Umagang umaga pero sinasagad na nila ang pasensya ko! Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko dahil sa stress. Hinawakan ko ang ulo ko at marahan ko itong hinilot. Bumuntong hininga ako habang pumipikit. Ilang araw na akong pinagsasakitan ng ulo dahil sa sobrang daming issue na ibinabato sa akin. Noong una ay hindi pa ako naaapektuhan at unbothered pa ako sa mga issue pero ngayon ay halos para na akong mabaliw dahil pinoproblema ko na ito. I think I need na pumunta sa mental dahil konting konti na lang ay masisiraan na ako ng bait. Dahil sa mga issues ay naaapektuhan na ang aking mga endorsement! Isa isa na silang nagbaback out sa contract namin! Ang ibang dapat magrerenew ay hindi na tumuloy pa! Iminulat ko ang eyes ko at muli kong tiningnan ang cellphone ko. Naramdaman ko ang pangigigil

