MHIARA CASTANIEDA'S POV
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, at unang bumungad sa akin ang pamilyar kong silid.
Pinagmamasdan ko muna ang paligid at nang makumpirma kong nasa loob ako ng kwarto ko ay agad akong bumangon.
Ngunit natigilan ako nang bigla kong naramdaman ang pagkirot ng aking ulo. Sandali akong napapikit, hawak-hawak pa rin ang ulo ko.
"Paano kaya ako nakarating rito sa condo?" bulong ko sa sarili, muling iminulat ang mga mata.
Sa kalagitnaan ng pananahimik ko ay biglang pumasok sa alaala ko si Cynthia. Bigla akong kinabahan, at halos lumipad na ako patungo sa pintuan sa pagmamadali.
"Ayos lang kaya siya?" sa isipan ko, maingat na binuksan ang pintuan.
Ngunit agad na nalaglag ang panga ko ng makita ko si Lucien at Caelum. Nakatayo silang dalawa sa harapan ko, parehong naka-krus ang braso at masama ang tingin na iginagawad sa akin.
"W-What are you doing here?!" tanong ko nang bahagya ng makabawi sa pagkagulat.
Hindi sila sumagot at tinitigan lamang ako.
"Walang magsasalita?" nanunuyang tanong ko, ilang sandali pa ay halos sabay-sabay silang dalawa na tumuwid sa pagkakaupo.
Nag-iwas ng tingin si Lucien, hanggang sa tuluyan niya akong tinalikuran at ang naiwan sa harapan ko ay si Caelum.
Pinagkatitigan ko nang husto ang kanyang mukha. At bigla kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib ng makita ko ang pagdaan ng matinding pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Caelum--"
"Muntik ng may mangyaring masama sa inyo kung natagalan si Lucien kagabi..." aniya at natigilan ako.
My breathing suddenly slowed. I couldn't move, I couldn't open my mouth to say something. All I did was to stare at him, as he looked at me straight into my eyes.
"We've been calling you a thousand times..sent you messages, pero ni isa doon ay wala kang sumagot. We understand that you wanted to get away from us. We understand it and all you have to do is to tell us where you are and that you don't want to be disturbed, kasi gagawin naman namin kung iyon ang gusto ko."
Bigla akong nakaramdam ng hiya.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap ng sermon, at mas matindi dahil sa isang lalaki pa talaga nanggaling.
I didn't let any men talk to me this way, but for some reason I let him. And I'm affected, guilty because I know that I'm also at fault.
“We may not be in a relationship yet…” dagdag ni Caelum, mas mababa na ang boses, pero mas malinaw.
Hindi siya umiwas ng tingin.
“At kahit hindi namin alam kung sino ang pipiliin mo sa aming dalawa, ay hindi mo kami mapipigilang mag-alala para sa 'yo..." pagpatuloy niya, bawat salita ay kontrolado, pero ramdam ang bigat.
His jaw tightened slightly.
For a second, I didn’t know what to say.
Hindi ako sanay.
Hindi ako sanay na may nag-aalala sa akin bukod sa pamilya ko.
Lalo na… hindi mula sa mga taong hindi ko naman dapat pinapapasok sa buhay ko.
And yet, they were here.
Standing in front of me like they had every right to be.
A quiet, almost disbelieving chuckle escaped my lips.
Bahagya akong napailing.
Then I lifted my gaze… and looked straight at him.
“I don’t need protection,” I said, my voice is flat. “Not from you. Not from Lucien. Not from anyone.”
The words came out exactly how I wanted them to.
Pero sa likod ng bawat salita ay ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko dahil alam kong masyadong masakit ang salitang iyon.
I knew I was being unfair.
I dragged them into something they didn’t even understand.
I shut them out.
Pushed them away.
Ignored them.
And yet they still showed up.
And instead of saying thank you, I gave them this attitude.
My fingers curled slightly at my side.
But before Caelum could say anything, a quiet scoff came from behind him.
It was Lucien.
Still turned away… but listening.
“Of course you don’t,” he muttered.
Napatingin ako sa kanya at napasinghap ako ng magtama ang tingin naming dalawa.
“But that doesn’t change what happened,” he added. “You were drugged.”
My breath hitched... just slightly.My fingers tightened even more.
“So,” Lucien continued, stepping closer this time, his gaze locked on mine, “whether you like it or not… you needed our help. And luckily, we came just in time before those a*sh*Les could do something to you.."
Kumunut ang aking noo. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Anong as*h*les? Isang lalaki lang naman iyong nakita ko?" tanong ko.
Namewang si Caelum, habang ang isang kamay niya at umangat patungo sa kanyang batok....at dahan-dahang bumaling kay Lucien, para bang sinasabi nito na siya na ang nagpaliwanag.
But Lucien glared at him. Caelum's jaw tightened and he looked so annoyed at him.
"Mag-aaway na naman ba kayo?!" asik ko at doon lang bumalik ang kanilang atensyon sa akin.
Both of them puoted like a puppy. And for some reason, the heavy feeling on my chest... disappeared.
Napailing ako, pinipigilan ang sariling matawa. Ngunit ng maalala ko si Cynthia ay muling sumeryoso ang aking mukha.
"Where's Cynthia?" tanong ko.
Nagpakawala nang isang malalim na buntong-hininga si Caelum bago niya sinagot ang tanong.
"Nagpunta rito ang boyfriend niya kaninang umaga. He introduced himself as her boyfriend and when we asked her she said yes. Kaya hinayaan na naming siyang umalis," he explained.
Pagkarinig ko niyon ay agad na gumaan ang pakiramdam ko.
Wala ng nagsalita sa aming tatlo kaya bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
"Mhiara--"
Natigilan silang dalawa at sabay-sabay na bumaba ang kanilang tingin sa t'yan ko. Dahil sa biglang pagtunog niyon.
Nakakahiya......
Napayuko ako, pero hindi nakatakas sa aking paningin ang pagguhit ng ngisi sa kanilang mga labi.
"Aw.. the sweet monster is hungry.." mapang-asar na sambit ni Caelum sabay naglakad papalapit sa akin.
I lifted my gaze at him and gave him a sharp look.
"Na-ah... that won't work against me, Mhiara. Keep giving me that look and I might kiss you," banat niya.
Nalukot ang mukha ko. Pero mas lalo akong na-bw*set ng sumunod sa kanya ni Lucien...ay ngayon ay pareho na silang nakahawak sa magkabilang kamay ko.
"Let's go...we already cooked something for you. And after that, you're going to give each of us... a deep and long kisses," he said.
Nalaglag ang panga ko at hindi alam kung ano ang reaksyon na igagawad sa kanilang dalawa.
Akmang ibubuka ko na ang bibig ko upang sumagot, pero bigla silang dumukwang at pinatakan ng halik ang magkabila kong pisnge.
I was just a peck.
Pero sobra-sobra na iyon para sa sistema ko. Hindi na ako nakapagsalita, nanlaki ang mga mata ko, kasabay niyon ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko.
"Let's go, Mhiara..." muling sambit ni Caelum, pagkatapos ay marahan niyang hinila ang kamay ko patungo sa dining area.
Habang ang kaliwang kamay ko naman ay hawak ni Lucien at halos ayaw na niyang bitawan.
TO BE CONTINUED....