CHAPTER 4: ACCIDENT

1312 Words
MHIARA CASTANIEDA'S POV "What is this?" tanong ko. Ang kaninang masaya at excited na mukha ni mama ay nawala dahil sa tanong ko. Mabilis siyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. Aligaga. Pinipilit ang sariling ngumiti habang naglalakad siya papalapit sa akin. "Anak--" "Why is he here?" muling tanong ko, at ngayon ay hindi ko na maitago ang matinding iritasyon sa aking boses. "Mhia..wag naman ganito," aniya sabay pisil ng balikat ko. "Gusto lang naman kayong dalawin ng papa niyo--" "He's not my father. Mula ng tinalikuran niya tayo ay hindi ko na siya kinilala bilang ama ko.." mariing sambit ko. Alam kong masasaktan si Mama sa sinabi ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong sabihin iyon. Sinadya kong sabihin lahat ng ito kasi gusto kong ipakita at iparamdam sa kanya kung ano ang ginawa niya sa akin! Kung ano ang epekto ng pagtalikod niya sa amin. "Hindi ko siya hinarap kanina ng magpunta siya sa kumpanya... at dahil doon ay nandito siya? para ano? para ipagpilitan ang sarili niya sa 'tin?!" Bahagyang tumaas ang aking boses. Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa magkahalo-halong emosyon na nararamdaman ko. Naiinis ako. Nagagalit ako. Nasasaktan ako at mas lalong nabu-bwis!t ako. Kasi hindi ko malaman kung anong klaseng mukha ang meron siya at gano'n na lamang kadali para sa kanyang bumalik na parang walang nangyari. "Mhiara, Anak..." pag-aalo sa akin ni Mama. Hinawakan niya ang kamay ko, pilit na pinapakalma. "Mag-usap kayo ng papa mo. Nandito siya upang himingi ng tawad sa ginawa niya noon. At masyado na iyong matagal anak. Pakiusap...kalimutan na natin iyon," sambit ni mama sa mababang boses. Mula sa harapan ay unti-unting bumaba ang tingin ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-angat ng sulok ng aking labi, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, matatawa o sisigaw dahil sa sinabi niya. "Ganun-ganun na lang 'yun, Ma?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hindi siya kaagad nakasagot. "Sinasabi niyo na kalimutan ko na lang iyong ginawa niya na parang gano'n lang iyon kadali?" dagdag ko. Tahimik. At doon ko naramdaman. Yung init sa gilid ng mga mata ko. Bahagya akong napakurap, ngunit hindi iyon nawala. At sa halip ay lalo lang lumabo ang paningin ko. I clenched my jaw. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak sa harap niya. “Mhiara, Anak---” tawag ni Mama, mas mahigpit na hinahawakan ang kamay ko. Pero bago pa niya tuluyang mahigpitan iyon ay umatras ako at inilayo sa kanya ang kamay ko. “Ilang taon lang ako no’n, Ma…” mahina pero nanginginig kong sambit. Lumunok ako. Pinilit kong pigilan ang boses ko na tuluyang mabasag. “Anim na taon..." Napatawa ako nang bahagya. Pero walang saya. “Anim na taon lang ako no’ng iniwan niya tayo.” Naramdaman ko ang pag-init ng lalamunan ko. Pero hindi ako tumigil. “Nagkasakit ka…” dagdag ko, pilit inaayos ang boses ko kahit pa ramdam ko na ang pagkapunit nito. “Hindi ka makabangon. Hindi ka makapagtrabaho.” Bahagya akong napapikit. Pero malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang lahat. Every single detail. “At ‘yung mga kapatid ko?” napatingin ako sa kanila sandali. Tahimik. Nakatingin lang sa amin. Walang makapagsalita. “Lima at tatlong taon lang sila no’n, Ma…” halos pabulong kong dagdag. Humigpit ang hawak ko sa kahon na dala ko. “Gutom na gutom sila. Wala tayong pambiling pagkain kasi wala tayong pera," Napangiwi ako. Pagkatapos niyon ay bumaling ako sa lalaking naging dahilan kung bakit ganito na lamang ka tindi ang puot sa dibdib ko. “Dahil lahat ng kinita mo sa palengke…” nanginginig kong sambit. “Kinukuha niya.” Bahagyang tumaas ang boses ko. Hindi ko na napigilan. “At saan niya dinadala?” tanong ko, kahit alam naman naming lahat ang sagot. “Doon sa babae niya.” Sa put*nginang babae niya!" Tahimik. Pero hindi sapat para pakalmahin ako. “Kinuha niya lahat sa’tin…” mas mariin kong dagdag. “Para ibigay sa iba, hinayaan niya tayong magutom..hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya at iniwan niya tayo, pinahiya sa maraming tao at ginawang basahan..." My chest rose and fell heavily. “Alam mo ba kung anong ginawa ko no’n, Ma?” tanong ko, pero hindi ko na hinintay ang sagot niya. “I learned how to survive.” My voice cracked. Pero hindi ako tumigil. “Natuto akong magpakatatag kahit na sobrang hina ng loob ko. Dahil ang tao na dapat tayong protektahan, ay siya pa ang nanakit sa atin nang sobra." My eyes burned. Pero hindi pa rin ako umiiyak. "Sinabi ko sa sarili ko na ipapakita ko sa kanya na kaya natin.. na kaya ko kayong buhayin kahit wala na siya tapos ngayon? babalik siya at tatanggapin niyo na naman siya na parang walang nangyari?!" asik ko. Bumuntong-hininga ako. Mabilis na pinunasan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. “So don’t tell me to forgive him, because I can't…” bahagya akong napailing. My gaze hardened. And small, bitter smile formed on my lips. I didn’t wait for a response. Mabilis akong tumalikod sa kanila at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. “Mhiara—Anak!” tawag ni Mama. Narinig ko. Malinaw. Pero hindi ako lumingon. Hindi ko kaya. Kung lilingon pa ako… baka mas lalo lang akong masaktan. Mabilis ang mga hakbang ko palabas ng bahay, halos hindi ko na maramdaman ang sahig sa ilalim ng paa ko. Ang bawat yabag ko parang tumatama diretsyo sa dibdib ko... mabigat, masakit. “Mhiara!” Mas malakas na tawag. Mas desperado. I clenched my jaw harder. Pero tuloy pa rin ako. Hanggang sa marating ko ang sasakyan ko. Binuksan ko ang pinto, halos pabagsak akong pumasok sa loob. I slammed it shut. And for a second, everything went silent. Just me. And my breathing. Shaky. Unsteady. Hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang luha sa aking mata. At hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na hikbing kumawala mula sa aking bibig. “Da*n it…” mahina kong mura, pero wala na ring saysay. My hands trembled as I gripped the steering wheel. I stared ahead, but I couldn’t see anything clearly. Everything blurred. Just like before. Just like back then. I started the engine. And without thinking... I stepped on the gas. The car roared to life as I sped away from the house. The sky growled above. At kasunod niyon ay bumagsak ang isang malakas na ulan. Para bang sinasabayan nito ang bigat at kaguluhang nararamdaman ko ngayon. The windshield blurred as heavy raindrops crashed against it, the wipers struggling to keep up. Pero hindi ako bumagal. I couldn’t. Hindi ko kayang huminto. Not when everything inside me was screaming. My tears kept falling. Hindi ko na pinigilan. Hindi ko na kayang pigilan. “After all these years… bakit ngayon pa?!” My vision blurred even more. Between the rain and my tears. I could barely see the road. Pero tuloy pa rin ako. Faster. And faster. Parang gusto kong takasan lahat. Parang kung bibilisan ko pa... baka maiwan ko lahat ng sakit sa likod. “Mhiara…” Mama’s voice echoed in my head. I clenched my eyes shut for a split second. Just a second. And that was enough. A bright light suddenly flashed in front of me. My eyes snapped open. “s**t—!” The sound of screeching tires pierced through the rain. My hands jerked the wheel. And I finally lost control. Everything around me... spun. Wala na akong ibang nakita...wala na akong ibang marinig kundi ang malakas na tunog ng pagbunggo ng metal sa matigas ng bagay. Agad kong naramdaman ang pag-agos ng mainit na likido sa kabila kong pisnge. I tried to move my body, but I found that I'm stuck. I laughed bitterly... I laughed and cry, bitterly. Until I lost my consciousness... TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD