Elo pov
Last day na namin ni Shakira dito, kaya namangka kami sa kabilang isla. Hindi matumbasan ang saya at tawa ni Shakira, nag debate pa nga kami dahil sa suot niya na halos makita na ang lahat. Sabi naman niya ngayon lang siya nakalaya bakit ko pa daw ito pinagbabawalan....nakonsensya naman ako kaya pinayagan ko na. Wala naman gaanong katao dito sa lugar. Dadalawa lang naman kami sa sped boat. Kaya malaya siyang gumalaw galaw.
Sinulit namin ang araw na ito na magkasama, magkayap. May kalandian naganap pero hanggang doon lang kami.
Nagpahinga muna kami tsaka nagsimula na kaming magbiyahe.
Nasa daan kami ng maalala niya ang Fam.day sa Probinsya.
" Bakit ayaw mong dumalo tayo?"
" kasi hindi kita masosolo..."
Pinalo niya ako.
" naughty...."
" Ayoko kasi na sila ang focus mo at hindi ako... I easily get jealous....tsaka gusto ko nasa tabi lang kita. Nasanay na ako eh."
" Pero family mo ang mga yun, bakit ka magseselos... "
" Hindi sa kanila.. but your attention.. ako lang dapat. "
" So selfish Elliott..... Hmmmp"
12 pasado na kami ng makarating sa bahay.
Aakyat na sana ako ng huminto ito sa kalagitnaan ng hagdan.
" Elliott pwede tumabi sayo?"
Tinignan ko siya.
" Ok... sure,!"
Umakyat na ito at nagpunta sa kwarto niya. Nagpahinga muna ako konti tsaka nag shower. Sakto naman na paglabas ko kumatok na ito.
Dala dala niya ang Teddy bear nito. Nakasuot ng ternong pajama.
Agad na umupo sa kama.
" Magbibihis lang ako..."
Tumango lang ito.
Kumuha ako ng sandong puti tsaka pumunta sa tabi niya.
" bakit naisipan mong tumabi saakin?"
" Wala... ayaw mo ba?"
"No!.. I mean,.. ok lang naman...bigla bigla naman ata. Kasi sa Resort kahit magkasama tayo magkahiwalay pa tayo ng higaan."
" Wala... gusto ko lang din masanay."
Napangiti namana ko doon.
Magkayakap kaming dalawang.
" Hindi ka pa ba inaantok? " tanong ko.
" Hindi pa naman... "
" So anong gust----"
Naputol ang sasabihin ko ng bigla itong pumatong saakin.
" S-Shakira.... "
Agad niya akong hinalikan, itutulak ko sana ito ng pinigilan niya ang kamay ko.
" Shakira stop! "
" Can you be mine?" tanong niya saakin.
Hindi ako sumagot, tinignan ko lang ang mga mata niya na kumakausap na pagbigyan ko siya.
Oh! Syeet!
Hindi na ako nagsalita pa at ako na mismo ang humalik sa kanya.
Shakira pov
I exchanged kisses with Elliott, he gently hugged my back and he slowly unbuttons of my dress. We undressed each other, we changed our position. He is now on my top,
His kisses are full of love. He ask me if I wanted to proceed with what we were doing. I nodded and we began again.
" S--Shakira..."
He's the first man in my life but I can’t promise he will be the last either.
" I love you..."
We reach the climax.
" You seduce me Shakira..."
" I know... Hahaha bumigay ka din naman eh"
Magkayakap kami sa iisang kumot. Wala pa din suot..
" matulog na tayo... mag uumaga na.." sabi ko.
" Goodnight kiss na..." ang bilis niyang moves.
" Goodnight kiss ka dyan... umaga na.."
Kiniss niya ulit ako.
" di Good morning kiss... Hahaha"
Kinurot ko ang pisngi niya.
" Tulog na nga tayo... mapupuyat tayo nito eh"
" kasalanan mo naman eh."
" Wow... Ako pa ngayon? " reklamo ko
" Ikaw unang pumatong... Kaya pala gustong tumabi may binabalak hahaha"
" grabe siya... Hahaha"
" Sige na matulog na tayo... Bukas mamahalin pa kita.."
" Bukas lang?"
" bukas mamahalin kita na pang habang buhay..."
Hinalikan ang noo ko.
Sana tumigil ang oras para makasama pa kita.
Elliott.... I'm sorry..
Nang mahimbing itong natutulog. Dahan dahan akong bumangon pinulot ang mga damit ko.
Nilingon ko ito at lumapit sa kanya.
Ang huling halik ko sa kanya.
Lumabas ako ng kwarto at nag ayos ng sarili.
Sinend ko lahat ng videos at pictures naming dalawa sa email ko. Tsaka ko binura lahat lahat.
Iniwan ko ang phone sa kama. Niyakap sa huling pagkakataon ang teddy bear.
Tahimik akong lumabas ng bahay. Alas singko palang ng umaga. Kaya wala pang tao sa farm.
Naglakad ako hanggang sa makita kk ang sasakyan ng mga body guard ni Mommy.
Lumingon ako sa bahay ni Elliott. Napaluha ako....
Elliott sorry.....
Elo pov
Dahan dahan akong nagmulat. Tirik na tirik na ang araw sa labas.
Nagbihis ako. Nagmumog at bumaba. Bakit parang may mali?
Wala sa kusina si Shakira. Wala din sa Veranda.
Umakyat ako para katukin ito sa kanyang kwarto.
" Shakira... Shakira... magbrebreakfast na tayo.."
Ngunit walang sumasagot.
Pinihit ko ang doornob. Maayos anga kama nakita ko ang phone niya nakatapong sa higaan nito.
Tinignan ko ito at iniscan
? Walang laman ang gallery nito. Mga applications na naka install ay wala na din. Nareset lahat.
Tumakbo palabas ng bahay at hinanap ito sa farm.
" Mang Paeng... nakita niyo ba si Shakira?"
" Hindi pa Sir..."
" Ikaw Aling Rita?"
" Wala naman... Alas sais kaming pumasok dito sa farm. Ngunit ni anino ni Shakira ay hindi pa namin nakikita..."
Tinignan ko sa Rose Garden niya... pero sarado pa rin.
Bumalik ako sa bahay at nagsimulang magwala!
Umiiyak ako ng madatnan ako ni Mama nakaupo sa sahig.
" Elliott?! "
Pinahid ko ang luha ko tsaka tumakbo ako at niyakap ko ang aking ina na parang batang iniwan.
" Anak what happen? Bakit basag basag ang mga gamit mo dito?"
" Ma...si S-Shakira iniwan na niya ako..."
Muli ay niyakap lang niya ako.
" Shhhh tahana....tahana..."
" Ma... Hindi ko kaya na wala si Shakira sa buhay ko..."
" OMG...! Are you in love with her? "
" Yes Ma!... I do love her... Pero iniwan nalang niya ako basta basta... paggising ko ay wala na ito sa tabi ko, hinanap ko siya maging sa farm ay wala siya. "
" Anak... "
" fix yourself first at may ibabalita ako sayo.. "
Inayos ni Mama ang mga kalat na kagagawan ko. Pinakalman niya ako hanggang sa ibinalita niya ang pinunta niya dito.
" Anak...noong isang araw may lumapit saamin. Noong una ay hindi kami naniniwala sa sinasabi niya pero pinatunayan niya ang kaugnayan niya sa kanya"
" Ano Ma?"
" Ang Fiance ni Shakira na si Hamilton Sy...."
Fiance ni Shakira??
" No!... Ma ako ang fiance ni Shakira... nag propose ako sa kanya noong isang araw."
" Anak... calm down please!"
" Ma.. sinasabi lang ng lalaking yun para makuha si Shakira... Para ibenta siya..! Ma hindi pwede! "
Kinuha ko ang susi ng sasakyan at iniwan sa Mama.
Pupuntahan ko sina Vana para mahanap ito.
Hindi ako papayag!
Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila.
Ako ang mahal niya... at ramdam ko yon.