Kabanata 22 Aalis na sana siya pero humarang ako sa kaniyang daraanan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay ko dahil sa tingin na ibinigay niya. Yung tingin niya sa akin ay parang nanghuhusga! Pansin ko na mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay. Ang kaniyang noo rin ay sobra na ang pagkunot. Lagi siyang mukhang naiinis sa akin pero noong nakita ko naman siya sa parking lot together with Amara ay sobrang soft naman ng reaction niya. So, may favoritisim siya? Sa akin laging galit? Kay Amara sobrang bait? What topic should we talk about ba? Nagsimula na siyang maglakad kaya bigla akong nataranta. Tumikhim ako. “Good pero I’m sure naman na medyo maliit pa rin ang sahod mo,” wika ko. Biglang nanlaki ang aking mga mata dahil sa mga salita na lumabas sa aking bibig.

