Shakira pov
" Shakira..." tawag saakin ni daddy mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi ako sumagot kaya pumasok nalang din ito.
" Baby..."
Si Dad mabait ito, siya dati ang kakampi ko sa lahat. Pero wala siyang magawa dahil si Mommy ang magaling sa negosyo....sinusunod lang niya parati si Mommy.
" Baby... are ok?"
Umupo ito sa tabi ko.
" Kailan naman ako naging ok dad? Never pa naman diba?" iniiscan ko ang mga pictures namin ni Elliott.
" baby... I'm sorry dahil walang kwentang ama ako...,"
Sinulyapan ko ito.
" dad..."
Hinawakan niya ang kamay ko.
" wala man lang akong magawa para sa ikakasaya mo..."
" Dad...alam ko napipilitan lang kayong sumang ayon kay Mommy... pero gusto ko kasing itanong kung bakit ako? Noon si Kuya... wala siyang choice kasi naisugal ni Mommy ang Ibang Business natin... pati ba naman ako? "
" Baby....naisangla ng Mommy mo ang Companya sa mga Sy... hawak ng mga Sy ang malaking share ng Fuentabella Company. Hindi nila kukunin ito kung magpapakasal ka sa nag iisang anak nila. "
" buong buhay ko para akong preso dito sa bahay. Mula pagkabata ay hindi niyo ako pinapalabas... hindi ko man lang naranansan mag aral sa totoong school...hindi ko man lang naranasan magkaroon ng kaibigan... kinuha niyo na ang kalayaan na gusto ko. Pati ba naman sa pangarap ko ay kayo pa din ang masusunod?.. Dad please talk to her... ayokong matulad kay Kuya..."
Niyakap lang niya ako at humingi ng patawad ng paulit ulit.
Kinabukasan
Wala akong ganang bumaba.
" Shanelle maupo ka na at mag breakfast mamaya ay susunduin ka ni Hamilton para magpasukat ng wedding gown mo... " Mommy
Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong kumakain.
" Hon, maybe she need more rest... Parang hindi maganda ang pakiramdam ng anak natin.. " Daddy
" Akihiro wag mo nga siyang kinakampihan... parati mo nalang binebaby yan kaya ganyan siya eh... mamaya ay tatakas na naman ito dahil kinukunsinti mo siya."
Ganyan si Mommy, maging si Daddy ay natatahimik kapag siya na ang nagsalita.
" Narinig mo ba ako Shanelle Khira?! "
" Yes...! "
" Oras na sinuway mo ako..... ang lalaking yun ang makakatikim ng galit ko. "
Tinignan ko siya ng masama.
" Hon... anong ibig mong sabihin? Shakira?"
" saamin na yun Akihiro.....wag mo akong ipahiya sa Pamilya Sy... " tumayo ito at umalis kasama ang PA niya.
Nilapitan naman ako ni daddy.
" Sabihin mo saakin... sino ang tinutukoy ng Mommy mo na lalaki? "
Hindi ko pwedeng sabihin kay Daddy gaya ng kasunduan namin ni Mommy.
Flashback
Nagtungo ako sa isang drug store para bumili ng gamot. Nasa gilid ako na naglalakd ng may biglang humintong sasakyan sa gilid ko.
Nagulat ako at si Mommy yun.
Pinasok nila ako sa loob.
At isang sampal ang natanggap ko mula sa kanya.
Pak
" How dare you!,!"
" Mommy...." hawak hawak ko ang pisngi kong sinampal niya.
" ganya pala ang gusto mo! Ang sumama sa lalaking hindi mo naman kilala.... and worse! Tumira ka pa sa bahay niya! Anong klase kang babae!"
" Kung ako ganito Mommy? Kayo? ano sa tingin niya ang tawag sainyo?... Kriminal!...sarili niyong anak nagawa niyo yun..,kayo ang pumatay kay Kuya Akiko! "
Pak!
" Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan... Anak lang kita!... ginagawa ko ito para sa atin! Para hindi tayo bumagsak! "
" at ako ang kapalit ganun ba? Mommy may pangarap din naman ako sa buhay! "
" Shut up!... sasama ka saakin sa ayaw mo o sa gusto! "
" No!... hindi ako sasama sainyo... masaya na ako sa lalaking mahal ko Mommy...! "
Ngumisi ito.
" Hibang ka na.... pero tignan natin...Mamili ka Shanelle... babalik ka sa akin o ipapapatay ko ang lalaki na kasama mo sa Resort... dahil sa oras na ito nasa resort ang mga tauhan ko para patayin ang lalaki mo! "
Nagulat ako...
Kayang gawin ni Mommy ang sinasabi niya.
" Wag!... Mommy please! Don't do this... "
" Pwes sumama ka sa akin...naghihintay na si Hamilton... "
" Give me 2 days... just 2 days...magpapaalam lang ako sa kanya. Ayokong masira ang araw nito... please Mommy kahit ngayon lang... Pagbigyan mo din akong maranasan na sumaya sa kanya sa huling pagkakataon.. "
Di nagtagal ay pumayag din ito. Susunduin nila ako sa susunod na araw oras ng alas singko.
End of flashback
Sinundo nga ako ni Hamilton. Nagpasukat kami ng gown sa Manila.
Kinakausap ako no Hamilton ngunit wala akong ganang sumagot ito. Parang isang t aong isang sagot nalang.
Nadaana namin ang Building kung saan ang condo ni Elliott. Ang unang bahay namin...
" Ano ka ba dai!.. ikakasal ka ba or ibuburol? Wala man lang excitement dyan sa mukha mo..." biro ng baklang nagsusukat saakin.
" Kasal na parang ibuburol." matamlay kong sagot.
" Pst!... sapilitan kang ipapakasal kay Pogi?" bulong niya.
" Oo... at wala along magagawa... "
" May mahal kang iba? "
Tumango ako.
" So sad ng life mo dai... mahirap yan. Lalo na't mayayaman kayo. "
" love....sa flower shop tayo tutuloy para sa pagpili mo ng flowers...para minsanan ang biyahe natin.." Hamilton
Mabait naman ito..ang kaso hindi siya ang mahal ko.
" Ok.."
" jusko dai!... sayang si Pogi... "
" sayo na... " biro ko sa kanya.
" Ay wit!...ayoko ng tira tira... " tsaka ito tumawa.
Napahawak ako sa kwintas ko..
Amg engagement ring ko... ginawa kong kwintas para hindi makita ni Mommy.
Naisip ko bigla si Elliott. Ano na kaya ginagawa niya?
Elo pov
3 months after..
Nag depressed ako ng mawala siya. Naging mainitin ang ulo ko. Parati nalang akong kinakausap nila Mama.
Noong araw ng mawala ito pinuntahan ko sina Vana para alamin ngunit wala ang mga ito dahil nasa Australia sila.
Hindi niya ibinigay kung nasaan si Shakira. Sabi niya ay pag uwi nalang daw nila.
Hanggang sa nalibot ko na ang buong Cabanatuan sa paghahanap ng bahay nila.
Bigo ako. Nabigo ako sa paghahanap...
Sa pagbalik nila Vana.
Halos mag sagupaan kami ni Vana dahil ayaw parin niyang ipaalam kung nasaan si Shakira. Hanggang kinausap na nila ako.
" Elliott.. Hindi dahil ayaw ibigay ni Vana ang location ni Shakira.... hindi mo na kami kakampi. Pero sana intindihin mo din ang sitwasyon. Sumugod saamin ang fiance niya..."
Nag iinuman kami nila Ivo, Bright, Phobos at Deimos.
" ako ang fiance niya... "
" Elo...kapag binigay niya sayo... at susugod ka. Buhay ni Shakira ang nakataya. Sabi ni Vana... oras daw na sumugod ka sa kanila... mas lalo mo daw hindi ito makikita." Bright
"Sa tingin niyo.. matatakot ako sa kanila.... Tsk!"
Biglang lumapit so Vana na ikinatahimik namin. Oo natatakot kami sa kanya hindi dahil siya ang supremo.... dahil kundi ang kakayahan niyang taglay.
" Elo... minsan na kitang pinarusahan at ayoko ng maulit pa...Sasabihin ko na sayo ang katotohanan na nalaman ko mula sa Pamilya niya. Nasasayo na ang desisyon kung paano ito lulutasin." umupo ito sa tabi ng kanyang asawa.
Napaayos kami ng pag upo.
"Si Shanelle Khira Fuentabella o mas kilala nating Shakira... ay isa sa mayayaman sa Manila. Nasa linya sila ang Shoe's Fashion. Naging matagumpay ito ng pinanganak si Shakira. Siya ang swerte ng Pamilya Fuentabella. Nang maadik sa sugal ang Mommy niya unti unti itong bumabagsak ang kompanya nila. Kaya ang ginawa nila... pinakasal nila ang kuya niya na si Shane Akiko sa isang Chinese. May Kasintahan siya noon at kasalukuyang buntis... nang malaman ng Mommy nila. Plinano niyang patayin ang nasa sinapupunan ng nobya nito. Ang baby lang sana dapat ang mawala ngunit maging ang nobya niya ay namatay din. Nang malaman ng kuya niya. Umakyat ito at nagpakamatay sa mismong Building ng kanilang Kompanya. Sinisi ni shakira ang Mommy niya sa pagkamatay ng kuya nito. "
Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya.
"....mula ng mawala ang panganay ng mga Fuentabella, lalo pang bumagsak ang negosyo nila. Kaya sa huling pagsugal ng kanilang ina...naibenta niya si Shakira bilang mapapangasawa ng nag iisang anak ng mga Sy. "
" Hindi ba alam ni Shakira na mas mayaman tayo sa mga Sy? " Ivo
?????
" Hindi ko sinabi kung ano at sino tayo... " sagot ko.
" Vana.... Ano yung point mo sa problemang ito? " Deimos
" Wala... sinabi ko lang ang information sa Pamilya ng mahal niyang babae. "
?????
Hindi namin alam kung nagtritrip lang ito o ano.
" Pero isa lang ang gusto kong gawin mo Elliott....sa mga nagdaang buwan na pagsasama niyo... totoo ba ang nararamdaman mo sa kanya? " Vana
" Oo naman.... hindi ako babaero para gumamit ng ibang babae para maka move on kay Earth... iba si Shakira kay Earth... "
" Oh bat napasama asawa ko dito...?" Deimos
" Tinatanong ko lang naman...." Vana
" lakas ng trip mo Vana..."
" Eto pala.... yan ang puntahan mo bukas... mahahanap mo diya dyan. "
Kaming lima naman para kaming manok na tutuka sa isang pirasong papel na binaba ni Vana. Sabay sabay talaga ang mga ulo namin na sumilip.
" Simbahan?" sabay sabay pa namin.
Tumayo si Vana.
" Oo... ikakasal na siya bukas..."
?
" Hindi pwede!... mahal ko siya... "
" Dapat lang... dahil may halimaw sa kanyang sinapupunan...."
" Ano?"
" Buntis daw!" Bright
May tuwa sa puso ko ng marinig ko ang binalita ni Vana.
" Vana....ngayon alam ko na kung bakit pinaabot mo ang disisyon mong ibigay sa akin kung nasaan siya... Dahil hinihintay mo na may isang halimaw na kagaya natin. "
Ngumisi lang ito.
" Oo... dahil gusto ko nasa mabuting kalagayan muna siya bago mo siya kunin.... ang kaso. - - "
Kinabahan ako sa susunod niyang sasbaihin
" lagot ka kina Lolo! " tinakot niya ako tsaka pumasok sa bahay nila.
Kahit na... basta alam ko na ngayon.
" Kayong apat... Samahan niyo ako bukas.! " utos ko sa kanila.
" Hoy! Kapapanganak palang ng asawa namin..." Deimos
" Ako game ako..!" Ivo
" lalo naman ako game na game... Ako na ang driver... alam ko ang simbahan na yan." Bright
" Kayong dalawa... Gusto niyo asawa niyo tawagin ko para makasama? "
" Oo na... sasamahan ka na namin... "
" Deimos... ang mahiwagang sasakyan.." Bright
????
" anong mahiwaga? " Phobos
" Mahiwagang sasakyan mo... yung bago para bagay sa atin... yung pagbaba palang natin. Suabe. Na! "
?????
Mag asawa nga sila ni Vana