Masayang lumabas ako sa airport. Binitawan ko ang luggage na dala ko. Itinaas ko ang aking dalawang kamay habang tumitingala. Pumikit ako and dinama ko ang pagtama sa aking mukha ng masarap at sariwang hangin. I’m so happy na nakapunta ulit ako rito! “Welcome back to Hawaii, Vetari!” masaya kong sabi sa self ko habang nagmumulat ng mata. “It’s been a while! I can rest na from the stress! No one can recognize me and no paparazzi!” excited na sabi ko habang hinahawakan ang aking luggage bag. Hinila ko agad ito at nagsimulang maglakad. Hindi ko napansin na may isang lalaki na biglang sumulpot sa aking unahan. Napasinghap ako nang bigla siyang tumigil sa aking unahan kaya naman nabangga ako sa kaniya. Napahawak ako sa kaniyang braso at ang mukha ko ay napadikit sa kaniyang matipunong likura

