CHAPTER 5

909 Words
MHIARA CASTANIEDA'S POV "Ma... h'wag na ho kayo masyadong mag-alala. Sinabi naman ng doctor na hindi gano'n kalala ang pinsala ng nangyaring aksidente..." "Kahit na! Limang-araw ng tulog ang kapatid mo! mula noong dinala siya rito sa ospital ay hindi pa rin siya nagigising!!" Iyon ang mga boses na naririnig ko nang unti-unting bumalik ang aking malay. Dahan-dahan ay nagmulat ako ng mata, at unang sumalubong sa akin ang maliwanag na ilaw sa ceiling. Bahagya kong iginalaw ang ulo ko at dahan-dahang bumaling sa pinanggalingan ng boses nina Mama. "M-Ma..." nahihirapang bigkas ko. At kitang-kita ko kung paanong sabay-sabay silang napalitingin sa akin. "Anak..." balik sa akin ni Mama, unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at kasunod niyon ay ang pagbagsak ng kanyang luha. Her face softened as if something heavy had finally been lifted off her chest. But before I could even process it... a sharp pain shot through my body. “Ah--” a weak sound escaped my lips as I tried to move. Everything hurt. My head. My arms. Even breathing felt… wrong. I tried to push myself up to sit, pero agad akong napahinto ng pinigilan ako ni Mama. “Mhiara, huwag!” mabilis na sambit ni Mama habang hinawakan niya ang balikat ko, marahang pinipigilan ang paggalaw ko. Her grip wasn’t strong. But it was enough. Enough to stop me. “Hwag ka munang gumalaw, Anak… pakiusap,” dagdag niya, nanginginig ang boses. Napapikit ako saglit, pilit kinokontrol ang sakit na kumakalat sa katawan ko. “Ano ba'ng nangyari…” mahina kong tanong, halos pabulong. Even my voice felt foreign. Mahina. Basag. “Na-aksidente ka,” sagot niya agad, hindi na tinatago ang pag-aalala sa mukha. “Limang araw kang walang malay… akala ko--" Naputol ang sasabihin niya nang muling tumulo ang luha niya. Five days. My brows furrowed slightly. Parang may kulang. Parang may hindi tama. I swallowed. The memory hit me.. the rain. The road. That light. My grip tightened slightly against the bedsheet. “M-Mama…” muli kong tawag, this time a little clearer. “Hmm?” agad niyang tugon, mas lumapit pa sa akin. I slowly shifted my gaze.. past her, toward the others in the room. My siblings. Nakatayo sila doon. Tahimik. Nakatingin sa akin. May halong takot… at pag-aalala. I blinked. Once. Then again. Nasa dulo na ng aking dila ay tanong na nais kong sabihin sa kanila. Ngunit hindi ko na iyon itinuloy ng maramdaman ko na parang may pumipigil sa akin na magsalita. Kaya umiling na lamang ako. “…Never mind,” bulong ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko pa kaya. Hindi ngayon. My gaze slowly drifted away from them… hanggang sa mapunta ito sa gilid ng kwarto. And that’s when I noticed it. The table. Punong-puno iyon ng mga basket ba may lamang prutas at may iilang bouquets ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Some still fresh… some slightly wilted. May mga nakalagay pang cards sa gilid, maayos na nakaayos... halatang may nag-aalaga at nagpapalit. My brows furrowed. “…Ma?” tawag ko, mahina pa rin ang boses ko. “Hmm?” lumingon siya agad sa akin. “Sa’n galing ang mga ‘yan?” tanong ko, bahagyang itinuro ang mesa gamit ang tingin ko. Sumunod ang mata niya sa direksyon na tinitingnan ko. And then, she smiled softly. Warm. Parang may tinatagong saya. “Galing sa mga dumadalaw sa’yo, Anak,” sagot niya. I stayed silent. Waiting. “Yung mga staff mo… halos araw-araw nandito,” dagdag niya. “Nag-aalala sila sa’yo. At ang iba naman ay iyong mga naging kliyente mo." A faint flicker crossed my eyes. Pero bago pa ako makapagsalita ay nagpatuloy sa pagsasalita si Mama. “May dalawa pa…” bahagya siyang napangiti ulit, this time may halong pagtataka. “Dalawang lalaki,” dagdag niya. My brows knit slightly. “…Lalaki?” tanong ko, hindi maitago ang bahagyang pagkalito sa boses ko. Tumango siya. “Palagi silang sunod-sunod kung dumalaw sa’yo,” paliwanag niya. “Minsan magkaiba ng oras, minsan naman ay halos sabay pa sila kung dumating." I frowned. That doesn’t make sense. Wala akong kilalang… gano’n. Ni hindi nga ako nakikipag-usap sa lalaki maliban na lamang kung tungkol sa trabaho at kliyente. I don't have time for boys or relationship.. “At sino sila?” tanong ko, mas naging maingat ang tono ko. Umiling siya nang bahagya. “Hindi ko rin kilala,” sagot niya. “Pero… mukhang importante ka sa kanila.” Important? That word didn’t sit right. My eyes drifted back to the flowers. Then to the fruit baskets. Then back to her. “Hindi sila nagpapakilala?” dagdag kong tanong. “Hindi masyado,” sagot niya. “Pero sa t'wing dumadalaw sila dito ay iisa lang ang tanong nilang dalawa. At 'yun ay kung gising ka na ba..." aniya. A brief silence settled between us. My mind started running. Fast. Too fast. Because I knew one thing for sure... I don’t let people get that close. So who the h*ll are those men? and how did they know me? My fingers curled slightly against the sheets. “Darating ulit sila,” dagdag ni Mama, mahina ang boses. “Sigurado ako.” I didn’t respond. I just stared at those flowers again. Marami akong gustong itanong ngunit mas pinili kong maging tahimik. Kasi pakiramdam ko ay lalo lang sumasakit ang ulo at katawan ko sa mga narinig ko mula kay Mama. TO BE CONTINUED.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD