Itinuro ng bartender ang lalaking nambastos sa akin kaya naman agad itong kinaladkad palayo ng bouncer. Hindi ko na sila sinundan pa nang tingin. Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Tremor nang na-realize ko na kanina pa pala ako nakayakap sa kaniya. Napatikhim ako noong humarap siya sa akin. Ang galit niyang ekspresyon ay hindi pa rin nagbabago. Napansin ko ang paghawak niya sa kaniyang labi kaya agad akong napalapit sa kaniya. Hindi ko maiwasan na mag-alala. Napahawak ako sa kaniyang baba upang maayos kong matingnan kung may galos ba ang kaniyang mukha. Na-punch ba siya? “Are you okay?” tanong niya sa akin na may halong pag-aalala. Noong wala naman akong napansin na sugat sa kaniyang mukha ay malalim akong napahinga dahil napanatag ako na hindi siya nasaktan. Napatingin ako sa kaniyan

