Pagod na pagod na umupo ako sa aking sofa. It’s been a long and tiring day for me. Pagod na ako but hindi pa naman ako haggard. I’m still beautiful pa rin. Hinawakan ko ang aking ulo at marahan kong hinimas ito. Ipinikit ko ang aking mga mata para magpahinga saglit. Tahimik sa house ko tuwing narating ako dahil pumapasok sa loob ng kwarto nila ang mga kasambahay. Ayoko kasi ng may naririnig akong kahit konting ingay tuwing masakit ang ulo ko. Nalabas lang naman sila pag may ipinag-uutos ako. They can rest naman and patuloy lang naman ang pagpapasahod ko sa kanila kahit na wala silang masyadong ginagawa sa house ko. I have ten maids kasi and may kaniya kaniya silang gawain. “Vetari!” malakas na tawag sa akin ni Kelly kaya nagmulat agad ako ng mga mata. Sinamaan ko siya ng tingin. “Why?”

