I like you

1468 Words
Elo pov Inayos namin ang kwarto namin. Siya ang gagamit ng kama ako sa ibaba. Nag jack en poy pa kami kung sino ang unang magshoshower. Siya ang nauna kaya maghihintay na naman ako ng ilang minuto. Pagkatapos niya naka suot na ito ng kanyang pang summer out fit...daw. Hindi ako makapag reklamo ayoko namang masira lang ito sa pagiging Conservative person ko. Hinayaan ko lang kung saan siya masaya. Namasyal kami sa tabi dalampasiga. Nagpapicture ito hanggang nasa malaoit kami sa mabatong parte " Elliott picture tayo... puro ako nalang parati." " Ok selfie tayo...." Hinayaan ko itong siya ang kumuha ng picture namin dalawa. " Look Elliott ang ganda ng Sunset!.... lika picture tayo...." Ayun na nga picture ng picture. Maya maya ay napagod na ata ito. Binuhat na niya ang tsinelas at naglakad ito malapit sa tubig. Pabalil na kami sa kwarto. " Elliott...." " hmmm.... Bakit? " Magkahawak kami ng kamay. " Bakit ang bait mo saakin?" Bakit nga ba? " Ang totoo... hindi ko alam. Hindi ko alam bakit ganito ako sayo...hindi ko maexplain kung bakit masaya akong kasama ka." Tinignan niya ako. " bakit mo pala na itanong? " " Wala... ilang buwan na din na magkasama tayo...hindi ko pa din alam bakit ganito nalang nag pagtrato mo saakin. " Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Kinuha ang isa pa niyang kamay. " Shakira.... naniniwala ka ba sa Love at first sight? " Hindi ito nakasagot. Nakatingin lang ito saakin " Ako kasi... Oo., noong una kitang makita.. may naramdaman ako eh, Yung time na ikaw ang nakasalo sa bouquet,.iba ang naramdaman ko. Hindi ko nga alam kung first sight ang dahilan. Pero alam ko na hindi lang yun....ngayon lang ako naging ganito Shakira. Sa Ex ko... maging kay Earth ay hindi ko pa nagawa ito. Sayo lang....kaya nagtataka na din ako sa sarili ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko sayo.!? " Hindi ko na patatagalin, sasabihin ko na ang narardaman ko sa kanya. Shakira pov " Shakira.... I LIKE YOU.... " Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Oo gusto ko din siya. Pero paano nalanv kapag nalaman niya ang totoo.. " Shakira..., can you be mine? Can you be mine for the rest of my life?" Like palang nasasabi niya? Bakit for the rest of my life na?! Pero kinikilig ako.. Napaluha ako sa pag aamin niya. " Elliott....." " Shakira....maniwala ka man o hindi... I DO... I LIKE YOU... and I LOVE YOU..." Lumuhod ito at nilabas ang isang singsing. Napatakip ako ng bibig. Paanong? May singsing agad ito? " Can you be mine?" Ngumiti ako at niyakap siya. Tumayo siya at sinuot nag singsing sa aking daliri. " Yes... I'll be yours... for the rest of your life" Agad niya akong hinalikan. Tinugon ko din ang kanyang halik. Masaya kaming nagtungo sa kwarto. Nagpadeliver ito ng dinner namin at si mismong veranda kami nagsalo. " Paano natin sasabihin kina tita na tayo na?" tanong ko. " pag uwi natin... sasabihin ko na." " Hindi kaya magalit siya.. or tumutol sa relasyon natin?" " Shakira... kung tutol siya sana ay hindi soya papayag na magkasama tayo sa iisang bahay. Matanda na ako para magdesisyon para sa sarili ko." " tatanggapin kaya nila ako Elliott kung sakali?" Hinawakan niya ang kamay ko. " Hindi pa ba? Kung kausapin ka nila noon akala mo hindi ka na nila papakawalan eh... hindi matapobre ang pamilya ko... ang angkan ko. May mga bagay na hindi mo pa alam tungkol saamin. Pero sinisiguro ko na sayo na... gusto ka nila. Kung sino ang mahal ko... mamahalin din nila kaya wag kang kabahan... " Ngumiti lang ako. " So pwede na tayong magkatabi? " tanong ko. Pero umiling lang siya. " Ha? Bakit naman? " " Hindi dahil tayo na... pwede na tayong magkatabi....ayokong mag first base agad... diba sabi ko sayo... I will respect my future wife...?" " pinaninindigan mo talaga ha... Hahaha" " yah!,,, alam ko pilyo ka. Wag kang magbabalak. Lalaki pa din ako....baka maibigyan kita ng regalo 9mons hahaha" " Wala naman akong iniisip ah... ikaw ha. Nagbibigay ka ng suggestion hahahah" " Pwede... kung kaya mo akong mapanood na binabato ng bomba nila Lolo... Hahaha" " Really?... gagawin nila yun?" pagtataka ko. " yes., kasi nga Kasal muna bago baby....yung ibang kamag anak namin. Halos magtinikling na sila dahil nauna ang anak. Hahaha." " Papakasalan mo naman ako kahit may baby na tayo diba?" " Syempre....kami ata yung Grazeter The Great.... Hehehe" Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano. Ang alam ko lang.... totoo ang nararamdaman niya saakin....ganun din naman ako. Ang hindi lang mawala sa isipan ko, kung malaman niya ang katotohanan. " natahimik ka dyan Kuting..." " Elliott... Inom tayo.. " yaya ko sa kanya. Alam kong tatanggi siya kaya inunahan mo na. ".... Ooops! You can't say NO... diba?" Napakamot ito ng ulo. " Fine...." " doon tayo sa may papag yung may duyan." Turo ko sa tapat ng kwarto namin. Kada kwarto may kanya kanyang papag. Tanaw na tanaw ang dagat. Magkakalayo ang mga kwarto kaya ok lang na mag ingay. " Anong gusto mong inumin?" tanong niya. " Soju... " " Ok....mag papakuha ako..." " Magseselebrate tayo ng First day together as a couple.." Namula naman ang pisngi niya. Cute.. Alas 9 ng lumipat kami sa papag. Ang ganda dito... nakakawala ng stress. Hehehe may duyan pa. Tapos makikita mo dito mismo ang malaking buwan. Nagsayaw sayaw ako habang si Elliott ay nakaupo nagbabalat ng apple. " Umupo ka nga... ang likot likot mo talaga.." Lumapit ako at niyakap siya palikod. " Shakira!,,,baka masugat ako. Hawak hawak ko pa naman ang kutsilyo." " Ang sarap mo kasing yakapin....kapag ganitong ka presko." Nilingon niya ako at hinalikan bigla. " naka score ka ha... Hahaha" tumayo ako at umupo sa harap. Magkaharap kami at nagsimulang uminom. Noong una pa tanong tanong lang kami at tawa ng tawa hanggang sa sumapi na ang ispirito ng alak saamin. Naka limang soju kami kaya nag init ang katawan naming Dalawa. Kung kanina pinapasayaw ko siya ay umaayaw pa...Ngayon ay siya na ang kusang sumayaw. Hindi na ito maawat. Para itong nagtitinikling na lumilipad kaya halos gumulong na ako sa kakatawa. Nagdala kami ng kumot at unan kung sakaling hindi na namin kaya ay pwede kaming matulog dito mismo. Kaso nagkatotoo nga.. Nakatulog kaming magkayakap. Kinaumagahan nauna akong nagising...umaga na pala. Nasapo ko ang ulo sa sobrang sakit. Bumango ako... Pinagmasdan ko si Elliott... at ang singsing sa aking daliri. " I love you too Elliott..." hinaplos ko ang mukha niya sabay pumikit. Gusto ko kahit hindi ko siya nakikita. Alam ko ang angulo ng mukha niya. Mga mata, ilong, pisngi at ang kanyang labi. You're the perfect man I wanted to be.... Elliott pov Nagising akong wala si Shakira sa tabi ko. Nataranta ako... hindi pa man maganda ang panaginip ko. Tumakbo ako sa kwarto para hanapin siya ngunit wala ito. Kinabahan ako...naghilamos muna ako at nag toothbrush. Humarap ako sa salamin. " Relax Elo... hindi ka iiwan ni Shakira..." Pagkatapos ko. Walang Shakira ang dumating kaya lumabas ako para hanapin ito. Nagtanong ako sa mga staff kung nakita nila ito ngunit wala daw. Tumakbo ako sa dalampasigan...wala din ito. Doon na ako nataranta. Bumalik akonsa kwarto ngunit wala pa din. Kinuha ko ang phone para tawagan siya. Nag ring ito at nakita ko sa kama ang phone niya. Tumakbo ako palabas... hinanap sa kabuuan ng Resort. " Shakira please!" Hindi ko na alam ang gagawin ko.! Para akong baliw na hindi alam ang ginagawa. Para akong batang iniwan ng magulang... umiiyak nan ako. Pigil na pigil ang hikbi ko. Napahawak ako sa tuhod dahil nawalan na ng pag asa na mahanap ko ito. " Elliott??" Napalingon ako. Pinahid ko ang luha ko ng makita si Shakira. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap. " Where have you been?? Hinanap hanap kita kung saan saan...." Hinagod naman niya ang likod ko. Sa sobrang takot ko napayakap ako ng mahigpit. " Elliott...ano bang nangyayari sayo?" Kumalas ako sa pagyakap sa kanya. " Paggising ko kasi wala ka na sa tabi ko.... natakot ako na baka iniwan mo na ako" Tinawanan lang niya ako. " Eto naman praning!... bumili lang ako ng gamot... sa malapit na Drug store dito... hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka..." Pinahid niya ang luha sa pisngi ko. " Hindi kita iiwan ano ka ba!?!" " Sa susunod... Wag mo ng gagawin yan ha. Natakot ako sayo! " " halika na nga...umiyak ka pa talaga... " " malamang.... ikaw ba naman ang iwan.! " Sumakit daw ang ulo nito, wala kaming dalang gamot kaya bumili ito. So ang maghapon naming dalawa ay sa kwarto lang. Bukas ulit kami mamamasyal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD