Napatigil ako sa tangkang pagpasok sa loob ng kotse ko nang naramdaman ko ang pagpigil sa aking braso. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang seryosong mukha ni Lindstrom. Napakunot ang aking noo dahil sa nakitang ekspresyon sa mukha niya. Bilang lang sa aking hands ang makita siya na ganitong kaseryoso. Sa tagal na naming magkasama ay kilalang kilala ko na siya. Alam ko nang may problema siya. Agad akong humarap sa kaniya at tinanong ko siya kung ano ang kaniyang problema. Ang lumabas sa kaniyang bibig ang nakapagpanigas sa aking buong katawan. Napaawang ang aking bibig dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi. Inalis ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso. Nakaramdam ako ng lungkot at panlulumo. “Lindstrom, ano na namang kadramahan ang sinasabi mo?” mar

