Tahimik lang akong sumunod sa kaniya papunta sa kaniyang office. Nasa gilid lang naman ng conference room ang office niya. Nakatitig lang ako sa kaniyang magandang likod. Binuksan niya ang pinto at pagkatapos ay tumabi siya sa may pintuan. Nakatingin lang siya sa akin habang pumapasok ako sa kaniyang office. Sinaraduhan niya rin naman agad ang pinto. Napatingin ako sa bawat sulok ng kaniyang opisina. Okay? Ang office naman niya ay neat and clean. “What do you want to talk ba?” tanong ko sa kaniya habang hinahawakan ang sandalan ng sofa. Hindi ako umupo kahit na isinenyas niya sa akin ang upuan. Lumapit siya sa swivel chair niya at umupo agad siya roon. Ipinatong niya ang magkabila niyang siko sa kaniyang lamesa at ipinatong niya ang kaniyang baba sa kaniyang kamay habang seryoso niya ako

