Ilang araw bago magtapos angtaon, natanggap na ni Melissa mula kay Belen ang sagot sa kanyang mga tanong. Tungkol ito sa kanilang inuupahang bahay. Nais niya kasing malaman ang katotohanan sa likod ng mga kababalaghan sa kanilang tinitirahan. Oo, paalis na sila dito. Pero, tila ba may nagtutulak sa kaniya para ungkatin ang kwento nito. Kwento na pilit itinatago sa kanila ng kanilang mga kapitbahay. Anuman ang marinig niya sa mga oras na yon, handa siyang unawain ang mga ito. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na ipagawa ang bagay na iyon kay Belen. Gusto niyang malaman ang lihim na tinatago nito. Sa isang fast food chain malapit sa kanilang pamilihan nag-usap si Belen at Melissa. Ayaw niya kasing may makaalamna ibang tao sa pamilihan sa ipinagawa niya kay Belen. Baka makarating pa

