"So, next Tuesday puwede ka na ba?" tanong ko sa kaniya habang nakasunod ako sa kaniya. Kasalukuyan na papasok siya sa building kung nasaan ang office niya. Inabangan ko talaga siya para makausap ko. Lagi na lang hindi natutuloy ang usapan namin na ma-interview siya dahil sa mga schedule niya.
"No, may meeting ako maghapon noon," sagot niya sa akin habang deretso siyang naglalakad, ako naman ay halos takbuhin ko na siya.
"Tatlong beses mo na laging sinasabi iyan, kapag ito sa isang linggo hindi natuloy sinasabi ko sa iyo, magkakalat sa balita na nawawal-- ano ba!" Inis na sabi ko sa kaniya, paano kasi tinakpan niya iyong bibig ko gamit ang malaki niyang palad.
"Huwag kang maingay!" sabi niya habang pinangdidilatan ako.
"Tumupad ka sa usapan dahil kapag hindi, magsisi ka!" Pagbabanta ko sa kaniya.
"Oo na!"
"Good, mag-expect ako ng tawag mo," sabi ko sa kaniya. Kumuha ako ng calling card sa wallet ko at binigay ko sa kaniya iyon.
"Personal number ko nakalagay riyan kaya riyan mo ako tawagan!"
"Okay, you can go now!"
"See you!" Paalam ko sa kaniya. Tumango lang siya bago pumasok sa loob ng building. Nakangiti naman akong naglakad papunta sa kotse ko at nag-drive papunta sa office namin.
Pagkarating ko roon ay nakasalubong ko ang boss ko. Tiningnan naman ako nito kaya lumapit ako sa kaniya.
"Ano nang balita sa assignment mo?" tanong niya sa akin.
"By next week po ma-interview ko na po si Chester Canaleja!" Masayang balita ko sa boss ko.
"Good, aasahan ko iyan," seryosong sagot niya sa akin. Nakangiting tumango naman ako. Umalis na siya at ako naman ay pasipol-sipol na naglalakad. Good mood na ako ngayon dahil alam ko ma-interview ko na si Chester Canaleja. Hindi ko naman inaasahan na mabilis kong magagawa ang trabaho ko.
"So, what's the tea, sis?" tanong sa akin ni Shane nang makita niya ako na naka-upo sa table ko. Kapapasok niya lang din sa loob ng office namin mukhang galing siya sa assignment niya.
"So, ayon nga ma-interview ko na si Chester Canaleja," nakangiti kong balita sa kaniya. Napapalakpak naman siya sa akin.
"Kailan?"
"Mga next week siguro," sagot ko.
"Siguro? Hindi pa sure?"
"Sure na iyon kasi nga kapag hindi siya tumupad may isang malaking balita akong ilalabas," nakangisi kong sagot sa kaniya.
"Mas big pa sa balita tungkol sa kaniya?" Tanong sa akin ni Shane.
"Oo! Malamang pagkakaguluhan ang pamilya nila rito!"
"Whoa! Ano ba iyon? Pabulong naman ako!" Excited na tanong sa akin ni Shane.
"Secret muna, sa amin muna iyon ni Chester!"
"Huwag mong sabihin mag-jowa na kayo?" tanong niya sa akin.
"Baliw! Hindi, ano, mukha ngang pikon sa akin iyon kaya paano ako jo-jowain noon?"
"Bakit?"
"Pikon niya kasi, hindi mabiro," tumatawa kong sabi. Naalala ko kasi ang itsura niya kapag ina-asar ko siya. Tinawanan naman ako ni Shane at nagkuwentuhan na lang kami about sa assignment niya.
Mag-isang linggo na ang nakalipas pero wala pa ring tawag si Chester kaya naman nanggigil na ako. Hindi na ako nakatiis at inabangan ko na siya sa labas ng building kung saan siya nag-wo-work.
Matiyaga ko siyang hinihintay roon, nanggigil na ako sa kaniya ka-unti na lang talaga at sasabog na ako sa inis ko sa kaniya. Pinapaasa niya ba ako?
Nang makita ko siyang palabas na ng building ay mabilis akong lumabas sa kotse ko at tinakbo ko siya dahil pasakay na siya sa kotse niya. Bago masaraduhan ang pinto ng kotse niya ay mabilis akong pumasok doon at tumabi sa kaniya. Gulat naman siyang napatingin sa akin.
Pinangliitan ko siya ng mata dahil sa inis ko sa kaniya.
"Ano? Pumili ka? Interview o sasabog ang balita bukas na bukas din sa pagkawala ng kapatid mo?" Pagbabanta ko sa kaniya.
"Okay, ngayon na natin gawin iyon," buntong hininga niyang sagot sa akin.
"Good! Tara na," sabi ko sa kaniya. Kunot noo naman niya akong tiningnan.
"Hindi ka ba baba?" Tanong niya sa akin.
"Hindi, baka takasan mo ako," mabilis kong sagot sa kaniya.
"Okay," sagot niya. Tumango siya sa driver niya bago umandar ang kotse niya.
Napatingin naman ako sa kaniya na nakasandal siya sa may upuan ng kotse. Mukhang pagod siya sa work niya talaga. Nakapikit ang mga mata niya at naka-side view siya. Ang guwapo niya tuloy sa puwesto niya ngayon.
"Pagod ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Yeah," sagot niya sa akin. Napatango naman ako.
"Sobrang busy mo ba talaga?" Tanong ko ulit.
"Yeah, hindi na ako nakakapagpahinga dahil sa mga trabahong dapat kong tapusin," sagot niya ulit sa akin. Napatango naman ako. Nanahimik na lang ako dahil mukhang pagod na pagod talaga siya. Hinayaan ko na lang para naman mamaya ay masagot niya ng maayos ang mga tanong ko. Na-isulat ko na ang mga itatanong ko sa kaniya kaya naman excited na ako. Ito na talaga ang big break ko!
Nang makarating kami sa isang mataas na building ay napakunot noo ako. Hindi ito ang bahay nila, alam ko kung saan ang bahay nila at alam ko rin na sa isang private subdivision iyon.
"Hindi ito ang bahay ninyo," sabi ko sa katabi kong nakapikit pa rin ang mga mata.
"Condo ko ito," sagot niya sa akin.
"Dito ka ba nakatira na?" tanong ko.
"Hindi, kapag sobrang pagod ako ay rito ako dumederetso," sagot niya sa akin habang nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Tumango na lang ako kahit hindi niya ako nakikita. Nang makapag-park na ng kotse niya ay mabilis na binuksan ng isa sa mga bodyguard niya ang pinto ng kotse kung saan naka-puwesto si Chester. Napairap naman ako at kusa kong binuksan ang pinto kung nasaan ako.
Na-unang maglakad si Chester, ako naman ay nakasunod lang sa kaniya iyong tatlong bodyguard niya naman ay nasa likod lang namin.
Nang makasakay na kami sa elevator ay tahimik lang kami. Napatingin ako kay Chester at nakita ko na seryosong nakatayo lang siya habang deretso ang tingin, nasa dalawang bulsa niya ang dalawang kamay niya. Ang mga bodyguard naman niya nasa gilid namin. Iyong isa ay may hawak ng bag ni Chester. Habang nakatitig ako kay Chester ay hindi ko maiwasan ang humanga sa kaguwapuhan niya. Hindi talaga ma-ikaila ang itsura niya. Hindi ko rin masisi ang mga taong nababaliw sa kaniya.
"What?" Seryoso niyang tanong sa akin. Nakataas ang dalawang kilay niya sa akin. Napansin niya yata na nakatitig ako sa kaniya. Tumikhim ako at iniwas ang tingin ko sa kaniya.
"Tinitingnan ko repleksyon ko sa elevator," sagot ko sa kaniya. Saglit lang niya akong tinitigan bago umiwas ng tingin sa akin.
Nang huminto na ang pag-andar ng elevator ay na-unang lumabas ang mga bodyguard ni Chester bago siya lumabas, sumunod naman ako sa kaniya. Nakasunod lang ako sa kaniya dahil hindi ko naman alam kung saan ang unit niya.
Nang tumigil kami sa isang pintuan ay binuksan niya iyong pinto gamit ang key card niya.
Pinauna niya akong pumasok sa loob ng condo niya. Halos mapanganga naman ako sa ganda ng loob. Halatang panlalaki talaga ang unit niya dahil kulay black and white ang kulay na makikita mo lang roon. Simple lang din ang design ng loob. May mga ilang painting lang na nakasabit sa pader. Kompleto sa gamit sa unit niya. At halatang mamahalin din ang mga vase na nandoon sa loob. What if mabasag ko kaya ang isa sa mga vase niya magagalit kaya siya? Magkano kaya ang halaga noon?
"Gusto mo ng drinks?" tanong niya sa akin.
"Kahit hindi na, start na tayo," sagot ko naman sa kaniya. Saglit na tumango lang siya sa akin. Bago niya pinakuha sa bodyguard niya iyong bag niya. May kinuha siya roon tapos pinirmahan niya pagkatapos ay inabot niya sa akin iyon.
"Ano ito?" tanong ko.
"Contract, para kung sakaling sumira ka sa usapan puwede kita sampahan ng kaso," sagot niya sa akin.
"Tingin mo sa akin, hindi tumutupad sa usapan?" Kunot noong sagot ko sa kaniya. Nagkibit balikat naman siya.
"Hindi kita kilala at wala akong tiwala sa iyo, may pirma na iyan ng attorney kaya once na makapirma ka hindi ka na puwedeng umurong," sagot niya sa akin. Napataas naman ako ng isang kilay.
"'Di ba dapat parehas muna tayong may pirma bago sa attorney?" tanong ko sa kaniya. Ngumisi naman siya sa akin.
"I'm Chester Canaleja," kibit balikat na sagot niya sa akin. Inirapan ko lang siya tapos binasa ko iyong contract. Mga tungkol lang naman iyon na dapat limang question lang ang itatanong ko at sasagutin niya. Dapat tumupad ako sa usapan namin at dapat pagkatapos ng interview ko sa kaniya ay titigilan ko na siya at mas lalong hindi ko dapat ilabas sa balita na nawawala ang kapatid niya.
Mahaba pa ang mga nakasulat doon pero dahil parang mga chika niya na lang din naman iyon ay kinuha ko na iyong ballpen at pinirmahan ko iyon.
"Done! So, start na tayo!" Excited kong sabi.
Inabot niya sa akin ang isang copy ng contract at iyong sa kaniya ay tinago niya. Ngumisi naman siya sa akin. Nginisian ko rin naman siya. Akala niya, ha.
Nilabas ko ang recorder ko at pinindot ko ang start recording.
"So, Mister Canaleja, introduce yourself."
"I'm Chester Kendric Canaleja, 31 years old, eldest son of Senator Arnaldo Canaleja, businessman, single and I hate medias," seryosong sagot niya. Napangiti naman ako sa kaniya.
"So, Mister Canaleja, are you gay?" Mukha naman siyang nagulat sa tanong ko at tiningnan ako ng masama.
"No," inis na sagot niya sa akin.
"Sure ka?"
"No more questions, thank you, we're done," sagot niya sa akin bago siya tumayo sa pagkaka-upo.
"Anong tapos na? Dalawa pa lang tanong ko?" Mabilis na sagot ko sa kaniya.
"Tatlong beses mo na akong tinanong ng personal questions kanina," sagot niya sa akin. Napakunot noo naman ako sa kaniya. Ano bang pinagsasabi niya?
"Kailan?"
"Dalawang beses noong nasa kotse at isang beses noong nakarating tayo rito," nakangisi niyang sagot sa akin.
"What? Pero wala pa iyon? Hindi pa nga ako nakakapirma sa contract noon!" Sigaw ko sa kaniya. Ngumisi naman siya sa akin.
"Then read again the contract," nakangisi niyang sagot sa akin. Nanggigil naman akong kinuha ko ang contract. Sa bandang dulo nakalagay roon na lahat ng itatanong kong personal questions ay counted sa limang tanong ko.
"Madaya ka!" sigaw ko sa kaniya. Nanggigil ako. Ni-hindi ko nga na-itanong iyong pinaka-importanteng itatanong ko sa kaniya.
"Well, may contract tayo, kung iniisip mong maiisahan mo ako, nagkakamali ka," sagot niya bago niya ako talikuran. Sa inis ko sa kaniya ay mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at sakyan siya sa likod bago ko kagatin ang balikat niya. Nagsisigaw naman siya sa sakit. Mabilis naman akong inalis ng mga bodyguard niya sa likod niya.
"Ano ka pusa?" Inis na tanong niya sa akin.
"Oo at may rabies ako, mamamatay ka na," nanlilisik na matang sagot ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako ng masama.
"Ihatid na ninyo pa-uwi iyan," utos niya sa mga bodyguard niya.
"Bitawan ninyo ako! Bitaw!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga hawak sa akin. Dahil sa sobrang inis ko na rin ay nagamit ko na ang kaalaman ko sa martial arts at pinatumba ang mga bodyguard ni Chester. Mabilis akong lumapit sa kaniya na natulalang nakatingin sa akin. Agad ko siyang sinapak sa mukha niya kaya napahawak siya sa bandang mata niya. Mabilis naman akong hinawakan ng mga bodyguard niya at hinila palabas ng condo unit niya.
"Bitaw! Uuwi ako mag-isa!" Inis na sabi ko ng makalabas na kami ng condo ni Chester. Nang binatawan nila ako ay tiningnan ko sila ng masama.
"Humanda ka sa akin Canaleja!" Sigaw ko bago ko sipain ang pinto ng condo niya pero ending ako lang din ang nasaktan at naglakad ako na pa-ika-ika.
Humanda ka talaga sa akin Canaleja, sinisiguro ko pagsisihan mo ang araw na ito.