Itinaas ko ang aking kamay upang patigilin ang mga back up dancers sa pagsasayaw. Tumalikod ako upang harapin sila. Tatlong babae at tatlo ring lalaki ang mga back up dancers na nasa likod ko. Pansin ko ang pagngiti nila sa akin habang isine-sway nila ang kanilang katawan. Sinabi ko sa kanila na pwede muna silang mag-break ng ilang minutes. Agad pumunta ang mga girls sa upuan ng mga audience. Kinuha nila ang mga tubig nila, at umupo upang magpahinga. Ang mga lalaki naman ay umupo sa sahig ng stage. Bababa na sana ako sa stage ngunit napatigil ako nang biglang sumulpot si Tremor. Hindi ko maiwasan na mapataas ang kilay ko. Pansin ko ang hawak niyang mop. Seryoso lang siyang nakatingin habang nakaharap sa akin. Janitor na matapang pa sa artista! “Are you done?” tanong niya sa akin. Isang

