalabas ng mga pictures or anything, need ko lang makausap si Chester Canaleja." Paliwanag ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya sa akin tapos ngumiti. "Let's go!" Pagyaya niya sa akin. Napatalon naman ako sa tuwa. "Oh my gosh! Thank you, Andra!" Masayang sagot ko sa kaniya. Ngumiti lang siya bilang sagot sa akin. Nang makapasok na kami sa loob ay ngiting-ngiti ako pero nawala ang ngiti ko ng makita ko ang mga bodyguard ni Chester. Agad akong tumago ng pasimple sa gilid ni Andra. Nang makalagpas na kami sa bodyguards ni Chester ay nakahinga ako ng maluwag. Agad na makalapit kami kay Ciara Canaleja na asawa ni Crisler ay bumeso si Andra rito, binati nito ang batang karga ni Ciara. "Hello, Pretty, happy birthday!" Masayang bati ko rin sa bata. Nakakunot noo ito sa akin at nakanguso. Nakikita ko sa kaniya si Chester kaya naman natawa ako. Ang lakas ng lahi ng Canaleja. "Friend ko, sinama ko lang siya, okay lang ba?" tanong ni Andra kay Ciara. "Okay lang naman, kain na muna kayo, hindi pa nakakapagsimula hinihintay kasi namin si Corrine." Paliwanag ni Ciara. Tumango naman kami. Nang hinatid kami sa table ni Ciara ay iniwan na niya kami roon. Ako naman ay nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Hinanap ng mata ko si Chester Canaleja at nang makita ko na siya ay napangiti ako. Kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa tatay niya sa may gilid habang may hawak itong glass of water. "Andra, lakad-lakad lang ako." Paalam ko kay Andra. Tumango naman siya sa akin. Pa-simple naman akong naglakad papunta kay Chester. Nag-uusap pa rin sila ng Daddy niya kaya naman tumigil ako sa paglalakad ng may kalapitan sa kanila. Sapat na para marinig ko ang pinag-uusapan nila. "Aasahan ko pagtakbo mo ngayon, Anak, alam mo naman na ikaw na lang ang ma-a-asahan ko rito dahil iyong dalawang kapatid mo iba ang gusto gawin," sabi ng tatay niya. Lalo ko naman nilinawan ang pandinig ko dahil sa mga narinig ko. Sa mga ganitong usapan talaga ay kailangan ko galingan sa pakikinig, sabi nga nila na pagiging Marites. Well, sa trabaho ko ay dapat magaling ka talaga sumagap ng mga chismis at dapat updated ka. "Yes, Dad," ma-ikling sagot ni Chester. Hindi ko naman mabosesan na parang napipilitan siya. Mukhang ayos lang sa kaniya. "Thank you, Anak," sabi ng Daddy niya sabay tapik sa balikat nito. Ilang saglit lang ay narinig naman na may umiiyak na bata kaya naman nalipat doon ang atensyon ni Senator Canaleja at lumapit doon sa apo niya. Na-iwan naman si Chester kaya naman time ko na para kulitin ulit siya. "Ehem!" Dahil sa pag-ehem ko ay na-agaw ko ang atensyon ni Chester. Napatingin naman siya sa akin. Saglit niya akong sinulyapan tapos inalis niya rin ang tingin niya. Ilang saglit ay binalik niya ang tingin sa akin na mukhang gulat na gulat siya. Matamis ko naman siyang nginitian. "Hello!" Masayang bati ko sa kaniya. "Paano ka nakapasok dito?" tanong niya sa akin. "Dumaan ako sa gate at sa pinto, ikaw paano ka nakapasok?" Pabiro kong tanong sa kaniya. Tiningnan naman niya ako ng masama. "Ang seryoso mo naman, mamaya seryosuhin din kita," sabi ko sabay kindat sa kaniya. Napa-awang naman ang labi niya sa sinabi ko sa kaniya. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Nakakatawa talaga siya pag-trip-an. "Paano ka nakapasok dito?" Pag-uulit niyang tanong sa akin. "Invited friend ko tapos sinama ako, malay ko ba na birthday ng pamangkin mo pala iyon," pa-inosente kong sagot sa kaniya. Tiningnan niya naman ako ng may pagdududa kaya naman ngumiti ulit ako sa kaniya. "So, tatakbo ka nga ngayong eleksyon?" tanong ko sa kaniya. "Hindi!" Mabilis na sagot niya. "Narinig ko Daddy mo kanina!" "Chismosa!" "I know right! Reporter ako kaya normal sa akin iyon," nakangiting sagot ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako ng masama. "Masama makinig sa usapan ng iba," kunot noong sabi niya sa akin. "Kasalanan ko bang may tainga ako at nakakarinig ako?" tanong ko sa kaniya. Namula naman ang mukha niya ulit, mukhang napikon ko na naman siya. "Look, wala akong time sa mga gaya mo, maraming gusto mag-interview sa akin pero hindi ko pinayagan, ayoko ng media, ayoko sa inyo!" Seryosong sabi niya sa akin. Hindi ko naman inalis ang ngiti ko sa kaniya. "Look din, trabaho ko lang din ito, tsaka tatakbo ka rin naman sa eleksyon, mag-expect ka na hindi lang ako ang hahabol sa iyo, but once na ma-interview na kita titigilan ka na nila, siguro baka ilan na lang magpumilit pero puwede mo na iwasan lahat kasi na-interview na kita." Paliwanag ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin na para bang tinatakot niya ako pero hindi naman ako natatakot sa kaniya sa halip at lumapit din ako sa kaniya at niliyad ko pa ang mga paa ko para makapantay ng mukha ko ang mukha niya. Pinanglalakihan ko siya ng mata habang nakatitig sa mga mata niya. "Tigilan mo ako!" Mariin niyang babala sa akin. "Ayoko!" Mariin ko ring sagot sa kaniya. Kaunting pilit ko na lang at alam ko ay mapipilit ko na talaga siya. Bibigay rin ito. Tiningnan niya ako ng masama, ako naman ay nginitian ko lang ulit siya. Para naman na-inis na talaga siya sa akin. "Kapag ikaw hindi mo ako tinigilan, makikita mo ang hinahanap mo!" Pagbabanta niya sa akin. "Willing ako," nakangiti kong sagot. Tiningnan niya naman ako na mukhang hindi siya makapaniwala sa akin. "Leave me alone!" "Then, sagutin mo mga tanong ko!" "Tatawagin ko bodyguard ko!" "Tumawag ka pa ng isang batalyong bodyguard, hindi pa rin kita titigilan, isaksak mo sa baga mo iyan!" Lalong namula ang mukha niya at lumalim ang paghinga niya. Lalo naman akong napangiti sa reaksyon niya. Nawala ang atensyon niya sa akin ng biglang nahimatay ang Mommy nila kaya naman mabilis siyang tumakbo papunta sa Mommy nila. Dahil likas sa akin ang pagiging chismosa ay lumapit ako roon para maka-chismis sa mga nangyayari. "Mommy!" Nag-aalalang sigaw ni Chester. "What happened?" tanong naman ng Daddy nila na pinapaypayan ang asawa nito. "Si Corrine, nawawala, na-kidnap!" Kunot noong balita ni Crisler Gulat ako sa narinig ko. Ang suwerte ko nga naman at nakasagap ako ng magandang balita. Araw ko yata talaga ngayon. Nang mapatingin ako kay Chester ay masama itong nakatingin sa akin. Nginisian ko naman siya. Nang maalalayan niya ang Mommy niya pa-upo sa isang upuan ay hinila niya ako palayo roon at tiningnan ako ng masama. "Kapag ito lumabas agad sa news ikaw ang sisisihin ko!" Inis na sabi niya sa akin. Bigla naman akong napaturo sa sarili ko. "Bakit ako? Ako lang ba ang nakarinig noon?" tanong ko. "Ikaw ang ang maaaring maglabas noon dahil trabaho mo iyon!" "Well, walang lalabas basta pumayag ka sa gusto ko, kahit limang tanong ang sagutin mo lang, okay na!" Nakangiti kong sagot. Tiningnan naman niya ako ng masama. "Okay!" Labas sa ilong na sagot niya, napapalakpak naman ako sa sagot niya sa akin. "Good, mag-set na tayo ng date!" Excited kong sagot sa kaniya. Labag sa loob na tumango naman siya sa akin. Sabi ko naman, hindi kita titigilan hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko sa iyo Chester Kendric Canaleja.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD